GAYA ng inaasahan ay malakas ang naging bugso ng hangin at pagbuhos ng ulan sa lugar nina Roxie. Nawalan na rin ng kuryente kaya panay ang ikot niya sa bahay dala ang kandila para tingnan ang mga tumutulong bahagi. She's getting worried about the second floor. Kung sakaling magpapatuloy ang pananalanta ng bagyo ay baka bukas o sa makalawa ay masaid ang ipon niya sa pagpapa-repair. "Tita Ganda, papasukin na natin si Tito Pogi. Kawawa naman siya doon sa sasakyan niya," ani Totoy matapos ilapag ang planggana sa sahig para saluhin ang tulo. Roxie sighed. Naaawa na rin siya kay Zeus ngunit hangga't maaari ay ayaw niya itong tumuloy sa kanila. Hinihiling na nga niya na sana ay umuwi na ito o tumuloy sa inn dahil sa bagyo kaya lang talagang matigas ang ulo ni Zeus. She knew he's hungry. Wala i

