KANINA pa napapansin ni Zeus na aligaga si Roxie. He was busy fixing the roof and securing the second floor when Roxie went out to buy groceries. Magmula noong bumalik ito ay hindi na napakali. Nasa mga mata rin ang pangamba at takot sa hindi matukoy ni Zeus na dahilan. Sandali siyang bumaba nang makita itong pumasok ng kusina. Para naman itong nagulat nang makita siya. Her face turned pale and she dropped the glass of water she was holding, along with the large gel pill she was about to drink. "Let me," agap niya nang akma itong luluhod upang damputin ang nabasag na baso pati na ang gamot ngunit pilit ding umupo si Roxie para kunin ang gamot. Zeus was able to read the medication's name before Roxie managed to snatch it from the floor. Hindi rin ito makatingin nang diretso sa kanya haba

