TINANGHALI na ng gising si Roxie dahil sa ilang beses na pagbangon kagabi para umihi. The bigger her babies are growing, the easier her bladder gets full. Kinusot niya ang mga mata niya't pinasadahan ng tingin ang kanilang maliit na silid. Napakunot-noo naman siya nang mapagtantong wala na roon si Zeus. She expected him to wake up late, too. Paano ay sa tuwing nagigising siya para umihi ay bumabangon din ito upang samahan siyang magbanyo. She moved out of the bed slowly. Nang maisuot ang kanyang tsinelas ay lumabas siya ng silid. Natanaw naman niya si Zeus sa may labas na tila nagsasampay. Lalo tuloy nalukot ang noo ni Roxie. Naglaba ba ito ng damit nila? "Zeus?" tawag niya nang makalabas ng pinto. "Anong ginagawa mo?" He looked over his shoulder while still hanging her shirt. "I washe

