"HAVE you found him?" malamig ang tinig na tanong ni Rosanna sa tauhang nangunguna sa paghahanap kina Zeus. The guy nodded. "We've traced them . . . and we found someone who can help us." Sumenyas ito sa isa pang tauhan. Maya-maya ay may idinala ang mga itong lalakeng may suot na kupas na damit at pantalon. Rosanna immediately covered her nose. Naalibadbaran sa amoy ng isdang humalo sa hangin. "What's that smell?" She groaned. "Can you drag him a little farther before I throw up?" asik niya sa tauhan. Pinalayo ng mga ito ang lalakeng halatang takut na takot dahil sa nakikitang mga baril na nakasingit sa pantalon ng kanyang mga tauhan. "S-Ser, maawa ho kayo. May pamilya ho ako, Ser," mangiyak-ngiyak nitong pakiusap. Tumaas ang kilay ni Rosanna bago tiningnan ang kanyang tauhan. Binuno

