KANINA pa napapansin ni Zeus na tila aligaga ang bangkerong si Ronan. Ni hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Kabado rin ang itsura na tila mayroong bumabagag dito nang husto. Lumapit siya rito at tinapik sa balikat. "May problema ba ulit sa inyo? May sakit ba ulit ang bunso mo?" Nag-aalangan itong sumulyap sa kanya bago umiling. "W-Wala, pare." Zeus sighed. "Alam mo namang malalapitan mo ko kung may problema ka. Hindi mo kailangang isipin 'yong huling nahiram mo. Mahirap ang buhay rito at hindi madaling kumita ng pera kaya huwag kang mahihiyang magsabi. Masipag ka. Sadyang kulang ka lang sa oportunidad." Hindi niya alam kung ano bang mayroon sa sinabi niya para mamuo ang mga luha sa mga mata nito. Mariin ding lumapat ang mga labi sa isa't isa habang pilit na pinakakalma ang sar

