Kabanata 38

1804 Words

"ABA, NAMIMIHASA ka!" mataray na sabi ng landlady kay Roxie nang delayed na naman ang upa niya sa tinutuluyang kwarto. Alam niyang mapapalayas na talaga silang mag-iina nito dahil pangalawang buwan na itong hindi siya makababayad. Hirap din siyang magpaliwanag kaya nang akmang kukuha siya ng papel upang isulat ang nais sabihin ay tinabig ng ginang ang kanyang kamay. "Hindi ito bahay-ampunan! Kung wala ka nang ibabayad ay lumayas ka!" asik nito. Gusto sanang magmakaawa ni Roxie ngunit pumasok na ang ginang upang ito mismo ang kumuha sa kakarampot nilang gamit. Ipinagtatapon nito ang mga gamit sa labas kaya walang nagawa si Roxie. Kahit hirap dahil nanginginig sa gutom ay pilit niyang dinampot ang mga gamit nila't isinilid sa bag. Padabog namang isinara ng ginang ang pinto at ikinandado

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD