TAHIMIK na nakaupo si Bella sa kanilang sala nang dumating si Shawn. Seryosong tumingin si Bella sa asawa. “Maupo ka rito, Shawn,” tawag ni Bella rito. “Maglaro tayo ng baraha.” Napakunot naman ang noo ni Shawn sa sinabi ni Bella. “Pagod ako, Bella kaya pwede ba huwag mo kong salubungin ng ganiyan,” naiinis na tugon naman ni Shawn sa asawa. “Pagsinabi kong maupo ka rito, maupo ka!” hindi mapigilang sigaw ni Bella kaya nagulat si Shawn dahil noon lamang niya makitang ganoon ito at kitang-kita niya ang matinding galit sa mga mata nito. Kaya kahit pagod ay naupo ito sa harapan ng inuupuan ni Bella. “Madali ka naman palang kausap.” “Ano na naman ba kasi ‘to, Bella?” naguguluhan pa ring tanong ni Shawn sa asawa at nakatingin sa hawak nito. “Gusto ko lang maglaro tayo ng baraha, matagal na

