“KAHIT humiga ka pa riyan, Shawn, hindi mo ko mapipigilan,” matigas na usal ni Bella saka tinalikuran si Shawn. Mabigat ang kaniyang dibdib na talikuran ito ngunit dahil mas nangingibabaw ang matinding galit sa asawa ay nagagawa niyang tiisin ito. Hindi rin niya mapigilang pumatak ang kaniyang mga luha dahil sa sakit na patuloy niyang nararamdaman. Hindi niya alam kung gaano niya katagal iindahin ang sakit ng panloloko nito sa kaniya. “Iiyak mo lang, couz, hindi naman masama na ilabas ‘yan paminsan-minsan,” wika sa kaniya ni Sheena nang makasakay siya ng sasakyan at dahil doon ay tuluyan na nga siyang napahagulgol. “Hindi mo na ba talaga kayang patawarin?” tanong nito sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin. “Kasi kung hindi mo na talaga kayang patawarin, Bella, none sense lang kung ipipi

