KATATAPOS lang maligo ni Sariah nang magising ang kaniyang kaibigan, nawili na manatili ito roon at hindi naman niya iyon tinutulan dahil gusto rin niya ang may makasama. “Oh, linggo ngayon hindi ba? Bakit ang aga mo naman yatang naligo, wala ka namang pasok?” nagtatakang tanong nito sa kaniya. “Hindi ko masisimulan ang bago kong plano kung hindi ko sisimulan sa sarili ko ang pagbabago!” makahulugan naman niyang wika rito. “Anong ibig mong sabihin?” “Sige nga, tingnan mo nga kung may nakikita kang ganitong kabit! Pag nakita mo ng personal ang asawa ni sir Shawn mai-intimidate ka naman talaga. Bukod sa napakaganda ay napakasopistikada pa, wala akong panama roon kung ganito lang ang itsura ko.” “Desidido ka na talagang maging kabit?” “Oo, at wala nang makakapagpabago ng isip ko, Trina,

