Chapter 2

2089 Words
BUSY si Shawn dahil biglang dumagsa ang mga kliyente niya. Kinuha niya ang intercom na nasa ibabaw ng lamesa niya. "Hello, paki-inform ang mga site engineer na may meeting kami mamayang 2 PM. At pakisabi na wala sanang male-late," utos niya. "Okay, sir," mabilis naman na sagot nito. "Ah, sir ngayon ko po nai-schedule yung isang applicant. Papapasukin ko na po ba?" Tumingin siya sa suot niyang wrist watch bago ito sinagot. Alas-onse y media pa lang naman kaya may oras pa siya upang interview-hin ito. "Sige, papasukin mo na," utos naman niya saka naupong muli sa swivel chair niya at dinampot ang resume na nasa harapan niya. Pakiwari'y niya ay kilala niya ang babaeng nasa resume na iyon, hindi nga lang niya matandaan kung saan niya ba iyon nakita. Isang mahinang katok ang umantala sa kaniya. "Sige, pasok." Isang balingkinitang babae ang bumulaga sa kaniya at halos mapanganga siya sa ganda at kaseksihan nito dahil sa suot nitong itim na mini skirt at puting blusa na hapit na hapit rin sa maliit nitong katawan. "Magandang umaga po, sir," magalang na wika nito. "M-Magandang umaga," nauutal na ganting bati niya rin dito. "Sige, maupo ka, Miss--" "Sariah na lang po, sir," mabilis na putol nito sa sasabihin niya at sumungaw ang matatamis na ngiti sa labi nito. "Okay, Sariah." Pagtapos ay tumayo siya upang umupo sa tapat ng inuupuan nito. "First, tell me about yourself," panimula niya sa interview niya rito. "I am Sariah Mendez, 26 years old, I am undergraduate in Finance and Marketing. I live in Payatas, Quezon City. I'm really energetic and a great communicator. Even I missed the chance to finish my study due to my father's imprisonment, working in secretarial at Airiam's for 2 years helped me to build confidence. I'm punctual, dependable, can be counted upon to finish what I started," tugon naman nito at napatango naman siya sa sagot nito. "So, nakulong ang Papa mo?" nag-aalinlangang tanong niya rito. "Yes, sir. Pero hindi naman po ako masamang tao, I just want to be honest with you, sir kasi natatakot lang ako na baka matulad lang ito sa Airiam nang malaman nila na nakakulong ang Tatay ko, bigla nila akong tinanggal sa trabaho!" mabilis na paliwanag nito at kita niya lungkot sa mga mata nito hindi niya maiwasang makaramdam ng awa rito. "Hindi naman po siya nakulong dahil masamang tao siya, sir, napagbintangan lang po siya pero mabait ang Tatay ko." Pagtapos ay yumuko ito at doon tuluyang pumatak ang mga luha nito. "Huwag kang mag-alala hindi naman ako tumitingin sa family background ng isang empleyado. Mas tinitingnan ko ang kakayahan at maitutulong nila sa ikalalago ng kompanyang ito," pagpapalubag loob naman niya rito saka ito inabutan ng tissue, nag-angat naman ito ng tingin sa kaniya at tinanggap ang tissue na ibinigay niya. "Marami pong salamat, sir!" nakangiti nang wika nito sa kaniya. "Okay, Sariah, alam mo ba kung anong magiging trabaho mo sa 'kin?" tanong niya rito dahil gusto niya itong tanggapin bilang secretary niya. Malaking factor na siguro sa kaniya ang nangyari dito dahil katulad nito ay alam niya ang hirap ng walang magulang dahil maaga rin siyang naulila. "Yes, sir. I will work as your personal secretary," mabilis na tugon nito kaya napangiti siya. "So, kailan ka pwedeng magsimula?" "Kahit ngayon, sir, pwedeng-pwede na po akong magsimula!" kita niya ang tuwa sa mga mata nito at nagbigay rin iyon ng kaunting indayog sa kaniyang puso. "Sige, kung ganoon ay tara at sasamahan na kitang mag-ikot. Kailangan mo munang ma-familiarize sa nga process namin dito sa construction firm dahil maaring hindi lang secretary ang maging trabaho mo sa 'kin," paliwanag naman niya pagtapos ay tumayo siya, sumunod naman ito sa kaniya. Paglabas nila ng pintuan ng opisina niya. "Dito ang magiging table mo, Sariah." "Okay po," tugon naman nito pagtapos ay ibinaba nito roon ang mga gamit na dala nito. Pagtapos ay naglakad silang muli upang ipakilala rito ang ibang pa niyang staff doon. "So, ito si Mrs. Ronquillo, siya ang Project Manager natin, sila ang nag-aasikaso ng lahat ng project ng pumapasok sa S. Santillan. Nasa kanila ang documentation, ang surveyor pati ang safety management ay hawak nila," ngumiti naman ang ginang sa kaniya. "Magandang tanghali, sir," bati naman sa kaniya ni Mrs. Ronquillo. "Magandang tanghali naman, ito pala si Sariah," pagpapakilala niya sa babaeng kasama. "Siya ang magiging secretary ko." "Hello po," magalang na bati rito ni Sariah. "Aba'y napakagandang bata," usal naman ni Mrs. Ronquillo na bahagyang ikinahiya ng dalaga. Bumaling naman siya sa kanan niya. "Ito si Engr. Matayog, siya ang Engineer Manager natin, so lahat naman ng project na pumapasok sa atin, siya ang nagdi-distribute noon sa mga site engineer natin, dito rin ang cost estimation, planning, quality assurance and quality control. Hindi pa naman ganoon kalaki itong firm na ito pero masasabi ko na malayo na rin ang narating ng bawat isa sa amin. At alam ko na hindi ako magiging successful kung wala ang bawat isa sa kanila," saad niya rito. "Hindi ka magiging successful, sir, kung hindi ka matiyaga at marunong magbigay ng konsiderasyon sa bawat isa sa amin," wika naman ni Maila na under sa Project Manager. Napangiti naman siya sa sinabi nito. "Anyway, guys, ito pala si Sariah, siya ang magiging personal secretary ko. So, inaasahan ko ang pagkakaisa ng lahat para sa ikagaganda ng nagsisimula nating kompanya," nakangiting sabi niya sa lahat. "Walang problema, sir. Marami na rin naman tayong napatunayan lalo na sa mga nakalaban nating malalaking construction firm," saad naman ni Hero. Alam niyang malayo-layo na rin ang narating ng construction firm niyang iyon pero ayaw niyang ipagsigawan iyon hangga't hindi niya nararating ang pangarap na kalagayan ng kompaniya niya. "Sariah," tawag niya sa dalaga, lumapit naman ito sa kaniya. "Ito si Ms. Cherry, siya namang ang Financial Manager, so lahat ng project na natapos na ma-cost estimate ay babagsak na sa kaniya para sa paglalabas ng budget for that specific project. Ang marketing kasi ay hawak ko pa at ng asawa ko sa ngayon. Sooner, makikilala mo rin ang asawa ko," nakangiting wika niya rito. "Sige po, sir," nakasimangot na wika nito. "Halika at ipapaliwanag ko naman sa 'yo ang magiging trabaho mo," aya niya rito at saka siya lumakad papunta sa opisina niya. Pagpasok nila roon ay kinuha niya ang mga guidelines and terms at iniabot sa dalaga. "Ito, aralin mo ang mga guidelines at specific terms na kadalasan na ginagamit sa construction. One of this day sasamahan at mag-iikot tayo sa mga site na hawak natin, mahirap din kasi na aralin ang mga terms na nariyan kung hindi mo naman nakikita ng personal ang mga dapat mong aralin," paliwanag naman niya rito. "Sige po, sir. Wala pong problema," mabilis na sagot naman nito. "Sige, pansamantala iyan muna ang aralin mo pagtapos kung may mga tawag sa 'kin ay i-log mo rito," iniabot naman niya rito ang personal notebook niya. "Nariyan na lahat ng active appointment ko for this week, kung may tumawag at wala ang pangalan nila riyan ay ikaw na mismo ang mag-schedule sa kanila. Sa dami kasi nila ay hindi ko na sila kayang pagsabay-sabayin," wika naman niya. "Sige po, sir." "Maari ka nang maupo roon sa puwesto mo," utos naman niya, tumango naman ito at tumalima sa sinabi niya. Nang makalabas ito ay hinawakan niya ang papeles na nasa harapan niya. Panibagong kontrata iyon para sa construction firm niya. Sa ganda nang nasimulan at natapos na nilang proyekto ay halos hindi na niya kailangan ng marketing staff dahil mismong ang mga naging kliyente na nila ang nagre-refer sa kanila sa mga kakilala nito. At hindi niya inaasahan na aabot sa mahigit bentang proyekto ang sabay-sabay na darating sa kaniya. Mukhang kailangan pa nilang mag-hire ng mga bagong site engineer dahil hindi na kakayanin ng mga kasalukuyang site engineer na mayroon sila ang humawak ng panibago na namang proyekto. Inaral niyang mabuti ang proyektong hawak niya, isang hotel iyon na itatayo sa gawing Pasay, hindi niya naasahan na makakahawak siya ng ganoong kalaking proyekto bago matapos ang taong iyon para sa kaniya. Nasa kalagitnaan siya sa pagbabasa ng proyektong iyon ng tumunog ang cellphone niya. "Hello?" sagot niya roon nang hindi man lang tinitingan kung sino iyon. "Hello, Shawn?" ang ina ng kaniyang asawa. "Oh, Ma, bakit po?" "Kailan niyo ba kami balak dalawin man lang ni Bella? Magdadalawang linggo na mula nang huli ninyong punta rito, tinatawagan ko si Bella pero hindi naman ako sinasagot ng batang iyon," nahimigan niya ang pagtatampo sa tinig nito. "Nasa hearing po kasi ngayon si Bella, Ma, kaya po hindi talaga niya kayo masasagot, hayaan niyo po at tatanungin ko sa kaniya kung kailan po kami pwedeng dumalaw diyan sa Bulacan para naman makumusta namin kayo ni Papa," paniniguro naman niya rito. "Hay naku, bakit kasi hindi mo pa patigilin sa trabaho 'yang si Bella. Paano kami magkakaapo niyan kung puro trabaho na lang ang ginawa ninyong dalawa," muling sermon na naman nito. "Ma, sinabi ko naman po sa inyo na si Bella ang dapat ninyong kausapin tungkol sa bagay na 'yan. Sa akin naman po ay walang problema talagang ang anak lang ninyo ang may katigasan ang ulo." "Iyan na nga ang sinasabi ko riyan, eh ang kaso naman ay ayaw ding makinig sa 'kin," malungkot na saad nito. "Sige po, Ma, patatawagan ko na lang po kayo kay Bella. May meeting pa po kasi ako kaya hindi po ako makakapagtagal sa telepono," paalam naman niya rito. "Hane, sige, mag-iingat kayong palagi riyan sa mga trabaho ninyo," paalam na rin nito. Saktong pagbaba niya ng tawag ay may kumatok naman sa pintuan ng kaniyang opisina. "Pasok," wika niya habang ang mata ay nakatuon sa binabasa niya. "Sir, nariyan na raw po ang mga site engineer," saad naman si Sariah. "Sige, mauna ka na roon at susunod na rin ako," wika naman niya pagtapos ay isa-isa niyang dinampot ang mga bagong proyekto na nasa lamesa niya saka siya pumunta sa conference room. "Good afternoon!" bati ng mga ito sa kaniya. "Good afternoon, Engineers!" bati rin niya. "Kompleto na ba tayo?" tanong niya habang tinitingnan kung may kulang pa nga. "Saglit lang, Engineer," pigil sa kaniya ni Arnold. "Oh, bakit?" tanong naman niya. "Pakilala mo muna sa amin 'yang kasama mo," wika nito na ang tinutukoy ay si Sariah. "Ah, siya si Sariah, siya ang magiging secretary ko kaya gentlemen kailangan niyo siyang respetuhin," pagbabanta niya naman sa mga ito. Nagtanguan lang naman ang mga ito. "Can we proceed?" tanong niya bago magsimula. "Sige, simulan na natin 'yan," wika naman ni Troy. "Sige, pinatawag ko kayo kasi may mga bagong project na namang dumating sa atin, ngayon gusto ko lang sana tanungin sa inyo kung kaya niyo pa ba humawak ng panibagong project o kailangan na ba nating mag-hire ng panibagong site engineer?" simula niya. "Teka, ilan ba 'yang bagong dumating, Engineer?" tanong naman ni Alex. Binilang naman niya ang hawak na kontrata. "Ito sa ngayon may hawak akong anim na projects, itong anim na ito ngayong araw lang lahat dumating sa akin, at base sa assessment ni Engr. Matayog ay may mga parating pa, kaya nga tinatanong ko sa inyo kung kaya pa ba ninyo dahil sa ngayon may tig-tatatlo na kayong hawak. Yung isa naman dito ay personal ko ng hahawakan kaya hindi niyo na 'yon dapat problemahin." "Ang sa akin kung dadami pa naman ang mga projects kumuha na tayo ng bago kasi baka magkaproblema lang kung pipilitin namin hawakan ang lahat ng 'yan ng sabay-sabay," suhestiyon naman ni Arnold. "I agree," segunda naman ni Troy. "Kung magiging maganda naman ang bawat projects na hahawakan natin, sigurado namang mas dadami pa ang mga projects na darating sa atin." "Sige sa ngayon, magha-hire ako ng apat pa na site engineer para maging sampu na kayo. May mga project din naman akong hinahawakan kaya hindi masyadong magiging mabigat sa inyo," pagsang-ayon naman niya. "So, itong mga hawak ko na ito sa mga bagong engineer ko na 'to ibibigay. Para kahit paano may pahinga naman kayo," biro niya sa mga ito. "Oo, Engineer. Mas mabuti pa nga, halos isumpa na nga ako ng asawa ko dahil lagi na raw akong ginagabi ng uwi," wika naman ni Frank na ikinatawa ng lahat. "Oh, siya sige. Hindi ko na muna kayo aabalahin, ipapatawag ko na lang ulit ang lahat kapag may dapat na ulit tayong pag-usapan. Maraming salamat sa time ninyong lahat!" wika naman niya sa mga kasama saka nagtayuan ang mga ito at nagpaalam na rin sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD