Chapter 1

2005 Words
--- "SHAWN, seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Seo. "Oo, bakit naman hindi?" nagtatakang tanong din niya sa kaibigan. "Successful na ang S. Santillan Construction Firm bakit gusto mo pang magtayo ng ibang negosyo baka mas lalo ka lang mahirapan kung pagsasabay-sabayin mo." "That's exactly the point, brad! Successful na ang S. Santillan at hindi ako pwedeng tumigil sa ganito lang," paliwanag naman niya rito. "Bakit kasi hindi ka na lang mag-focus sa pagbuo ng pamilya mo? Pitong taon na kayong kasal ni Bella pero ni hindi pa kayo nagkakaanak man lang. Ano bang balak niyong dalawa sa buhay niyo?" singit naman ni Brayden sa kanila. "Sa tingin niyo ba ako yung may ayaw, si Bella yung may ayaw na mag-anak na kami. Sasamantalahin lang daw niya habang malakas pa ang career niya at sino ba naman ako para pigilin siya sa gusto niya." "Kaya ba iba-ibang babae ang hino-hotel mo dahil hindi ka mapagbigyan ni Bella?" naiiling na tanong sa kaniya ni Seo. "Hindi 'yon, brad. Kahit naman iba-ibang babae ang kasama ko araw-araw, si Bella pa rin ang laman nito," sabay turo niya sa tapat ng dibdib niya. "Sabihin mo kay Bella, hindi na siya bumabata, aba't malapit na tayong magkuwarenta pare-pareho. Mas masarap magka-anak habang bata pa," saad naman ni Brayden. "Alam niyo matagal ko ng kinausap si Bella tungkol diyan pero hindi naman 'yon nakikinig sa 'kin. Napakarami pang katuwiran, palibhasa nga laywer kaya ako na lang palagi ang sumusuko sa usapan naming dalawa," naiiling na wika niya sa mga kaibigan habang nilalaro-laro sa kamay ang ballpen na hawak niya. Kasalukuyan silang nasa opisina niya, kung hindi sila naroon ay nasa Coffee Shop naman ni Seo. High school pa lang sila ay magkakasama na silang tatlo kaya naman alam na alam na nila ang likaw ng bituka ng isa't isa. "Sayang kung hindi kayo magkakaanak man lang ni Bella," naiiling na wika naman ni Bray. "Pero ano tutulungan niyo ba ako? Sumosyo na kasi kayo sa 'kin, sayang naman yung halos dalawang dekada nating magkakasama kung hindi man lang tayo magtatayo ng negosyo natin," muling pagbabalik niya sa topic nilang tatlo. "Ano ba kasing negosyo iyang naisip mo na 'yan?" tanong naman ni Seo. "Iniisip ko rin kasing pasukin ang logistics pero wala pa kasi akong ideya tungkol sa ganoon negosyo kaya hindi ko alam kung paano ako magsisimula kaya nga naisipan ko kayong kausapin tungkol dito, malaki raw kasi talaga ang kinikita sa logistics ngayon at hindi siya gaanong kailangang tutukan. Gusto ko lang din na makatulong sa inyo." Pagtapos ay tumingin siya sa kaibigan. "Saka ikaw Bray, masaya ka na ba riyan sa sinasahod mo sa University. Alam ko na kulang na kulang pa rin sa 'yo ang sinasahod mo riyan. Oo nga't wala ka pa namang asawa pero dapat matuto ka nang mag-isip saan ka pa pwede kumuha ng ibang pagkakakitaan. Hindi pwede na habang buhay mo iasa ang buhay mo sa pagtuturo, hindi ka yayaman diyan, maniwala ka sa 'kin." "Maliit man kinikita ko rito, masaya naman ako sa ginagawa ko. Huwag mo ngang minamata 'yong trabaho ko, Shawn, dahil baka nakakalimutan mo kung walang mga katulad ko eh di wala ring mga katulad mo!" napipikon na wika sa kaniya ng kaibigan. "Hindi naman 'yon yung ibig kong sabihin. Ang sa 'kin lang, p're, habang bata pa tayo mag-isip na tayo ng iba pa nating magkakakitaan," paliwanag naman niya sa kaibigan. "Pass muna ako riyan! Masyado pang marami akong dapat ayusin sa Coffee Shop na iniwan sa 'kin ni Lei," tanggi naman ni Seo na ang tinutukoy nito ay ang namayapa nitong asawa dalawang taon na ang nakararaan. "Hay! Sige, sabihan niyo na lang ako kung gusto na ninyo. Ako naman bahala sa capital, eh, kailangan ko lang ng suporta niyong dalawa, kailangan ko lang talaga ng makakasama," tugon naman niya. "Bakit ba hindi na lang si Bella ang ayain mo sa negosyo na 'yan? Kayo ngang dalawa wala pa ring negosyo, eh," saad naman ni Bray. "Sa sobrang busy noon hindi na nga ako magawang kausapin. Pagdating sa bahay noon wala na 'yong ibang ginawa kundi aralin yung mga cases na hawak niya," naiiling na namang wika niya sa mga ito. "Eh, kayong dalawa ba, eh, nag-aano pa?" tanong muli nito. Bahagya naman siyang nag-isip sa sinabi nito. "Last three weeks ago, I think," sagot naman niya rito. "Three weeks ago, tapos parang wala lang sa 'yo," hindi makapaniwalang tanong ni Bray sa kaniya. "Ano ka ba? Eh, halos araw-araw nga iba-ibang babae ang kasama paano pa niya 'yon mahahalata," naiiling na usal naman ni Seo. "Sabagay," pagtapos ay tumingin na naman sa kaniya. "Ikaw nga, Shawn, tumino ka na, mamaya mahuli ka ni Bella, ewan ko na lang kung anong mangyayari sa 'yo baka nakakalimutan mo na lawyer 'yang asawa mo baka kung saan ka pulutin kapag nalaman niyan na iba-ibang babae ang kinakama mo," seryosong payo sa kaniya ni Bray. "Ano ba kayo limang taon ko na 'tong ginagawa, ni isang beses nga hindi 'yon nag-isip o naghinala man lang. Ganoon 'yon ka-busy." "Ang sabihin mo ganoon na lang kalaki ang tiwala niya sa 'yo," kastigo sa kaniya ni Seo. "Sa isip ko pa lang pakiramdam ko napaka-boring na ng buhay ninyong mag-asawa," dagdag pa nito. Isang mahinang katok ang pumukaw ng atensiyon nilang lahat. "Pasok," wika naman niya kaya bumukas ang pintuang iyon ng opisina niya. "Sir, may nagpasa po ng resume para sa hinahanap ninyong secretary," magalang na wika naman nito. "Sige, akin na 'yan." Iniabot naman sa kaniya ang folder na dala nito pagtapos ay lumabas na rin ng opisina niyang iyon. "Para saan 'yang secretary? Akala ko ba hindi mo na kailangan ng secretary?" nagtatakang tanong sa kaniya ni Bray. "Si Bella ang may gusto nito para daw kapag umaalis-alis ako kahit papaano may isang mag-aayos pa rin ng mga meetings at schedule ko. Dati kasi siya ang gumagawa noon, eh ngayong na-promote na siya medyo nahihirapan na siya kaya sinabi niyang kumuha na ako ng personal secretary ko." "Grabe! Wala akong masabi kay Bella, buong-buo ang tiwala sa 'yo, men!" kantiyaw sa kaniya ni Seo. "Swerte ka na sa asawa mo kung sino-sino pang tinitikman mo," naiiling na wika naman ni Bray. "Alam mo wala namang papantay talaga kay Bella kaya nga siya na ang pinakasalan ko pero sadyang may mga bagay na hindi niya agad naibibigay kapag gusto ko." "Bakit kasi hindi mo siya kausapin tungkol diyan para talagang na kay Bella na lang ang atensiyon mo," suhestiyon naman nito. "Ilang beses na nga kaming nag-usap tungkol sa mga personal naming problema, dude, nagsasawa lang ako kasi ang dami niyang katuwiran. Saka ang mahalaga siya ang mahal ko at sa kaniya pa rin ang uwi ko." "Hay, bahala ka na nga! Basta kami, Shawn, hindi kami nagkulang ng paalala sa 'yo kaya sana bago pa man mahuli ang lahat, ayusin mo na 'yang buhay mo," naiiling na payo pa rin ni Bray sa kaniya. "Huwag kayong mag-alala, balak ko naman na talagang tumigil saka dumadami na rin ang kliyente namin at hindi ko na rin naman maaasikaso pa na maghanap ng kung sino-sinong babae," usal naman niya dahil desidido na rin naman siyang tumigil. "Oh siya. Sige na, mauna na kami, mag-aayos pa rin naman ako ng mga lesson ko," paalam ni Bray sa kaniya saka tumayo sa kinauupuan nito. "Sige, tara sasabay na ako sa inyo," wika niya at ibinaba sa lamesa niya ang hawak na folder at ballpen. "Ang aga mo naman yata aalis ngayon?" nagtatakang tanong naman ni Seo. "Susunduin ko kasi si Bella, balak kasi naming mag-dinner date naman ngayon. Minsan lang magkaroon ng oras sa 'kin 'yon kaya mahirap nang hindi pagbigyan baka after two months pa ang kasunod," wika niya habang isinusuot ang coat niya. Sabay-sabay silang bumaba ng building na iyon na pansamantalagng inuupahan ng construction firm niya. Kasalukuyan pa lang kasi niyang pinag-iipunan ang pampagawa niya ng sarili niyang building dahil kakabili pa lamang niya ng lupa na nakaplanong pagtayuan noon. "Oh, paano? Mauna na ako sa inyo," paalam niya sa dalawa saka sumakay ng sasakyan niya. "Ingat, dude!" wika naman ni Bray at kumaway ang mga ito bago siya tuluyang makaalis. Hindi rin naman kalayuan doon ang opisina ni Bella kaya halos sampung minuto lang siya nagmaneho ay naroon na siya sa tapat ng law firm na pinapasukan nito. Mabilis naman niyang nakita ang asawa at may kasama itong isang lalaki na dala-dala pa ang bag at suitcase nito. Mabilis niyang pinarada ang sasakyan at hindi na nga niya iyon naiparada ng maayos sa kakamadali dahil biglang nag-init ang ulo niya sa lalaking kasama ni Bella. "Oh, hon! Ang aga mo ngayon, ah," nakangiting salubong nito sa kaniya. Hindi niya ito sinagot sa halip ay hinatak niya sa lalaking kasama nito ang mga gamit nito. "ANO BA, HON!" di makapaniwalang wika nito sa kaniya. "Tara na," matigas na utos niya sa asawa at ni hindi man lang tinapunang muli ng tingin ang lalaking kasama nito. "Una na ako, Jace, pasensiya ka na," narinig pa niyang paghingi ng paumanhin nito sa lalaking kasama. Mabilis siyang naglakad pasakay ng sasakyan niya at alam niyang humahabol si Bella sa kaniya. "Ano bang problema mo, Shawn?" tanong nito nang makasakay din ng sasakyan niya at nahihimigan niya ang pagkadisgusto nito sa ginawa niya. "Wala akong problema, Bella!" naiinis pa ring usal niya. "Wala pero halatang-halata sa 'yo na may problema ka," sarkastikong wika nito sa kaniya. "Si Jace ba ang probelma mo?" di makatiis na tanong nito sa kaniya. "Pakialam ko sa Jace na 'yon," mas lalong nag-init ang ulo niya marinig pa lang ang pangalan ng lalaking iyon. "Para ka namang bata, Shawn, pitong taon na tayong kasal ganiyan pa rin ang ugali mo kapag may lalaking nagmamagandang loob sa 'kin," naiinis na usal nito. "Yun ang punto ko, Bella, kasal na tayo pumapayag ka pa rin na may lalaking nagmamagandang loob sa 'yo!" hindi makapaniwalang wika niya sa asawa. "Kasal na tayo, Shawn, kaya kahit sinong lalaki ang nariyan wala na 'yang magagawa dahil nakatali na ko sa 'yo, kaya pwede ba huwag na mainit ang ulo mo. Minsan na nga lang tayo lumabas ng ganito papasadahan mo pa ko ng ganiyang ugali mo," nauubusan ng pasensiya na saad nito. Huminga siya ng malalim saka muling tumingin sa asawa. Masuyo niyang hinawakan ang kamay nito. "I am sorry, hindi ko sinasadya na makaramdam ng ganoon," wika naman niya rito. "It's okay, ayoko namang magalit sa 'yo, eh." Pagtapos ay ngumiti na rin ito sa kaniya, sa mga ngiti talaga nito parang tinutunaw nito ang katigasan sa kaniyang katawan. "Saan tayo kakain?" tanong niya habang hawak pa rin ang kamay nito. "Sa favorite na lang nating kainan," tugon naman nito sa kaniya. Tumango naman siya rito at tumalima, nagmaneho siya hanggang sa makarating sa tapat ng Aile's Bulaluhan. Paborito nilang kainan iyon noong kolehiyo pa lamang sila at nanliligaw pa lamang siya rito. Papasok na sila ng bulaluhang iyon nang biglang may babaeng bumangga sa kaniya at dahil sa laki niya ay hindi niya inaasahan na tatalsik ito. "I am sorry," usal niya at mabilis itong tinulungan. Inalalayan niya ito sa braso nito at humawak rin ito sa braso niya. Ngunit sa gulat niya ay kinindatan siya nito at may kung anong inilagay sa bulsa ng coat niya saka mabilis na umalis doon. Napatingin siya sa asawa at mukha wala itong napansin sa ginawa ng babaeng nakabangga niya. Wala sa loob na nasundan niya ng tingin ang babaeng nakabangga at nakatayo pa rin ito hindi kalayuan sa kanila. "Bakit, hon?" nagtatakang tanong naman ni Bella at sinundan ng tingin kung ano iyong tinitingnan niya. "Ah, wala, hon, tara na," mabilis na aya niya rito at inakay ito papasok ng kainan na iyon. Nakaupo na sila at umo-order na si Bella ng maisipan niyang tingnan ang inilagay nito sa bulsa niya. Cellphone number iyon, ngunit hindi na niya pinansin at inilagay na lang muli iyon sa bulsa ng suot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD