“NAPAKAGAGO mo naman, Shawn!” di mapigilang mura ni Seo sa kaibigan. “Ikaw ang nakauna sa sekretariya mong ‘yon?” Naroon pa rin sila sa kaniyang opisina dahil hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon para umalis pa roon dahil nga sinalubong na rin siya ng galit ng dalawang kaibigan. “Hindi ko naman alam na ako yung una dahil siya yung unang nag-insist noong nangyari. Malay ko ba naman na sa mga galaw niya ay virgin pa pala siya,” paliwanag naman niya. “Kahit na g*go ka ba!? May asawa kang tao tapos nakuha mo pang gumalaw ng iba! Ganiyan ka na ba talaga kahayok na hayop ka!” galit na galit na sigaw pa rin sa kaniya nito. “Alam ko na yung pagkakamali ko, huwag mo nang ulit-ulitin! Alam ko naman na hindi ko na mababago ang lahat ng ginawa ko at sising-sisi na ako sa mga nangyari!” napipikon

