“SURE ka ba talaga na kaya mo ‘tong gagawin mo na ‘to, Sariah?” paniniguro sa kaniya ni Trina, kasalukuyan silang nasa harapan ng pintuan ng isang suite sa Grand Fairmont Hotel Manila na isang five-star hotel. “Kailangan kong kayanin,” wika niya pagtapos huminga ng malalim. Hindi siya papayag na buhay lamang niya ang masira, sisiguraduhin niyang maging ang buhay ni Shawn ay madadamay. “Tandaan mo si Mr. Aragon iyang kliyenteng haharapin mo. Alam na niya kung magkano ang kailangan mo kaya wala ka ng dapat na alalahanin, go with the flow lang, ateng,” payo pa nito sa kaniya. “Ano ready ka na ba talaga?” paniniguro nito sa kaniya dahil alam niyang napapansin nito ang alinlangan sa kaniyang mukha. “Kinakabahan ako, poks!” hindi mapigilang pag-amin niya sa kaibigan. “Natural lang iyan, firs

