PAGDATING ni Bella ng kanilang bahay ay mabilis niyang niligpit ang mga gamit ni Shawn, at sinimulang ilipat iyon sa bakanteng kuwarto sa bahay nilang iyon. Hanggang sariwa sa utak niya ang lahat ng ginawa nito ay hindi niya kayang makasama ito sa iisang silid. Saktong pagdating nito ay patapos na siyang ilipat ang mga gamit nito. “Bella, ano ‘yan?” tanong nito sa kaniya. “Mga gamit mo,” malamig na sagot niya rito. “Alam kong mga gamit ko ‘yan pero bakit nariyan sa kabilang kuwarto?” “Look, Shawn, hindi ako ipokrita para ganoon ko na lang kabilis makalimutan lahat ng ginawa mo sa ‘kin. Ayoko lang na ma-stress ako kaya ngayon kung ayaw mong diyan mag-stay sa kuwarto na ‘yan, malaya ka namang makakaalis ng bahay na ‘to. Maluwag na maluwag ang pintuan, Shawn,” galit na wika niya rito. “N

