Chapter 5 ✓

759 Words
The Living Dead from the Past Lishanara's POV "SORRY, LANDO! Na-late na ako,” sabi ko habang habul-habol ko ang aking hininga dahil sa pagtakbo patungo sa mall. "Okay lang po, Ate! Kakarating lang din po namin ni Lizzy. Nag-aalburuto pa po kasi ‘di natulog kaninang tanghali," aniya na ikinailing ko. "Oh? Bakit naman nakabusangot ang aming bunso?" tanong ko sabay karga kay Lizzy. Humilig ito sa 'king balikat na tila inaantok. Napabuntonghininga na lang ako dahil may mga oras talagang ganito si Lizzy. "Siguro medyo po wala sa mood si Bunso, Ate." Napatingin naman ako sa kaniya na inaayos ang baby bag ni Lizzy at sinukbit sa balikat. "Tara na’t kumain na muna tayo sa Jollibee para naman mawala ang bugnot ni Bunso." "Yehey!" masaya niyang turan na ‘di mapigilan ang tuwa. Kahit medyo binatilyo na siya ay mababaw lang ang kaniyang kaligayahan. Masaya ako dahil ‘di kagaya ng ibang kabataan na lalaki at baka napariwala na siya at 'di ko matupad ang bilin nina Mommy and Daddy sa 'kin. Nang nakapasok kami sa loob ay naamoy ko ang napabangong aroma sa loob ng Jollibee. "Bunso, look! Ang daming foods. . ." bulong ko kay Lizzy na nakahilig sa 'king balikat pero pansin ko naman naglulumikot ang mata nito na halatang natutuwa sa nakikita. "Ate, akin na po muna si Lizzy. Maghahanap po kami ng upuan,” aniya at tumango naman ako sabay bigay kay Lizzy. Pinanood ko ang aking kapatid na busy sa paghahanap ng upuan at ako nama'y pumila na rin para makapag-order ng aming kakainin. "Lisha?" sambit ng isang baritong boses na kilalang-kilala ko. Lumingon naman ako at nagulat sa ‘king nakita. "Shelz?" usal ko. Matagal na rin nang huli ko itong nakita kaya naman ‘di ko maiwasang titigan ito nang matagal. Nagulat na lang ako nang biglang sugudin ako nito ng yakap. "Kumusta ka na?" tanong nito sa 'kin habang nakayakap nang mahigpit. Nailang naman ako dahil ‘di na ‘ko sanay na may yumayakap sa 'kin maliban kina Lando at Lizz kaya naman humiwalay ako rito. "Okay lang, buhay pa naman," sagot ko. Medyo awkward dahil matagal na rin no’ng huli kaming nagkausap. Titig na titig pati sa 'kin ito kaya naman naiilang ako lalo. Kulang na lang ay malusaw ako. Si Sheldon Corea, ang dati kong nobyo. Nagkahiwalay kami nang naghirap ako. ‘Di kami pinahintulutan na magkita ng pinsan kong si Nathalia. Medyo matindi ang obsession nito kay Sheldon. Pinalabas pang nabuntis ako ng ibang lalaki kahit na ang totoo ay ang pinsan niya ang playgirl talaga na si Nathalia. Pilit na sinisira ni Tita Evy, ang Nanay ni Nathalia ang pag-iibigan namin. Nawalan na ako ng balita rito dahil nagtungo ito sa Spain para tumira kasama ang mga magulang nito. "I thought that your de-- Ahmm.. Nevermind." Puno nang pagtataka sa mukha nito at bakas rin sa mga mata nito ang pangungulila. Ipinagkibit balikat ko na lang 'yon lalo na’t wala naman sa 'kin 'yon. Parte naman si Sheldon ng nakaraan ko. "Sige, mauuna na ‘ko. Hinihintay na ‘ko ng mga kasama ko. See you around," saad ko sabay lingon sa harap dahil ako na ang next sa counter at umorder ng aming pagkain. ---- Sheldon's POV "I DON'T KNOW THAT SHE'S ALIVE. . ." bulong ko habang tinitignan ang mga bulto nilang nagtatawanan. Masaya ang mga itong kumakain habang nagbibiruan. "They are f*cking fools! How dare them!" dagdag ko. Napuno ng galit sa ‘king puso dahil ‘di ko matanggap ang mga nangyayari ngayon. Sinabi sa 'kin ni Tita Evy na patay na ang pamilya ni Lisha at walang nabuhay sa kanila. Talagang isinaksak nila sa isip ko na wala na sila at alagaan ko na lang raw ang mag-ina ko na sina Nathalia at ang anak ko na si Jeydon Venz. Napayukom ako ng kamao. ‘Mga hayop sila!’ Ni-hindi ko man lang nahagkan ang pinakamamahal ko. Pinuno nila ang aking isipan ng mga maling akala at ‘di ko alam na ganito pala. ‘Miss na miss na kita, Mahal ko. ..’ wika ko sa ‘king isipan. Nilingon ko sila at nakaramdam ako ng matinding inggit. Sana’y kasama rin nila ako sa table nila. Mapait akong napangiti at tumulo ang aking luha. Kumain na lang akong mag-isa habang sumusulyap sa bulto nila. Malungkot akong ngumiti. They’re near yet so far. ‘Di ako makapaniwala dahil kaharap at nakausap ko pa si Lisha. All along I'm living in lies. I'll gonna make them pay! Especially Tita Evy, they’re so selfish. Wala silang pakialam sa kamag-anak nilang buhay pa pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD