My Angels
Lisha's POV
"LANDO, gising na nakahanda na’ng almusal. Papasok ka pa sa eskwela," mahina kong turan sabay yugyog sa ‘king kapatid.
"Hmm. . . Opo, Ate." Kinusot niya ang kaniyang mga mata at nag-inat.
Ganito ang eksena sa ‘ming munting tahanan. Sa umaga'y ako ang nag- aasikaso sa kanila at sa gabi nama’y nagtatrabaho ako. Bumaba ako sa ‘ming makipot na hagdan na yari sa lumang kahoy at bawat yabag ay lumalangitngit ito.
"Bumm! Bumm!" bulaslas ni Lizzy habang nakaupo sa isang malambot na kutson sa sahig.
Napangiti ako sandali, nagpapasalamat akong hindi bugnutin at pasaway ang bunso namin. Hinalikan ko muna ito sa ulo.
"Laro ka muna, ah. Aasikasuhin ko lang si Kuya," bilin ko at nagpatuloy lang ito sa paglalaro.
Si Lando ay nasa ika-walong baitang sa Junior Highschool. Hindi ko siya ipinapahinto ng pag-aaral dahil humahakot ang kapatid ko ng mga parangal at isa rin siyang achiever. Natatawa ako kapag naalala ko nang minsan na nakapag-uwi siya ng isang tropeyo dahil nanalo siya sa isang tagisan ng talino sa kanilang paaralan.
Nahihiya nga lang ako dahil hindi ‘ko nakapagtapos ng pag-aaral. Nalulungkot ako kapag may nakikita akong mga kaibigan ko dati na nagsipagtapos at may magagandang trabaho na.
Naisipan ko na rin na makapagtapos kaya nagtatanghal ako sa Empress Bar ay suma-side line rin ako bilang On-call Sexy Dancer sa mga Bachelors Party. Basta kahit ano na may kinalaman sa pagsasayaw ay pinapatulan ko. Pandagdag na rin para sa pag-iipon sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Tatlong taon na lang kasi ang hindi ko naituloy.
Napabuntonghininga na lang ako at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa para matapos ko na ang pag-aasikaso sa kanila. Nilutuan ko muna ng baon si Lando para naman hindi magutom sa eskwelahan at lulutuin ko na
---
"BEBENG, may raket akong gustong i-alok sa ‘yo," bungad ni Thalia, isang All- Out Performer sa bar.
"Ano ‘yon, Tale?" tanong ko alam kasi rin nito ang limitations ko dahil hindi ako nakikipag-physical contact sa mga parokyano miski magbayad ng malaki.
"Sexy dance para sa isang Bachelor's Party sa Solstice Condominium," sagot nito habang nagpipindot nang kung anu-ano sa cellphone nito. Mabuti rin at may raket para naman may pandagdag na pagkakakitaan.
"Sige, Tale. Basta’t no physical contact." Ayaw ko kasing may humahawak sa aking katawan. Sayaw lang naman ang kaya kong ibigay.
"Yeah... Yeah... I know na ‘yan. Kasama mo naman pati kaming dalawa ni Viena at saka balita ko’y yummy ang mga guys do’n. Hindi na ‘ko magtataka kung baka magbago ang isip mo Lisha," saad nito at napabasa pa ito ng labi gamit ang dila nito. Napailing na lang ako dahil hindi naman magbabago ang isip ko.
"Mabuti hindi ka nagkakatagas sa kaka-expose ng wild flower mo?" tanong ko na ikinatawa naman nito habang umiling-iling sa 'kin na akala mo’y isang malaking tanga ako.
"Naku, Bebeng! You’re so innocent. Syempre nag-pi-pills ako at saka if ever na hindi nakapagsuot ng condom ang fafabol ay safe ako. Mas feel ko pa nga ang sarap pati na rin madidiligan ang aking wild flower para hindi natutuyot."
Sabi ko na nga ba ma-co-contaminate ang utak ko sa pinagsasabi nito. Napailing na lang ako at sanay naman ako sa ganitong usapan dahil sa bar nga ‘ko nagtatrabaho at maraming mga green minded at mga bastos talaga ang topic.
"Sige na kasi, Lisha. Try mo rin kasi at paniguradong masasarapan ka at baka hanap-hanapin mo at hindi titigilan," saad nito na napapakagat ng labi ako nama’y parang nasasamid.
Matagal na rin naman ang huling experience ko sa s*x. Hindi ko sinasabi sa kanila at akala lang nila na inosente ako sa ganito pero hindi. Ang last experience ko’y sa ‘king huling nobyo at hindi ko na inulit.
"Text mo na lang sa ‘kin ang detalye, Tale. Late na pati ako sa usapan namin nina Lando," sabi ko habang inaayos ang suot kong gray na blouse at ripped jeans. May cellphone naman ako kaso hindi naman iPhone o anumang mamahaling gadget. Isang mumurahing China Phone lang. Kailangan ko rin kasing maging praktikal lalo na't may binubuhay ako. Hindi katulad no’n na nakakabili at nakakahawak ako ng mga mamahaling gamit.
"Okay. Ingat ka, Bebeng. Balita ko’y Top 1 na naman ang pogi mong kapatid. Naku! Kung medyo malaki na ‘yon baka naging boylet ko na. Type ko pa naman siyang maging forever bukod sa gwapo na’y ubod pa ng talino, gentleman at mabait also don't forget ang pagiging sweet," palatak nito at halatang na makikitaan ang paghanga sa mukha.
"Sorry to burst your bubble, Tale. Junior Highschool Student pa lang ang aking kapatid samantalang ikaw nama'y nasa 25 years old na," saad ko na may halong asar.
"Hayystt! Age doesn't matter at saka you’re so mean to me." Nakanguso naman ito sa ‘kin na ikinatawa ko.
"Sige. Aalis na ‘ko, Tale." paalam ko sabay alis mula sa bar para makarating na sa mall.