Chapter 3 ✓

784 Words
Reminiscing Lisha's POV KASABAY ng gabing madilim ay ang aking pag-iisip na tumigil sa trabaho ko bilang isang dancer. Kahit ayos lang naman ang kita sa entablado ng Empress Bar ay hindi pa rin mawaglit sa isip ko na baka may makakilala sa 'kin do’n. Nag-di-disguised ako ng ibang anyo katulad nang pagsusuot ng wig na kulay pula na kahit papaano’y natatakpan ang itim kong buhok. Nagsusuot din ako ng contact lenses na green. Hindi ko rin mapigilan na kabahan kasi maraming customer ang gusto akong ikama at gawing parausan sa kanilang naghuhumindig na pantasya. Kahit gusto nilang magbayad ng milyones ay hindi ako isang puta na papayag basta-basta. Mas nanaig ang aking kagustuhan na ibigay ang aking sarili sa lalaking magmamahal muli sa 'kin ng lubusan at kayang tanggapin ang aking mga kasama sa buhay. Ayaw kong malayo kami sa isa't-isa. Umiikot na sa kanila ang buhay ko. Para kaming burger kami na 'Buy one, Take one.' Pero sa ‘min kapag nakapagpakasal ako ay isasama ko silang dalawa. Responsibilidad ko na sila hanggang sa huli. "Wow! Super sarap talaga ng chicken!" bulaslas ni Lando. Napabalik ako sa 'king ulirat at ngumiti na lang sa kapatid ko. Masaya na siya sa gan’yang mga bagay na ikinakapasalamat ko dahil hindi siya pihikan. Swerte ko na rin siguro na may mga pasensyosong tao ang nakapaligid sa 'kin tulad ng aking kapatid. "Sa susunod gravy na talaga ang sauce at may kasama pang drinks," sabi ko at ngumiti. Alam ko kasing malayong- malayo ito sa buhay namin dati ni Lando. Kaya naman pinipilit ko rin iparanas ang dati naming buhay. Pilit kong igagapang ang mga nais nilang makuhang materyal na bagay o masarap na pagkain. "Talaga, Ate? Yehey! Bunso narinig mo ba? Mag-a-upgrade na ang chicken at sauce!" Tuwang-tuwa at nagpapalakpak naman si Lizzy na akala mo’y naiinitindihan nito ang sinasabi ni Lando. "Oh, Si Bunso gusto!" natatawang turan ko habang kandong si Lizzy sa 'king hita. "Alam mo po, Ate. Kapag nakapagtapos ako’y ikaw naman po ang aalagaan ko. Magtatrabaho ako pagkatapos kayo naman rito sa bahay. Para hindi na po kayo mapagod at makapagpahinga ka na rin po.." Talagang natunaw ang puso ko kaya talaga ako nagsisipag sa trabaho ay para sa kanila. "Salamat, Lando.. Hayaan mo si Ate ang bahala sa ‘yo basta’t pagbutihan mo ang pag-aaral," sabi ko at ngumiti naman siya. Pinipigilan ko ring mapaluha. "Basta Ate, 'yan po ang promise ko po sa inyo. Hayaan mo po at mas lalong gagalingan ko po sa pag-aaral para masuklian ko po ang paghihirap mo sa pagtatrabaho." Napangiti ako. Hindi naman alam ni Lando ang tunay kong trabaho dahil ayaw kong ma-bully siya sa school. Sinasabi ko lang sa kaniya na sa Coffee Shop ako nagtatrabaho kahit hindi naman. Nakakahiya man na sabihin at ipagmalaki ka ng kapatid mo na isang dancer sa bar na halos hubu't-hubad. Kapuri-puri ba ang gano’n? Sobrang na-touched ang puso ko sa sinabi ni Lando. Mahal na mahal ko sila at hindi ko kakayanin kapag may mangyari na masama sa kanilang dalawa. Halos apat na taon, simula no’ng nawala ang mga bagay at tao na parte ng aming pagkatao. Naranasan naming mamuhay simula sa umpisa na wala ni-isang pagmamay-ari. Ayaw ko nang magtiwala sa mga manloloko. Masakit kasi pagkatapos ay iiwan ka lang kasama ang lahat-lahat. Kaya talagang pinapahalagahan ko sila ng sobra. Sila ang inspirasyon ko at ang kwintas na susi ang tanging hawak ko. Napahawak ako sa pendant at pinadaan ko ito ng aking mga daliri. Saglit akong napapikit dahil kahit gusto kong makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo ay hindi ko magawa dahil kakailanganin ko ng malaking pera para sa mga gastusin. Hindi rin kakayanin ng oras ko bilang nagtatrabaho bilang isang dancer sa gabi at mag-aalaga sa kapatid ko naman sa umaga. Kailangan ko talaga nang matinong trabaho at medyo malaking sweldo. Sa umaga si Lando ay pumapasok sa eskwela. Ayaw kong maging mangmang siya at gusto kong makapagtapos siya ng pag-aaral. Para kahit sa gano’n ay matutugunan ko pangarap nina Mommy at Daddy. Kahit mahirap ay titiisin ko para sa kanila. Ayaw kong wala silang mararating. Habang nabubuhay ako’y hindi nila mararanasan na maghirap. Ako na lang ang maghirap huwag lang sila. Mabuti na ‘ko na lang ang mapagod at kumayod basta’t natutugunan ko ang mga pangangailangan nila. Ayaw ko naman kasing magmukhang kaawa-awa sila. Tatanggapin ko na lang lahat ang sakripisyo at pagod basta’t makita ko lamang ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Sapat na sa 'kin 'yon at mabububutan na ako ng tinik sa 'king dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD