Chapter 1 ✓

840 Words
My Life Lisha's POV *Playing: Bikini Body* BAWAT KEMBOT at hagod ng aking mga kamay na nakakapagpaningas ng init sa mga kalalakihan. Kada indayog ng aking baywang at katawan na porselana na kahit sinong mga lalaki’y mababaliw talaga nang lubusan. Talagang iginiling ko pa’ng aking balakang sa saliw ng musika. Gusto ko’y mahipnotismo sila sa alindog ko, ‘yong tipong hahanap- hanapin nila ako kahit anumang oras. "Puta! Ihataw mo pa! Sige pa!" hiyaw ng isang matandang lalaki na may kakaibang awra na tila isang leon na takam na takam sa puntirya. Kahit ‘di bukal sa 'king kalooban ay mas ginalingan ko ang aking pag-indayog upang makalikom ng maraming pera. Ngunit isa lang ang masasabi ko ‘di ako isang puta na nagpapalaspag sa kahit sino. Kahit papaano’y may natitira pa ‘kong kalinisan sa 'king sarili. Dancer man ang aking trabaho ngunit ‘di ako nagpapagalaw sa kahit sinong mayaman. Maraming nag-aalok pero mas gusto kong magpagamit sa aking asawa lamang. 'Di ko kayang pagpasa-pasahan ng iba't-ibang lalaki at ilabas lamang ang init pagkatapos ay aalis na lang. Tinatanggihan ko ‘yon dahil ayaw kong sumubok na matali sa isang lalaking hanap lamang ang tawag ng laman, lipasan ng libog at kati sa ari. "The next segment ay talagang magpapalaway sa inyong mga bagang at makakapagtayo ng inyong mga manoy. Ihanda ninyo ang sarili para sa putaheng inyong inaabangan. Heto na siya ang nag-iisang Deserie,” anunsyo ng MC na talagang nagririgidon sa bawat sulok. Oras na para ako’y pumasok sa backstage dahil ‘di ako nagtatanghal ng 'all out,’ na walang damit at puwede pang sumama at magpakasasa hanggang sa kama kasama ang parokyanong mataba ang wallet. Masaya na ‘kong nakakalikom ng pera mula sa pagsasayaw kahit sexy dance lang. Habang ako'y naglalakad ay may mga nadaraanan akong mga bagong recruit pati na rin mga beterano. "Hayyy! Ikaw talaga Lisha sobrang napakailap mo sa pag-aaliw ng all out. Mas makakalikom ka ng pera kaya dapat sunggab agad,” sabi sa ‘kin ng Ate namin dito na si Vivian. "Ate Vivs, okay na ‘ko atleast medyo pasok pa sa budget ang kita ko sa 'min nina Lando at Lizzy," saad ko. Habang nagpapalit ng damit mula sa suot kong black strappy top na halos kita na ang aking cleavage pati revealing ang disenyo sa likod na pinalamutian ng mga glitters na nakakonekta sa ‘king super sexy shorts na black na pinaresan ko ng kulay itim din na killer heels. "Naku! Kumusta na pala ang dalawa mong bagets? Miss ko na sila. Kapag nagkaroon ako ng bakanteng oras ay bibisitahin ko sila at ipapagluto ng paborito nilang beef caldereta,” aniya habang nag-re-retouch ng red lipstick sa labi. "Salamat, Ate! Okay lang sila. Medyo nagsasalita na ng mga nakakatuwang lenggwahe si Lizzy at gumagapang na," natutuwang turan ko habang nagpapalit ng T-shirt at jeans sa isang tabi. "Good to know. Sige na, mauuna na ‘ko, Bebe. Lalarga pa ‘ko lalo na’t mukhang nand’yan na si Totoy Bato. Ayaw akong mahuli sa usapan kundi mayayari ang kem-kem ko.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay lumabas na rin dala-dala ang pouch na tadtad ng mga diyamante. Napailing na lang ako sa tabas ng kaniyang dila. Sanayan na talaga sa ganito ang mga kadalasan maririnig sa lugar na ito na puro aktibidad pang-sekswal. Napatingin ako sa ‘king relo na kalalagay ko lang sa pulsuhan ko. 9:30 pm, oras na para umuwi. Hinihintay na ‘ko ng dalawang anghel ng aking buhay. ----- HABANG AKO'Y NAGLALAKAD sa kahabaan ng Celeste Road ay naalala ko ang buhay namin dati. Marangya, kumpleto at walang hirap pero nagbago 'yon nang naaksidente sina Mommy at Daddy. Disi-syete pa lang ako at si Lando nama’y sampung taong gulang habang sanggol pa ang aming bunso no’ng iniwan kaming magkakapatid ng aming magulang. 'Di ko malaman kung ano’ng gagawin ko no’ng panahong ‘yon. Ako ang nagsisilbing Nanay at Tatay sa kanilang dalawa. Kinamkam rin ng mga kamag-anak namin ang aming mga properties at tanging naiwan lang sa ‘min ay ang kwintas na susi at sampung libong piso galing sa naipon k. Walang-wala kami at wala ring tumulong sa 'min. Kaya ako na lang ang naglakas loob na ikapit ang sarili sa patalim. Natigil ako sa pag-aaral at nagtarabaho bilang dancer sa club. Habang nakikita kong nagsisipagtapos ang aking mga kasabayan. Medyo malungkot dahil dapat ay aakyat din ako at sasabitan ng medalya. Kaso nga nagkadamalas- malas ang aming buhay. Tila suntok sa buwan nalang 'yon. Ngunit gusto ko pa ring makapagtapos ng pag-aaral at lalong ihaon sila mula sa hirap. Kahit dumaan pa ‘ko sa hirap basta’t makita ko lang na nasa maayos sila’y panatag na ‘ko. Ako na lang ang dadanas ng hirap kapalit ‘non ay may pangtustos ako sa kanilang dalawa. Napapaisip ako na sadyang mapait ang kapalaran namin pero kahit gano’n ayaw kong danasin din nila ang paghihirap ko. Mas mabuting akuin ko na’ng lahat. Kaya kong tiisin ang lahat ng sakit at sakripisyo para makita silang masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD