Hindi inaasahan ni Julian Hidalgo ang babaeng panauhin. Matagal niya nang alam na nakabalik na ito sa Pilipinas ngunit hindi pa sila nagpapangita mula noon. "What a pleasant surprise Anita."sinalubong niya ng halik sa pisngi ang dating kasintahan. Umiwas ito kaya hindi lumapat ang labi niya sa makinis nitong pisngi. Kahit may edad na si Anita ay nanatili pa din ang kagandahan nito na lagi niyang pinagmamasdan noong mga kabataan pa nila. Si Anita ang una niyang nobya. Magkaklase sila sa hayskul. Tipikal na tahimik siyang tao habang palaban ang character ni Anita. Bagaman outspoken si Anita ay masarap itong kausap. Matiyaga ito at mapagpasensya sa tulad niyang kakaunti lamang ang kayang ilabas na mga salita sa bibig dahil tahimik siyang tao. Madalas silang magkarera ng kanilang mg

