bc

My Substitute Bride and Wife (Completed)

book_age16+
1.1K
FOLLOW
4.0K
READ
possessive
contract marriage
drama
comedy
sweet
bxg
city
office/work place
sassy
wife
like
intro-logo
Blurb

Blackmail and Lies-iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo at Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". Weh, di nga?

chap-preview
Free preview
The Blackmail
Kunut ang noong nakatitig si Maxx sa hawak na kulay puting papel na makailang beses niyang binasa upang magsink in sa kanya ang nilalaman noon bago nagpasyang lamukusin iyon. Labis ang hindi niya pagkapaniwala sa nilalaman ng liham bagaman nakikilala niyang sulat kamay iyon ng nag-iisa niyang kapatid na si Julienne. "This is a big joke."marahan ngunit mapanganib niyang sabi na mas lamang na ang sarili ang kinakausap. Aburidong ibinato niya sa trash bin na nasa gilid ng kanyang office table ang gasumot na papel. Anumang oras ay pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa tindi ng galit. Kailangan niyang kalmahin ang sarili bago pa siya magwala at ibunton ang galit sa lalaking prenteng nakaupo sa receiving chair na nasa harapan niya at nakamata sa bawat reaksyon at kilos niya. Mapapansing hindi ito apektado ng galit niya at nakapaskil ang nang-uuyam na ngiti sa maninipis at mamula-mula nitong mga labi.     "I really hope so Maxx."dismayadong sabi ni Enzo kaya napabaling siya ng tingin sa binatang itinuturing na matalik na kaibigan. Nakalock ang mga abuhin nitong mga mata sa kanya at kagaya kanina ay malamig ang emosyong nababanaag niya doon.     “You can tell me that I am only dreaming Enzo!” puno ng sarkasmong sagot niya bagaman hindi niya direktang sabihin ay may paninisisi ang tinig niya. Alam niyang napaka-immature ng ginawang pag-alis ni Julienne ng walang paalam ngunit batid niyang malaki ang ambag ni Enzo kung bakit iyon naisipan at nagawa ng kanyang kapatid.      "Umalis siya at napatunayan mo naman iyon ng mabasa ang iniwan niyang sulat sa papa mo."paangil na sagot ni Enzo na waring napapatid na din ang pasensya. Ipinaliwanag na nito kanina pagkadating sa opisina niya na ang papa niya ang nakadiskubre sa sulat ni Julienne ng tawagin mag-almusal ang kanyang kapatid. Maaga siyang umaalis sa bahay upang pumasok sa opisina kaya hindi na siya nakakasabay sa almusal ng kanilang pamilya. Nakailang tawag ang kasambahay nila kay Julienne sa silid nito at ng iparating sa kanilang papa na hindi sumasagot si Julienne ay nabahala na ang kanilang ama kaya ipinakuha nito ang master key ng silid ni Julienne at doon na nga bumungad sa mga ito na nawawala ang kapatid niya at mayroon lamang na liham na iniwan sa ibabaw ng kama nito. Para sa papa nila ang sulat at nagsasaad iyon na aalis si Julienne upang hanapin muna ang sarili at kung kailan ito babalik ay walang katiyakan. Wala na rin itong planong ituloy ang pagpapakasal kay Enzo.     "Kahit alam niyang ikakasal na kayo bukas?"pagalit niyang singhal sa binata na umani lamang ng matalim na titig mula dito. Kung wala silang pinagsamahan ni Enzo malamang ay matakot na siya sa klase ng talim ng titig nito sa kanya pero kailangan niya pa bang intindihin ang paninitig nito ngayong siya ay gulung-gulo sa naging pasyang pag-alis ng nakakabatang kapatid? "Imposibleng basta na lamang siyang umalis. Mahal ka niya Enzo. Mula ng mga bata pa tayo ay ikaw na ang pangarap niyang makaisang dibdib."sabi niya. Hindi siya naniniwala na basta na lamang tatakas at aatras ang kapatid niya sa bisperas mismo ng kasal nito. Batid niya kung gaano nito kamahal si Enzo. Si Enzo ang buhay nito.     Hindi nga ba't walang pagsidlan ang tuwa nito ng malamang ipinagkasundo ito at ang binata, two years ago ng kanilang mga magulang? At bukas ay matutupad na ang matagal na nitong pangarap kaya bakit ito aalis ng walang paalam at hindi nagpapaliwanag?     Kaibigan ng pamilya nila ang pamilya nila Enzo. Lumaki din silang magkapatid na halos kasama si Enzo. Matanda si Enzo sa kanya ng dalawang taon. Habang siya naman ay mas matanda kay Julienne ng tatlong taon. Hindi nakahadlang ang limang taong agwat ng mga edad ng dalawa para hangaan at pahalagahan ni Julienne si Enzo. At alam iyon ng kanilang mga magulang kaya nagdesisyon ang mga ito na ipagkasundo ang dalawa. At wala namang tutol sina Enzo at Julienne patungkol sa kasalang iyon.     "Baka nagising siya sa pantasya niya Maxx."walang gatol na sabi ni Enzo.     "Hindi ko mapaniwalaan na napaka-insensitive mo."asik niya sa matalik na kaibigan.     Nawawala ang fiancée nito ngunit wala man lamang siyang nababakas na pag-aalala sa mukha nito kaya masama ang tinging ipinukol niya sa kalmanteng binata. Sinalubong nito ang tingin niya. Walang emosyon siyang nababasa doon maliban sa inis para sa kanya. Tama nga talaga ang mga nasa paligid nila lalo na ang mga empleyado ng pinamamahalaang mango orchard nito na napakabato ng puso nito.     "Mahal ka ni Julienne."giit niya. Sa mga salitang iyon ay ipinahihiwatig niya na maghintay ito at huwag gumawa ng hakbang na maaari nitong pagsisisihan sa bandang huli dahil siya na ang inaalok ni Enzo ng kasal. Naisip niyang baka kaya nakipagkita sa kanya si Enzo bukod sa ibalitang nawawala ang kapatid niya ay kakanselahin nito ang kasal bukas pero iba pala ang pakay nito. At ang pusong batong lalaki ay binablackmail pa siya para lang makaladkad sa altar bukas. Hindi siya makakapayag na basta na lamang iyon maganap. Bilang nakakatandang kapatid ni Julienne ay obligasyon niyang tulungan itong maabot ang pangarap.     "So be it."sabi nito na walang indikasyon na mahalaga ang sinabi niya. Parang itinapon nito sa basurahan ang pagmamahal ni Julienne na inilagaan ng kapatid niya sa napakatagal na panahon kaya siya ang nasasaktan para sa kapatid. Sinimangutan niya si Enzo para iparating dito na hindi siya natutuwa sa sinabi nito. Balak niya sana itong singhalan ngunit naunahan siya ni Enzo. "You know me, I don't believe in love Maxx."     Napasinghap siya sa tinuran nito. Alam niyang sensible at praktikal si Enzo. Madami din itong nagawa para umunlad ng husto ang mango orchard at ang mga kumpanya ng pamilya nito na ito na ang namamahala sa kasalukuyan. Chain of hotel iyon sa iba't-ibang panig ng bansa. Pero ang maging bato ito ay hindi niya mapaniwalaan. "Hindi ako makapaniwala na naging magkaibigan tayo sa loob ng mahabang panahon. You're cruel and a ruthless bastard."sumbat niya dito. Humihingal pa siya sa galit na napatayo sa swivel chair para duruin ito.     "Sabi mo nga magkaibigan tayo Maxx. Kilala na natin ang isa't-isa. Sa kasalang ito, parehong makikinabang ang mga pamilya natin lalo na ang pamilya ninyo na nasa bingit ng alanganin."malamig na turan ni Enzo na may himig pagbabanta - na siya at ang pamilya niya ang dehado sa ginawa ni Julienne na hindi pagsipot sa kasal. Napabuga siya ng hangin ng maalalang malaki ang problemang kinahaharap ng kumpanya ng pamilya nila. Supplier sila at exporter ng mga rattan sa ibang bansa pero dahil sa pagkagumon ng mama niya sa sugal ay unti-unting nabaon sila ng utang sa mga banko. At ang pamilya ni Enzo ang nagbayad noon.     "Can you please wait?"aniya na parang tinakasan ng lakas dahil sa implikasyon ng sinabi nito. Umupo siya pabalik sa executive chair para hindi tuluyang matumba sa sahig. Hindi niya kakayaning matumba sa harapan ni Enzo. The proud Maxene Hidalgo would never let that happen! Tiyak na pagtatawanan siya ni Enzo habambuhay. At hindi pwedeng mangyari iyon! Never!     "Kagaya nga ng sabi mo kanina bukas na ang kasal. At alam mong wala akong tiyaga sa paghihintay." She glared at him. Bakit ba parati nitong ginagamit ang mga sinabi niya laban sa kanya? "Give me one week, no make it three days. Hahanapin ko si Julienne at ihahatid sa harap ng altar."determinadong sabi niya. Kailangan niyang kumilos para mahanap ang kapatid. Kung sana ay sa kanya ipinaalam muna ng papa niya na nawawala si Julienne ay nagawan niya ng paraan sa halip na ipinaalam kaagad kay Enzo na mukhang gigipitin pa sila.     "Maxene naka-set na ang lahat bukas  mula sa simbahan, damit pangkasal, mga bulaklak at mga pagkain. Naipamigay na din ang invitations tatlong buwan na ang nakakaraan. Eskandalo ang mangyayari kung i-aatras ang petsa ng kasal. Bukod sa malaking halaga na ang nagagastos ng pamilya ko ay dumukot din ako sa sarili kong bulsa Maxx."litanya ni Enzo. Hindi lang naman ito ang nakukunsumisyon sa sitwasyon nila.     "I know that dammit!"inis na inis niyang sabi. Mas mahalaga pa bang ipagyabang ni Enzo ang mga nagastos nito kasya ang mahanap ang bride-to-be nito? Dapat isipin ni Enzo na hindi na ang pera ang pinag-uusapan sa mga sandalling ito.     "Alam mo naman pala kaya bakit hindi na lang ikaw ang pumalit sa kapatid mo gaya ng suhestyon ng papa ninyo.”     Mariin siyang napapikit. Pigil niya din ang sarili na tapikin ang sariling noo. Bukod sa pinoproblema na niya ang pagkawala ni Julienne ay dumagdag pa ang papa nila sa problema. Kung bakit ba naman kasi naisipan nitong isuhestyon kay Enzo na siya na lang ang pumalit kay Julienne sa pagpapakasal. At ang baliw na binata ay parang iyon na ang naisip na pinakamagandang solusyon. "Hindi ko kaya na magpanggap na si Julienne."iiling-iling na sabi niya. Magkaiba sila ng built ng katawan ng kapatid. Magkaiba din sila ng itsura. Kahit pa may belo ay malalaman ng mga tao na magkaiba silang mga tao. Bukod pa roon ay ayaw niyang agawan ng once in a lifetime experience si Julienne na magmartsa patungo sa lalaking iniibig nito.  Kahit pigilan niya ang sarili ay naiinis siya sa kapatid dahil bakit ba ngayon pa nito naisip na hanapin ang sarili?     "Maxx anong mahirap sa pagmamartsa mo sa altar bukas?"malambot na ang tinig ni Enzo. Maging ang mukha nito ay napalitan ng malambot na ekspresyon na parang nang-uuto ng bata.     "Iyon na nga Enzo, hindi ako si Julienne at malalaman ng mga tao na iba ang mapapakasalan mo. Hindi ko kayang magpanggap bilang kapatid ko."giit niya. Tutol siya na sa halip na si Julienne ang pakakasalan nito bukas ay siya ang papalit sa naglayas niyang kapatid.     Tumayo si Enzo at pumunta sa gilid ng kinauupuan niya. Inikot din nito ang upuan niya upang magkaharap sila. Halos hindi siya makahinga ng pagsalikupin nito ang nanlalamig niyang palad at mainit nitong kamay. Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng maramdaman ang panunulay ng pamilyar na elektrisidad sa pagkakadaop ng mga kamay nila ni Enzo.      “Hindi na si Julienne ang pakakasalan ko bukas, kundi ikaw Maxx, alam kong nakukuha mo ang ibig kong sabihin kanina na tayo nang dalawa ang magpapakasal. Marry me.” Iniangat ng malaya nitong kamay ang baba niya para magkasalubong sila ng mga mata. Lumuhod ito sa harapan niya bago may dinukot na kahon sa bulsa. Tumambad sa kanya ang makinang na singsing ng buksan nito ang kahon. "Kaibigan mo ako Maxx kaya isipin mong napakahalaga ng merger ng mga kumpanya natin at ginagawa natin ito para sa ating mga pamilya."     "Wala na bang ibang paraan?"sabi niya na humihingi ng ibang pagpipilian. Maybe she can run away too? Pwede naman siyang maging selfish kahit ngayon lang. Kung nagawa ni Julienne umalis ay bakit hindi niya din gawin?     "Hindi ka tatakas Maxx."ani Enzo sa napatigas na tinig na waring nabasa ang itinatakbo ng isip niya.     "Pero ang hinihingi mo sa akin Enzo ay lifetime commitment. Hindi ko nakikita ang sarili ko na nakatali sa taong hindi ko mahal lalo na sa iyo.” Walang diborsyo sa Pilipinas kaya kung kaya naman na hindi ikasal ay bakit sila magpapakasal na dalawa? At isa pa, pang-substitute ang PEG niya, kagaya sa baking na kung walang butter ay pwede ipampalit ang mantikilya pero kahit napalitan ang nawawalang ingredient ay iba pa din ang lasa. Ayaw niya ng ganoon. Ayaw niyang maging pamalit lamang. May dignidad din naman siya kahit hindi pa siya nagkakanobyo ay hindi niya naisip na mag-aasawa siya dahil option lamang siya.     Napansin niya ang pagtatangis ng bagang ni Enzo at ng magsalita ito ay painsulto na. "You are a responsible and an intelligent woman."saad nito. "At sinisiguro ko sa iyo Maxx, I will hunt you down and drag you in the altar."pagbabanta nito. His eyes were consumed of anger!     Nahihintakutang inalis niya ang tingin dito pero kailangan niyang lumaban dahil kaligayahan niya ang nakataya dito. “Why don’t you hunt Julienne instead and drag her to the altar?”paghahamon niya kasi naman bakit siya ang pinipilit nito na pag-aksayahan ng oras sa halip na  hanapin ang nawawala niyang kapatid. Tanghalian pa lamang, may maghapon pa at magdamag sila na oras na pwedeng gamitin upang mahanap si Julienne sa halip na pinupwersa siya ni Enzo.     Nangunot ang noo ni Enzo. May kislap ng kakaibang galit ang abuhin nitong mga mata pero hindi siya natinag.  A substitute bride and a substitute wife-iyon ang magiging papel niya sa buhay nito at ang mga bagay na iyon ay kailanman ay hindi niya pinangarap!                                                                                  ***     “Smile.” bulong ni Enzo sa punungtenga ni Maxx, nasa reception na sila ng hotel. Bigla siyang nanigas sa pagkakatayo dahil sa kakaibang epekto ng mainit na hininga nito sa taenga niya. Hindi niya maipaliwanag kung kailan nagkaroon ng ganitong epekto sa kanya ang kaibigang matalik. Sanay na siyang madalas itong kasama simula noong mga bata pa lamang pero ngayon siya tinubuan ng kakaibang emosyon sa pagkakalapit nila. Naramdaman niyang niyakap ni Enzo ang baywang niya bago mag-flash ang camera. Awtomatiko din siyang ngumiti kahit pa naghihimutok ang kalooban niya, pakiramdam niya kasi ay nakakadami ng tsansing sa kanya ang “asawa”. Nakaharap sila sa maraming tao at nanonood ang mga magulang niya at ama ng binata kaya hindi siya pwedeng sumimagot. Pagod na siyang ngumiti sa harap ng camera at mga tao, gusto na niyang magwalk-out ngunit dala ng kagandahang asal ay pinigilan niya ang sarili. Madaming kaibigan at kapamilya nila ang nagpapakuha ng picture sa kanila ni Enzo. Nakaupo sila sa magkatabing silya habang nasa likuran nila ang mga nagpapakuha ng larawan.     Natuloy ang kasal nila sa simbahan kanina lamang.  Hindi man lamang nakitaan ng pagkagulat ang mga bisita kung bakit siya ang bride nito sa halip na ang kapatid niya. O kung may usap-usapan man ay hindi niya na narinig dahil abala siya sa pag-iisip ng malalim? Abala siya sa pag-asam na biglang susulpot si Julienne at kukunin nito ang spot nito bilang bride. Sa panlalambot niya ay natapos na lamang at lahat ang seremonya ng kasal ay walang Julienne na lumitaw.     Ngayong nakatali na siya kay Enzo ay papaano na siya? Paano ang lahat ng mga plano niya sa kanyang buhay na sa isang iglap lamang ay nawala dahil sa pagpapakasal niya sa lalaking hindi niya iniibig at hindi naniniwala sa pag-ibig?     Muli siyang ngumiti ng may lumapit sa kanila ni Enzo at kumuha ng picture. Sa totoo lang ay ngawit na ngawit na ang kanyang bibig sa pagpapaskil ng ngiti simula pa ng nasa simbahan sila at ngayong nasa reception na sila.     A wedding of the year, iyon ang dub sa kasal nila ni Enzo. Pero para sa kanya ito ang kasalang sumentensya sa kalayaan niya. Ngunit kung si Julienne siguro ang nagpakasal kay Enzo, kahit alam nitong wala itong aasahan na pag-ibig mula sa lalaki ay malamang na iba ang mararamdaman nitong ligaya sa mga sandaling ito. Sa dami ng bulaklak, pagkain at ganda ng reception ay napakalaking halaga talaga ang pinakawalan ng mga Mondragon. Tiyak na ikatutuwa ni Julienne ang ayos ng reception area kung naririto lamang ito. Maeenjoy nito ang pinaghandaang kasal.     A dream wedding- iyon ang itatawag ng kapatid sa kasalang ito. Bukod sa magarbong handa ay napakakisig ni Enzo sa suot nitong black suit. Litaw ang kisig nito sa suot na damit pangkasal. Mukha itong modelo sa mga tanyag na magazine. Umaapaw din ang kagwapuhan nitong taglay, at kahit hindi niya aminin sa sarili ay talagang bet niya ang itsura ni Enzo ngayon. Sobrang gwapo nito na animo’y perpektong nililok ang mga panga, nangungusap ang mga abuhing mga mata na binagayan ng makakapal na pilikmata, malakas makadagdag sa kagwapuhan nito ang makakapal na kilay, tamang-tama din ang hulma ng matangos na ilong nito at ang mga labing namumula-mula.     Napasinghap siya ng hapitin ni Enzo ang baywang niya palapit sa katawan nito. "Act that you are happy or else I’ll punish you."mahina ngunit nagtatangis ang bagang na sabi nito. May pagbabanta sa tinig nito.     "Enzo,"pagsisimula niya ng pagkontra ngunit nakulong iyon sa kanyang lalamunan ng makita ang galit na nakalarawan sa mukha nito. Naitirik niya na lamang ang mga mata dala ng matinding frustrations. Hindi naman naididikta ang pagiging masaya.     Natapos ang reception ng kanilang kasal na panay ngiti ang ginawa niya kahit pa gustong-gusto niya nang batukan si Enzo dahil sa pagdidikta nito na umakto siyang nasisiyahan sa harap ng madaming tao. Sa paborito niyang suite sa hotel nila Enzo siya tumuloy.     Wala namang nagbago sa loob ng suite na kinaroroonan niya. Carpeted from ceiling to wall ang kabuuan ng silid. Beige ang kulay. Malamig sa mata. Komportableng mamalagi. Paborito niya ang silid na ito dahil ito ang madalas niyang okupahin kapag kailangan niyang mag-isip-isip o kaya’y kailangan niyang mag-unload ng sangkaterbang stress sa katawan dala ng trabaho kaya ito din marahil ang pinili ni Enzo na tulugan nila ngayong gabi.     Mas pagod siya ngayon kasya sa nakaraang mga araw  physically, mentally and emotionally dahil sa katatapos lang na kasal. Parang nasa roller coaster pa rin ang pakiramdam niya.     Nang masigurado ng roomboy na naghatid sa kanya sa suite na maayos na siya sa loob ng silid ay magalang na itong nagpaalam upang iwan siyang mag-isa. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya nang pumunta siya sa harap ng nakabukas na bintana at haplusin ng malamig na hangin ang kanyang mukha.     Napako ang paningin niya sa ibabang bahagi ng hotel na nakaharap sa mga gusali na naiilawan ng mga mumunting kulay na puti at dilaw. Napakagandang pagmasdan ng mga iyon. Kung dati’y relaxing ang dulot ng tanawin na iyon sa kanya ngayon ay nagbibigay iyon ng kahugkagan dahil sa sitwasyon nila ni Enzo ngayon.  Kilala niya noon pa si Enzo. Magkababata sila at magkaibigang matalik.  Ito din ang lalaking mahal na mahal nang nakakabata niyang kapatid. Dapat ay brother-in-law niya ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagging groom at ngayon ay asawa na niya.     Ilang beses siyang napalunok. Hindi niya kayang sikmurain ang katagang huling pumasok sa kanyang isipan. Asawa. How can that be? No! Hindi pa siya handing lumagay sa tahimik lalo pa’t hindi si Enzo ang ideal man niya. Enzo is a scheming brute. Selfish. Negosyo ang nakatatak sa isip. Cold and ruthless. Ilan lamang iyon sa mga deskripsyon nito na pinilit niyang ipakita kay Julliene para huwag na nitong asamin na makatuluyan ang lalaki. Ngunit tinawanan lamang ni Julienne ang mga sinabi niya noon at itinuloy pa din ang balak na usaping pakasal dito at sa kasamaang palad ay siya ang magtitiyagang makisama kay Enzo. Kapag nakita niya talaga si Julienne ay makukurot niya ito sa singit!     Kung kaibigan lang sana ang relasyon nila ni Enzo ay buong puso niyang tatanggapin pero bilang mag-asawa? Nah..hindi niya kaya.     Nakaramdaman siya ng tensyon ng marinig ang pagbukas ng pinto kasunod ang kilalang-kilala niyang yabag ni Enzo. Katulad niya ay nakasuot pa din ito ng damit pangkasal. Naiwan ito sa lobby ng hotel para ihatid ang pinakahuli nilang bisita, si Don Arnulfo de Torres. Ninong nila sa kasal ang mayamang don at nagpahatid ng salita na bukas ito sa pagfifinance sa negosyong nais pang pasukin ni Enzo.     Pag-aari ng pamilya ni Enzo ang kinaroroonan nilang five star hotel at ito mismo ang namamahala. Dito sila magpapalipas ng gabi bago tumulak papuntang Italy para sa kanilang two weeks honeymoon. Pero kung siya ang masusunod mas gusto niyang bumalik na lang kaagad bukas sa pagtatrabaho. Nais niyang isubsob ang sarili sa mga papeles o dokumento para mawaglit sa isipan na kasal na siya kay Enzo.     “You’re still awake?”puna sa kanya ni Enzo. Lumapit ito sa kinaroroonan niya at inabutan siya ng isang kopita na naglalaman ng champagne na hindi niya napansin na dala pala nito. Tinanggap niya ang kopita ngunit hindi uminom.     “Enzo-’’     “Maxx,”putol nito sa sasabihin niya. “Don’t treat this day na para bang ipinagluluksa mo ang naglahong mga dinosaurs sa balat ng mundong ibabaw.”mapanganib at pagalit na sita nito sa kanya.             “So how do I treat this situation?”napipikong gagad niya. Nang hindi sumagot si Enzo ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Dapat bang magpaparty ako? Magdiwang dahil hello si Enzo Mondragon, one of the most hottest bachelor in town ay asawa ko? Iyon ba dapat?”     “You’re just upset Maxx.”kalmanteng sabi nito kasya patulan ang outburst niya.     “Yes, I am upset dahil sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay sa iyo pa ako nakulong. This is a life sentence, my God!”     Halos mag-isang linya ang mga mata ni Enzo sa sinabi niya. Maging siya ay nagulat sa naibulalas niya. Masyadong tunog pang-iinsulto ang huling sinabi niya. “Magpahinga ka na lang muna Maxx.”ani Enzo. Mas kalmante ito kaya nag-aalala siya. Saulado na niya ang ugali nito. Mas kalmante ito, ibig sabihin ay mas galit na galit ito. Lumabas ito ng silid ng walang paalam. Halos ibalibag din nito ang pagsasara. Inis na tinitigan niya ang nakapinid na pinto. May gana pa talagang magwalked out si Enzo kaya sa tindi ng inis niya ay nilagok niya ang champagne na binigay nito.                

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook