First Night

3129 Words
Pabalibag na isinara ni Enzo ang pinto ng suite. Malapit sa puso ni Maxx ang nasabing kwarto sa hindi niya malamang dahilan. Iyon ang madalas nitong okupahin  kapag nasa hotel niya kaya sinadya niyang i-reserve iyon para lamang dito. Walang nang ibang guest ang nakagamit noon. Sa nabanggit din na rason kaya niya pinili na doon sila magpalipas ng gabi upang matutuwa ito sa kanya.     But what happen? Napikon siya dito. Sino bang hindi? Nag-effort siya na mapasaya ito ngunit parati nitong ipinamumukha sa kanya na malaking pasakit ang pagpapakasal nito sa kanya. A life sentence! What the heck!      Ganoon ba kasama na pakasalan siya nito gayong madaming magaganda at seksing mga babae ang nagnanais makuha ang interes niya ngunit hindi niya pinapansin dahil nakatutok lamang ang mga niya dito. Nakakadeflate ng ego ang paraan ng pagtrato nito sa kanya.     Sa lakas ng pagkakasara niya sa pinto ay wala siyang pakialam kung makabulahaw man siya sa katabing unit.  Ang alam niya lang ay galit na galit siya sa kanyang sarili. Batid niya kasing umakto siya ng di maayos sa buong durasyon ng pakikipag-usap niya kay Maxx simula pa kahapon pero iyon lang ang paraan niya para mabuo ang composure na maya't-maya ay natitibag ni Maxx sa tuwing mapang-usig ang mga mata nito na tumititig sa kanya.      Nagtungo siya sa bar counter ng kanyang private office para magpalipas ng sama ng loob. Hinubad niya ang suot na suit at basta na lamang isinampay sa sandalan ng upuang inukupa niya. Magsasalin pa lamang siya ng alak sa baso ng madatnan siya ni Will, ang assistant niya. Nagulat ito ng makita siya.     "Did she kicked you out?"natatawang usisa nito. Kumuha ito ng sariling baso at naupo sa tabi niya. Matagal na nitong kakilala si Maxx dahil malimit nilang guest ang kanyang "asawa".     "Not literally."wala sa mood na sagot niya.     "Then why are you here?"nakakalokong tanong nito.     "Iyon din ang gusto kong malaman."papilosopong sagot niya.     "Dapat mo na siyang balikan sa itaas."payo nito. Mukha itong seryoso habang nakamasid sa yelo ng inumin nito.     "I don't think so."nakataya ang pride niya. Kapag siya ang unang sumuko ay tiyak na-     "Alam mo tol, hindi maganda na mag-isa kang naglalasing dito habang naghihintay sa suite ninyo ang maganda mong asawa. Walang magandang dulot kong paiiralin mo ang pride mo. Take this piece of advice mula sa taong tatlong beses ng balak idivorce ng asawa dahil sa sobrang pride."tinapik ni Will ang balikat niya. Kasal sa States si Will at ang asawa nitong si Deborah na Half American at Half Irish. Katulad niya ay mataas din ang pride ni Will at iyon ang madalas na pagmulan ng away ng mag-asawa.     Mataman naman siyang nag-isip para i-absorb ang sinabi nito. Wala naman patutunguhan kung magmamataas siya kay Maxx. Nakuha na niya ang pangarap niya kaya ang dapat niyang gawin ay paamuin ito.              "Handa mo ba siyang isuko, Enzo?"             Alam niya ang sagot sa tanong nito kaya nagmamadali siyang lumabas ng kanyang opisina upang balikan si Maxx sa suite nila. Nang buksan niya ang pinto ng kanilang suite ay naabutan niyang nakasara na ang bintana kung saan nakasungaw ito kani-kanina lang. Nagpanic siya ng maisip na baka umalis ito dahil sa inis  sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa buong silid. At nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakaupo ito sa silya at nakaharap sa malaking salamin ng tokador habang suot pa rin ang kulay puting wedding gown nito. Mataman niya itong pinagmasdan habang nakatalikod sa kaniya. Mukha itong Diyosa at bulag na lamang ang magsasabing hindi ito kaakit-akit. Mabilis niya itong nilapitan bago pa siya mabaliw katitingin dito. "Hey,"magaan niyang bati upang matantiya ang mood nito.          "Hey."ganting bati nito. Sa repleksyon nila sa salamin sila nagtitinginan. Nakita niyang wala na ang init ng ulo ni Maxx. Yumuko siya para pagpantayin ang mga ulo nila.   Napakaganda ni Maxx. Breathtaking! Ganoon niya nais ilarawan ang kagandahan nito. Hindi siya makapaniwalang asawa niya na ito.       Mine. Paulit-ulit iyong humuhugong sa kanyang pandinig. Kusang kumilos ang kamay niya upang kalasin ang hikaw nito sa kaliwang taenga, kasunod ang kapares sa kabilang taenga. Ipinatong niya sa ibabaw na lamesa ang mga hikaw na puno ng maliliit na diyamante.  Alam niyang nanginginig na ang kamay niya ng simulan niyang kalasin ang suot nitong kwintas. Napakaganda ng mahahaba nitong leeg at isa iyon sa kahinaan niya. Nais niyang pagalitan ang sarili dahil para siyang first-timer na teenager. Madami nang dumaang babae sa buhay niya pero pagdating kay Maxx ay nag-aalangan siya sa ikikilos.       Hindi niya na alam ang dapat gawin matapos itabi ang kwintas sa pares ng mga hikaw ni Maxx. Muli niyang sinulyapan sa salamin ang magandang mukha nito. Namumula ang magkabilang pisngi nito at tulad niya ay hindi din maitago ang kaba.         Damn! Hindi siya dapat magpakaduwag ngayon. Kinapa niya ang zipper ng gown ni Maxx. Dahan-dahan niyang ibinaba ang zipper na hanggang baywang ng suot nitong traje de boda. Last minute kagabi ng bilhin nila ang yaring gown sa isang boutique ng makumbinsi niya si Maxx na wala na itong takas sa kanya. Bawat inggit na nililikha ng zipper ay nagpapalakas sa hindi na normal na t***k ng puso niya kaya nang tumambad sa kanya ang malaporcela nitong likod ay hindi na talaga normal ang pag-iisip niya. Alam niyang makinis ito pero iba pa rin kapag inflesh kumbaga.         "I need you now Maxx."bulong niya dito. Nagkasalubong sila ng tingin sa salamin. Marahan itong tumango bilang pagpapaubaya. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi ito tumanggi. Mabilis ang naging pagkilos niya. Pinangko niya ito at inihiga sa malapad na kama.      Wait! Nagpapanic na protesta ng isipan ni Maxx nang bigla siyang umangat mula sa kinauupuang stool. Hindi pa man siya nakakabawi sa banyagang emosyon na nabuhay sa kanya dahil sa dramatikong pag-aalis ni Enzo sa mga suot niyang alahas at pagbababa ng zipper ng gown niya ay kaagad na siya nitong pinangko in bridal style. Tensed na tensed siya dahil iyon ang unang beses na may lalaking nagtanggal ng alahas sa kanyang katawan. Idagdag pang halos yakap na siya nito. Mas lalo pang nakadagdag sa tensyon niya ng marahan nitong ibaba ang zipper ng suot niyang gown. Bagaman aircon ang silid ay hindi lamig ang sumalubong sa na-exposed niyang likod kundi ang parang nilalagnat sa init na kamay ni Enzo. Ano bang balak nitong gawin nang sabihan siya nito ng I need you? Bagaman alam niya ang sagot ay nais niyang makatiyak. Normal naman siyang babae at alam niya ang ibig sabihin nito. Lumaki siya sa siyudad at bagaman liberated ay nanatili siyang hindi open sa s*x. At naniniwala siyang hindi magtatangka si Enzo na pangahasan siya. Pinanghahawakan niya ang pagiging magbest friend nila. Hindi sila tatagal na magkaibigan kung hindi platonic ang relasyon nila. Kung tinatakot siya nito o inaasar ay nagtagumpay ito. Malamang na ganti ito ng lalaki dahil sa pagkapikon nito sa mga sinabi niya kanina. Hindi naman siguro nito igigiit ang karapatan nito sa kanya dahil una sa lahat, pumayag siyang magpakasal dito ngunit wala sa usapan nila na handa siyang ipagkaloob dito ang kanyang sarili at pangalawa magkaibigan silang dalawa! Sana naman ay tingnan nito ang anggulong iyon bago magpadalus-dalos sa gagawin.           Mas lalong tinambol ang dibdib niya ng sumayad ang likod niya sa malambot at malawak na kama.           “I want you.”paanas nitong sabi. Namumungay ang mga mata nito nang paupong pumatong sa bandang puson niya. Nakalarawan sa gwapo nitong mukha ang matinding pagnanasa kaya lalo siyang kinilabutan. Mukhang balak nga talagang totohanin ng lintek ang pananakot sa kanya! “Maghunos dili ka Enzo.”pakiusap niya. Lasing lang siguro ito kaya nakakaramdam ng ganoon sa kanya.           Ang pagbaba ng mukha ni Enzo sa leeg niya ang naging pagtugon nito. Nanginig siya ng dumapo ang mainit nitong hininga sa leeg niya.           “Enzo, hindi na ito nakakatuwa!”pagalit niyang sabi. Hiling niya ay magising ito sa kahibangan na dala ng alak. Yes, maybe gawa ng alcohol kaya ito nagkakaganito. Pumasok kasi itong amoy alak. At saka kanina pa ito napapa-shot gawa ng mga bisita nila. Alam niyang mataas ang alcohol tolerance nito pero malamang ay tinablan na din ito dahil sa paunti-unti at iba’t-ibang klase ng alcohol na pumasok sa katawan nito kanina sa reception. Umaasa siya ngayon na sana ay makapag-isip ito ng tuwid kapag narinig ang tinig niyang pagalit.           Ngunit kabaligtaran ang ginawa nito kaysa sa gusto niya. Mariin siyang napapikit ng umpisahan siya nitong kintalan ng mumunting halik sa leeg. Nakikiliti siya na hindi niya mawari. Kinakapos din siya ng hininga sa bawat pagdampi ng mainit at malalambot nitong labi sa ngayon ay nadiskubre niyang sensitibong bahagi ng kanyang katawan.           “Enzo hindi na maganda ang biro mo!”angil niya ng biglang pumasok sa isip na hindi siya dapat basta na lang magpaubaya dito at magpadala sa panunukso nito. Inilagay niya ang malayang mga kamay sa tapat ng dibdib nito at itinulak ito palayo.           “Hindi ako nagbibiro Maxx.”mapang-akit na sabi ni Enzo. Bahagya niya na lang ito nailayo sa kanyang katawan. Mas lalo siyang nagulat ng umpisahan nitong hubarin ang kanyang suot na mga sapatos at basta na lamang inihagis sa kung saan.           Napasinghap din siya ng hawakan nito ang magkabila niyang kamay at itaas sa kanyang ulunan kaya nagmistula siya nitong bihag.           “Let’s do it, Maxx.”pilyong sabi nito na nagbigay ng kilabot sa buo niyang katawan. Hindi pwedeng mangyari ang ganito sa kanila. Kahit pa asawa niya na ito. Sa papel lamang ang pagiging mag-asawa nila at hindi niya hahayaang maging pisikal din.  Pinagdikit ni Enzo ang hawak nitong mga kamay niya para pagtabihin upang isang kamay na lamang nito ang kumapit sa kanya. Ang malaya nitong kamay ay humaplos sa kanyang jawline at nagsisimula ng mumunting apoy. Bumaba ang mapangahas nitong kamay sa kanyang leeg, naglakbay patungo sa kanyang nakalitaw na mga balikat dahil tube ang yari ng kanyang damit pangkasal. Nagtayuan lalo ang balahibo niya sa katawan ng lumapat sa ibabaw ng kanyang kaliwang dibdib ang mainit nitong palad at umpisahang pisilin iyon.           No! mariin niyang protesta. Ubod lakas niya itong itinulak. Tumalsik ito sa gilid niya. Waring nagulat si Enzo kaya hindi kaagad ito nakahuma. Sinamantala niya iyon. Sinakyan niya ang lalaki tulad ng ginagawa sa mga wrestling show, tulad ng mga ginagawa nila noong mga bata pa sila kapag naglalaro sila. At gaya ng mga panahong iyon, kailanman ay hindi siya natalo ni Enzo sa wrestling, siya ang laging nakadagan dito at tumatalon dito o kaya ay nagcho-choke slam. Sigurado ang magkabila niyang mga kamay na sumakal sa leeg nito.           Kalilimutan niyang magkaibigan sila ng p*****t na lalaking ito. Kalimutan na ding bago silang kasal dahil….. papatayin niya ito! Saka na lamang siya hihingi dito ng tawad kapag nagkita na sila sa kabilang buhay! Sinakmal si Maxx ng matinding takot ng matauhan at makitang halos nagkulay talong ang mukha ni Enzo dahil sa matindi niyang pagkakasakal. Dali-dali siyang umalis sa ibabaw ni Enzo. Kinalas niya din ang dalawang unang mga butones ng suot nitong polo upang magkahinga ng maayos.         "Don't die on me, please."paulit-ulit niyang tinapik ang mukha nito. Hindi naman siguro mamatay kaagad si Enzo? Hindi naman maganda na siya ang papatay sa p*****t na lalaking ito! Napilitan na nga siyang magpakasal dito tapos ngayon naman ay naging krimanal siya ng dahil  pa rin dito. Ang saklap naman ng kanyang tadhana kung nagkataon. Kung mawawala si Enzo tiyak na matutuwa ang mga pinagmalupitan nitong mga tauhan sa mango orchard pero siya naman ang magdudusa sa correctional kapag nahuli siya.         "Enzo, wake up. Hindi na nakakatuwa ang laro mo!"galit na sabi niya. Gusto niyang magpokus sa galit kahit kabado na talaga siya dahil hindi pa din nagalaw si Enzo. Nakagat niya ang dulo ng kulay silver na kuko sa hintuturo dahil sa tensyon at takot. Baka nga napatay niya si Enzo. Saan niya itatago ang katawan nito? Pero tama bang takasan niya na lang ang krimen?   "Please huwag mo nga akong tatakutin ng ganyan Enzo."kabadong tinampal-tampal niya ang pisngi ng lalaki. Bumaba siya sa kama at tumayo sa may paanan ng magmulat ng mga mata si Enzo.                                                                                        ***     Nagsimula ng dumilim ang paningin ni Enzo. Waring hindi nagbibiro si Maxx sa balak nitong pagkitil sa buhay niya sa pamamagitan ng sakal. Hindi niya alam na mas lalo itong gumaling dahil simula ng pumasok sa unang taon ng high school si Maxx ay itinigil na nila ang paglalaro ng wrestling at panggaya sa idolo nila na si The Undertaker. Utos ng mama niya na tigilan na nila ang pagrewrestling ni Maxx. Hindi daw tama na ang tulad niyang third year high school student ay nakikipaglaro pa ng ganoon kay Maxx, i-quote niya na lang ang mama niya na sa pananaw nito ay nagsisimula na daw magdalaga si Maxx kaya dapat maging aware na sila na hindi na magandang tingnan kung laging magkalapit ang mga katawan nila. Yeah right, ang mga adults talaga! Lahat na lang ng mga bagay ay ginagawang kumplikado. Wala naman siyang malisyang nararamdaman o kahit si Maxx habang nagrewrestling sila noon. Parte lang ng laro nila iyon noon.     Sa kabila ng kanyang sitwasyon ngayon ay hindi niya napigilang mapangiti. Mukhang nag-improve na talaga ang skill ni Maxx sa pananakal. At ano din kaya ang magiging reaksyon ng mama niya kapag nabalitaang sa halip na si Julienne ay si Maxx ang pinakasalan niya? Tiyak na masusopresa ito. Too bad, wala sa bansa ang kanyang ina dahil kinailangan nitong magpa-heart surgery last year sa America. Nais nga nitong umuwi sa Pilipinas para makadalo sa kasal niya ngunit hindi pinayagan  ng doktor. Matagumpay naman ang operasyon nito ngunit kailangan pa nitong magpalakas. At sa sitwasyon niya ngayon ay  mukhang mas mauuna pa siyang sumakabilang buhay dito. Oh, men. Hindi niya man lang nasabi na mahal na mahal niya ito kahit may mga bagay na hindi sila napagkakasunduan.     Pagkaraan ng ilang segundo ay naglakbay ang diwa niya sa batang babae na malungkot na nakamasid sa tinibag na tree house dahil kinain na ng anay ang puno. Nangingilid ang luha nito dahil napilitan itong i-give up ang paboritong tree house. Pilit niya itong inalo sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng isang kendi. Nahugot niya ang paghinga ng makitang pinilit nitong itinigil ang pag-iyak ng sabihin niyang ipapagiba niya rin ang pag-aari niyang tree house na nasa mango orchard nila kapag nagpatuloy ito sa pag-iyak.     Kasunod ng nasabing alaala ay ang tawanan nila ng batang babae sa gilid ng ilog habang nagsasabuyan sila ng malamig na tubig. Malulutong na tawanan na kay sarap sa taenga.     Sumingit din ang isang alaala na hindi niya matandaan kung saan nakaganap. May mumunting kulay puting bagay na nahuhulog sa langit. Nakatanaw lamang siya sa mga puting bagay na iyon habang katabi niya ang batang babae at tahimik sila na magkahawak-kamay.     Unti-unting naglaho ang alaalang iyon hanggang sa mapalitan ng dalagitang tumatakbo sa ulanan at humahabol sa likod ng sinasakyan niyang kotse habang isinisigaw nito ang pangalan niya. Nagpanggap siyang hindi naririnig ang pagtawag nito. Ramdam niyang iiwan niya ito. At kailangan niyang tiisin ang sakit ng paglalayo nila kahit unti-unting namamatay ang puso niya.     Maya-maya’y isang napakagandang babae na nakasuot ng puting-puti na traje de boda ang naglalakad papalapit sa kanya ang pumalit sa nakakalungkot na alaala. Pinatigil ng presensya nito ang lahat ng bagay sa kanyang paligid. Maging ang kanyang paghinga. Habang nakamasid sa napakaamo at maganda nitong mukha ay tumatanim sa puso’t isipan niya kung bakit mahal na mahal niya ito. Kung bakit kahit anong gawin niyang paglimot ay hindi niya kayang ibaon ang damdaming umusbong dito mula noon pa man.     Maxx…..usal niya sa pangalang pag-aari ng batang babae, ng dalagita at ng dalagang naglalakad sa altar. Tuluyan ng nagdilim ang lahat sa kanya. Natatakot siyang tanging karimlam na lamang ang makita kaya pinilit niyang labanan ang pwersang humihigop pailalim sa kanya. Maxene.. sa huling pagkakataon ay nais niyang ulit-uliting bigkasin ang pangalan ng babaeng nagbigay kahulugan sa buhay niya.     Naubo siya ng mawala ang kamay na nagsilbing gapos sa leeg niya upang makalanghap ng hangin. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang nag-aalalang mukha ng babaeng laman ng kanyang isipan at paulit-ulit na tinatawag sa kanyang pagdedeliryo.                                                                                       ***         "You almost kill me!"paratang ni Enzo sa kanya matapos umubo. Bumalikwas ito ng bangon habang hinahaplos ang nasaktang leeg.  Pinukol din siya nito ng nang-aakusang tingin.         Marahil kung hindi sinambit ni Enzo ang buo niyang pangalan ay hindi siya matatauhan.         "You try to-"hindi makuhang isantinig ni Maxx ang muntik nang gawin sa kanya ni Enzo upang ipaliwanag ang side niya kung bakit siya nanlaban dito. Para siyang nilamig bigla ng malamig siyang tapunan ng tingin nito kaya niyakap niya ang kanyang sarili.         "Try to r**e you? Oh c’mon, Maxx para mo na ring sinabi na may gusto ako sa iyo."nanunuyang sabi nito. "Don't worry I won't force you."mayabang nitong sabi habang hinahaplos pa din ang nasaktang leeg. Okey lang kahit ganoon ang tono ng pananalita ni Enzo dahil malinaw na sa kanya na hindi siya nito pupuwersahin kaya nakahinga siya ng maluwag. "Pero hindi ako mangangako na hindi ko hihingiin na gampanan mo ang obligasyon mo sa akin. Asawa kita, tandaan mo iyan Maxx."malamig nitong sabi na ikinalaglag ng kanyang panga. Anong obligasyon? s****l obligation? "You are a beast!"nanggagalaiti niyang sigaw ng makuha ang nais nitong ipakahulugan. Hinagip niya ang isang unan at inihampas sa braso nito. Hindi nangtangkang salagin ni Enzo ang mga paghampas niya kaya siya lang napagod.         Napuno ng halakhak ni Enzo ang apat na sulok ng silid ng tigilan niya ito sa paghampas ng unan. Nagpupuyos ang kalooban niya dahil ang paborito niyang suite na itinuturing niyang private sanctuary ay binabalahura ng lalaking nagpumilit na maging kanyang asawa.         "Come here, babe."utos ni Enzo sa kanya ng mahimasmasan ito sa pagtawa. Tinapik nito ang gilid ng kama kung saan nito nais na maupo siya.         "Dito na lang ako."matigas niyang tanggi. Hindi niya kayang masikmura na makatabi ito sa kama. Mahirap na baka kung ano na naman ang maisipan nitong gawin at maglumikot na naman ang mga kamay. Hindi niya na maipapangakong mapipigilan niya ang sariling alisan ito ng buhay.         "Do you really think na pagnanasaan ko ang katawan mong iyan?"pang-iinsulto nito sa kanya ng mapansing ayaw niyang maupo sa tabi nito. "Bubot pa lang ang dibdib mo nakita ko na iyan, at napatunayan ko kanina lang na wala namang nagbago kahit nagkaedad na tayo."dugtong nito na pang-aasar.         Umuusok ang ilong niya sa galit. Bubot? Dibdib?  Nasa? Katawan? Ano bang akala nito sa sarili ipinanganak na diyos? Sa tindi ng galit niya dito ay hinayaan niyang malaglag sa sahig ang suot niyang damit pangkasal. Walang siyang suot na bra dahil padded and tube ng kanyang gown.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD