Big Suprise?

3004 Words
       Kulang ang salitang lumuwa ang mga mata ni Enzo ng makita nito ang pinupulaang dibdib ni Maxx. Well-endowed si Maxx sa parting iyon ng kanyang katawan kaya nagkamali si Enzo na insultuhin siya! Literal na lumuwa ang magkabilang mga mata ni Enzo ng kanyang masilayan ang magkabilang dibdib ni Maxx maging ang mahubog nitong beywang. Hindi niya ineexpect na dahil sa sobrang pikon nito ay maiisipan niyang ihantad ang sarili sa kanya para patunayan na nagkakamali siya sa pagpula sa katawan nito. Hindi rin siya makahuma dahil nagbababad ang mga mata niya sa buo nitong katawan, sa pusod nito, sa suot nitong manipis na pang-ibabang saplot na gawa sa manipis na kulay puting lace, at sa mahuhubog at mapuputi nitong hita.          Alam niyang maganda ang hubog ng katawan ng asawa kahit parang parati itong nakasuot ng pang-manang na gayak. Iyong mga damit na maluluwag at parang nilipasan na ng panahon.        "Wala pa rin ba akong dating sa iyo?"galit nitong tanong. Aware si Maxx na tsine-check niya ang katawan nito. Pero kahit galit si Maxx ay para itong nang-aakit kaya nanuyo ang lalamunan niya.         "Haisst, ikaw naman pikon ka kaagad."aniya. Kinuha niya ang kumot at ibinalot sa katawan ni Maxx. Hindi niya gustong makaramdam ito ng insecurities sa sariling katawan dahil lamang sa biro niya. "Sorry na Maxx."hingi niya ng tawad. Pilit niya din binubura sa isipan ang imahe ng maganda nitong katawan dahil baka kapag nagtagal pang ganoon ang itsura nito ay baka kalimutan niyang magkaibigan sila bago sila nagging mag-asawa.         "You're an asshole!"asik ni Maxx. Hindi siya nakaiwas ng kalmutin siya ni Maxx sa leeg. Mahapdi ang tinamaan nitong parte at nang kapain niya ay may dugo iyon. Aasar niya sana ito ngunit nabahag ang buntot niya ng magsimula itong umiyak. Iyong klase ng iyak na parang hindi makahinga at awang-awa sa sarili. Niyakap niya ito para pakalmahin.         "Sorry na talaga Maxx."paulit-ulit niyang bulong sa tenga nito. Patuloy lang sa pagtangis si Maxx sa kanyang mga bisig habang paulit-ulit niya minumura ang sarili sa kanyang isipan dahil batid niyang mali ang ginawa niya dito.   *** Habag na habag si Maxx sa kanyang sarili. Kulang na lang ay ubusin niya ng lahat ng luha sa tindi ng galit at inis kay Enzo. Sa sobrang lakas nitong mang-asar ay naibuyangyang niya ang katawan sa paningin nito para ipakitang mali ito sa pagsasabing bubot ang kanyang dibdib pero kahit alam niyang well-endowed siya at may korte ang katawan, ang nakakainsulto ay ang pagbabalot sa kanya nni Enzo ng kumot. Pinatunayan lang nito na wala talagang dating dito ang katawan niya. Asar na asar siya sa lalaki gawa noon.           Wala talaga itong puso. Noong mga bata pa sila ay napapalampas niya ang mga prank nito pero ngayong nasa edad na sila ay mukhang nakasanayan na nitong i-prank siya kahit ang kapalit ay pagdurusa niya habambuhay! Yes, habambuhay dahil wala siyang pagtingin dito. Alam nitong may isang lalaki siyang natitipuhan. Nahalata nito na may pagtingin siya sa isang lalaki at sinabon siya ng husto. Mabait naman si Karl, isa sa empleyado niya. Crush niya ito dahil may sense kausap, palangiti, gentle at maasikaso.  At ngayon, ano na ang mangyayari sa lihim niyang crush kay Karl kung naitali na siya ni Enzo? Hanggang lihim na lamang iyon.             Parang naupos siya sa naisip. Nanghina ang tuhod niya kaya naman inalalayan siya ni Enzo maupo. Nagpaalam din ito na ikukuha siya ng bihisan. Nasa maleta ang mga damit niya. Inihanda iyon ng kanyang mama kagabi dahil alam nito na aalis sila ni Enzo patungong Italy. Hindi niya lang alam kung may pantulog siya doon.             “Here. Magpalit ka na ng damit.”abot sa kanya ni Enzo ng pj. Nang masdan niya ang damit ay sigurado siyang hindi niya damit iyon.             “Nakahanda ito sa closet.”paliwanag ni Enzo. Tumango lang siya at mabagal na tinaluran ito para magpalit ng pantulog sa banyo.     "Maxx,"ani Enzo. Umakbay ito sa kanya at lalo pa siyang isiniksik sa dibdib nito. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa. Pareho na silang nakapangtulog. Nakasuot siya ng polka dots na PJ habang nakaloose shirt ito at itim na jogging pants. Matapos ang outburst niya kanina ay nakumbinsi siya ni Enzo na magbihis ng maayos upang magkausap sila.         "Hindi mo kasi nakikita ang paghihirap ko, Enzo."sabi niya.          "Pareho lang tayo, Maxx."sabi nito. "Hindi ko pa rin sasabihing mali ang naging desisyon ko na pakasalan ka. Nailigtas ang kumpanya ninyo."dugtong nito.         "Pero paano si Julliene?"         "What about her Maxx?” “Mahal ka niya, tingin mo papaano niya matatanggap na tayo ang nagpakasal?” “ Siya ang kusang umalis. Walang pumilit sa kanya. Kung talagang mahal niya ako, hindi niya sasayangin ang pagkakataong maikasal sa akin."         "B-baka kasi-"pag-aapuhap niya ng maidadahilan. Baka kasi natakot ang kapatid niya dahil napakasungit ni Enzo nitong nakaraang mga araw habang nalalapit ang kasal ng mga ito. Bukod sa pera ay wala ng ambag si Enzo sa mga usaping kasal. Hands-on si Julienne habang si Enzo ay abala sa trabaho.         "Let's forget about her. Ang isipin natin ay tayo."pagdi-dismis nito patungkol kay Julienne. Sinipat niya ang mukha ni Enzo na sa bukas na telebisyon nakamasid.         "Walang tayo."matabang niyang wika.         "Sure, kung iyan ang gusto mong paniwalaan. Ipinapaalala ko lang Maxx na kasal tayo. Hindi pwedeng lagi tayong nag-aaway. Honeymoon natin ngayon pero imbis ay nagsasakitan tayo."sabi nito na ikinabigla niya at ikinapula ng mukha. Honeymoon, ang loko balak talagang makipaghoneymoon sa kanya?         "Hoy Enzo, mag-isa ka!"asik niya dito.          "Ayaw mo bang maging maayos ang pagsasama natin?"baling nito sa kanya kaya nagsalabuong sila ng mga mata. Nangungusap ang mga mat ani Enzo.         "Maayos naman ang relasyon natin bago ka nagpakagago." Giit niya.       "Sige kung nagmamatigas ka at ayaw makipagcooperate na i-work out natin ang pagsasamang ito, di ba parang binigyan mo ako nang pahintulot na pwede  akong mambabae."nakangisi nitong sabi.         "Aba't!"pagalit niyang alma. Biglang naglaho ang habag na nararamdaman niya sarili dahil nagpakasal sila. Right now ang gusto niyang gawin ay hilahin ang buhok ni Enzo at tirisin din ito. Ayaw na ayaw niyang mapagtaksilan. "Subukan mo lang!"banta niya sa nangangalit na tinig. "at matitikman mo ang aking galit!"         "I'm all yours babe."nakangisi nitong tugon bago siya kinintalan ng mainit na halik sa labi.         Nanlaki ang mga mata niya dahil sa paglapat ng labi nito sa akin. Bigla niya ding naalala na kanina sa simbahan ay hinalikan siya ni Enzo sa labi ngunit mabilis lang iyon para ngang hindi sumayad sa labi niya pero iba ang ipinapalasap na halik nito ngayon. Malalim at maalab ang halik nito. Nanunuksong tumugon. No freaking way! Hindi siya tutugon sa halik ni Enzo kahit pa nalalasing na siya sa tamis ng labi nito.         Tumigil si Enzo sa paghalik ng maramdamang hindi siya tumugon. Sandaling nanghinang ang kanilang mga mata. Nabasa niya sa abuhing mga mata ni Enzo ang pagkainis at emosyong hindi niya mapangalanan dahil natatakot siyang kilalanin iyon.             Kumalas ang braso nito sa kanya bago itinaas nito ang magkabilang kamay sa ere na parang sumusuko saka umiling. “"Sa harap ng madaming tao, act like you are my loving wife. Kahit sa harap na lang ng ibang tao Maxx."mariing utos nito. Umarko ang kilay niya para sana sansalahin ito ngunit kaagad itong naglakad patungo sa kama at nagdive doon padapa. “I’m f*****g tired. I need some rest.” Reklamo nito.             “Ayokong maki-share sa iyo ng higaan!”             “Yeah.”anito at pahimad na bumangon at bumalik sa sofa kung saan siya nito iniwan. “I sleep here Maxx.”hinila siya nito paahon sa sofa at tinulak patungo sa kama. “Bukas na bukas ay sa Cebu ako pupunta para bisitahin ang koprahan doon ng aming pamilya. Hindi na tayo tutuloy sa Italy, sayang lang ang magagastos natin kung di rin tayo mag-e-enjoy. Back to work na lang ulit tayo."sabi nito.         Napaarko lang ang kilay ni Maxx sa sinabi ni Enzo ngunit hindi siya kumontra. Nilingon niya ang lalaking nakahiga sa sofa at nakatakip ang braso sa mga mata. Pabor sa kanya ang desisyon nitong hindi na sila mag-honeymoon. Wala din naman itong aasahan sa kanya pagdating sa kama dahil hindi siya papaya na magsiping sila. Nagpakawala siya ng malalim na buntunghinga bago mabibilis ang hakbang na sumampa sa kama. Ilang beses pa siyang nagpabaling-baling ng higa bago nagpasyang patayin ang daylight at buksan na lamang ang lamp shade. Mahina ang kulay dilaw na liwanag ang nakasabog sa loob ng buong suite magkagayunman ay hindi siya dalawin ng antok.  ***         Act as Enzo’s loving wife- iyon ang first job ni Maxx sa pagsasama nila ni Enzo. Mapait man sa panlasa ay dapat na siyang masanay. Kapag lang daw naman may ibang tao. Mapagtitiyagaan niya na din ang sapilitang "trabahong" ibinigay nito sa kanya basta hindi ito lalampas sa itinakda niyang boundary sa pagitan nila. At dahil dapat ay loving wife ang PEG niya kaya ng magdecide itong bumiyahe patungong Cebu imbis na sa Italy sila pumunta ay wala siyang nagawa kundi ang sumama dito. Akala pa man din niya ay makakabalik na siya kaagad sa trabaho iyon pala ay magiging alalay nito.         Nakakapagod para sa kanya ang buo nilang biyahe. Mula sa Maynila hanggang sa Cebu at patungo sa Hacienda  Asunsion. Pag-aari ng aguelo ni Enzo ang malawak na koprahan. At bahay bakasyunan na ng pamilya ng mga ito ang nasabing lugar. Naggagulo ang mga trabahador lalo na ang mag-asawang katiwala sa walang abisong pagdating nila ni Enzo.         Naging mainit ang pagtanggap sa kanya kaya kahit pagud na pagod ay nakisalamuha siya ng maayos. Tinuruan kasi siya ng kanyang papa ng tamang pakikipag-kapwa tao. Umukit iyon at tumino sa kanyang isip. Napagkit din sa mukha niya ang matamis na ngiti habang nakikisalamuha sa mga tauhan ng hacienda. Ngiti lang kasi ang tangi niyang naisasagot sa pang-uusisa ng mga ito at pagbibigay ng pagbati dahil sa pagpapakasal niya kay Enzo. Siguro sa kaibuturan ng mga puso at isip ng mga trabahador ay awa ang nadarama para sa kanya. Isipin ba naman kasi na suicidal ang ginawa niya dahil sa mga hindi magagandang ugali ni Enzo.         Si Enzo naman ay hindi napahindian ang imbitasyon nang matatandang lalaking trabahador para uminom ng alak. Sa lilim ng punong mangga ay bumilog ang mga ito at nagsimulang mag-inuman kahit papadilim na. Malakas ang tawanan ng grupo at sa wari'y kantyaw ang inaabot ng kanyang "asawa".         "Halina sa loob iha."ang anyaya sa kanya ni Nana Jacinta papasok sa malaking bahay na yari sa magagandang klase ng kahoy. Kasalukuyan siyang nasa teresa at tinatanaw ang grupo nila Enzo. "Nakaayos na sa taas ang mga gamit ninyo. Maayos na rin ang silid na tutuluyan ninyo kaya kung gusto mong mahiga ay pwede na ngunit ang bilin sa akin ni Enzo ay pakainin muna kita."imporma nito. Dalawang maleta ang dala nila. Ang isa ay pag-aari niya at ang isa naman ay kay Enzo.          "Hindi pa nga rin ho kumakain si Enzo."bantulot siyang iwan ang lalaki. Kahit asar siya dito ay iniisip niyang hindi maganda kung sasabak agad ito sa inuman ng walang laman ang tiyan. Early dinner na ang gagawin nilang dalawa kung sakaling kakain sila. Ala-singko y medya pa lamang kasi ng hapon.         Hindi nakaligtas sa kanya ang kindatan at sikuhan ng dalawang dalagitang kasambahay. Waring kinikilig ang mga ito na di niya mawari. Nakangiti rin si Nana Jacinta, ikinatuwa nito ang sinabi niya.         "Aba'y akalain mo nga naman, noong huling punta ninyo dito ay magkabarkada pa lang kayo tapos ngayon ay mag-asawa na." In-emphasize nito ang salitang magkabarkada. May laman ang tinig nito na waring hindi ito naniniwala na sadyang magkaibigan lamang sila ni Enzo. "Kailan nga ba iyong huling punta ninyo dito?"         "Nana, two years ago ho iyon."singit ng isa sa dalagita. Iyong mas matangkad at maputi.         "Di ba nga'y nagpustahan pa tayo kung sila ay magkakatuluyan o hindi."susog naman ng isang dalagita. Mas malapad ang ngiti nito.         Parang iisang taong tumingin sa kanya ang tatlo upang malaman ang reaksyon niya. Isang simpleng ngiti ang iginawad niya sa mga ito. Sa loob niya ay nagpupuyos ang kalooban niya dahil imina-match pala sila ng mga ito ng palihim. Hindi siya galit sa mga ito kundi kay Enzo. Pinagsisisihan niya din ang pagsama niya dito two years ago, baka kasi iyon ang naging dahilan ng hindi niya magandang kapalaran.         Sa kusina siya dinala ni Nana Jacinta ng paunlakan niya ito. Ipinaghain siya nito ng pancit at kape. Pahigop na sana siya ng mabangong kape ng pigilan siya ng matanda.         "Baka may laman na iyan?Makakasama sa bata ang pagkakape."         "Ho?"takang tanong niya. Clueless siya sa sinabi nito.         "Kuwan, ano. Iyang tiyan mo baka may laman na."anito na inginuso ang tapat ng tiyan niya. Sukat sa sinabi nito ay napahagalpak siya ng tawa.         "Mayroon nga hong laman ito. Marami. Atay, at lahat ng lamang loob ko."sabi niya. Nagpipigil lamang uli siyang matawa dahil nakita niya ang pag-asim ng mukha ng matanda dahil sa sinabi niyang laman ng tiyan niya.         "Kayo ba ay wala pang balak mag-anak ni Enzo? Hindi na bumabata ang asawa mo. Saka masaya kung magkakaroon kayo ng anak."         Anak agad? Kakakasal pa nga lang namin ng mabait ninyong alaga. Piping reklamo niya. Wala pati sa balak niya ang pag-aanak.          "Kumusta naman ho ang koprahan?"pang-iiba niya ng usapan.         "Malakas naman ang kita."sagot ng matanda. "Maayos kasi ang bentahan sa panahon ngayon. Nagtataka nga ako at napasugod dito si Enzo, alam mo naman ang asawa mo kapag may emergency lamang pumupunta dito. Sa pagkakaalam namin ay sa ibang bansa ang pulut-gata ninyo kaya lahat kami ay nasopresa sa biglaan ninyong pagdating."         "Nagbago ho kasi kami ng plano."pa-safe niyang sagot. Alangan namang sabihin niyang nabadtrip sa kanya si Enzo kaya sa koprahan sila bumagsak.         "Kuuuh, tiyak na nais niya lang sariwain ang huntahan ninyo dito noon. Gabi na noon ay hindi pa kayo maawat sa pangangabayo at paglilibot sa buong hacienda. Talagang hula ko noong dalhin ka niya dito ay ikaw ang ihaharap niya sa dambana. "pangangantyaw nito.         Pilit na ngiti ang lumabas sa labi niya. Hindi ba alam ng mga ito na si Julienne at hindi siya ang dapat nitong pinakasalan?         "Ikaw lang kasi ang babaeng in-entertain niya. Iyong anak na babae ni kapitan  na sa Maynila nagtapos ng pag-aaral ay ilang beses nagagawi dito ngunit hindi pansin ni Enzo. Ngunit ng ikaw ang umapak sa haciendang ipinundar ng kanyang lolo ay kay liksi bigla. Parang trumpong hindi mapakali ang batang iyon."         Pinigil niyang mangilabot sa pinagsasabi ng matanda. Marahil sa dami nitong nabasang mga pocketbook  o komiks kaya bawat kibot  ni Enzo ay binibigyan ng kahulugan.         "Si Fatima nga ba iyon?"anitong ang sarili ang mas kinakausap. "Kursunada din niyon si Enzo, anak naman iyon ng kumpadre ng papa niya. Kay ganda ding bata, kay kaputi at tangkad, pang-Miss Universe pero hindi din pansin ni Enzo. Simangot at tango lang ang iginagawad ni Enzo doon paano'y tutuk na tutok kasi ang mga mata sa iyo. Hindi ba't sa Maynila pa lamang ay lagi na kayong magkasama. Hindi ko naman siya masisisi, kay ganda mo din kasing bata, ang kinis pa ng balat mo at pang-modelo ang porma mo."         Alanganin ang ngiting sumilay sa mga labi niya. Pakiwari niya'y natabingi ang kanyang bibig.         "Iyang ngiti mong iyan, natitiyak kong dinaan ka niya sa dahas. Hindi nga ba?"mapanuri ang tinging iginawad nito. Kulang ang salitang literal na tumagos sa kaibuturan niya ang sinabi nito. Natumbok nito ang sitwasyon nila ni Enzo. Kaya napipilan siya sa tinuran ng matanda. Tama ang obserbasyon nito. Pero dapat niya bang kumpirmahin ang hinala nito?         "Ang Nana naman, napakadaming napapansin."paiwas niyang sabi. Pinanggigilan niya kunwari ang pagsubo sa pancit upang huwag na siyang isalang sa mainit nitong interogasyon.         "Pasasaan ba't matututuhan mo ding mahalin ang aming Enzo."siguradong wika nito na ikinabulon niya. Nagpasalamat siya sa matandang katiwala ng hagurin nito ang likod niya dahil sa matinding pagkasamid.             Matapos kumain ng meryienda ay kaagad na siyang nagtungo sa magiging silid nilang mag-asawa. Sa iisang silid sila matutulog upang huwag magtaka ang mga tao sa paligid nila. Kampante na naman siya kay Enzo na makasama ito sa iisang silid dahil kagabi ay hindi na siya nito inostorbo o inasar ng magpasya silang matulog.         Napabalikwas ng bangon si Maxx mula sa pagkakahiga sa katre. Naalimpungatan siya. Tuluyan na siyang nag-ayos ng sarili ng masipat sa orasan na nakalagay sa katawan ng lampshade na pasado alas syete na ng gabi. Hindi niya namalayang naidlip siya ng sumaglit siya sa kwartong inihanda ni Nana Jacinta para sa kanila ni Enzo. Ang kwartong inookupa ni Enzo simula ng bata pa ito hanggang magbinata ang siyang tutulugan nila sa ilang araw nilang pananatili sa hacienda Asunsion. Malaki ang silid at gawa lahat sa kahoy ang mga kagamitan. Noong unang punta niya dito ay sa guest room siya tumuloy. Halos pareho naman ang ayos ng dalawang silid maliban na lamang sa mga nakasabit na larawan ni Enzo noong bata pa ito.         Tahimik na sa labas. Nawala na ang tawanan at kwentuhan ng mga kalalakihan. Sumilip siya sa bintana at tinanaw ang punong manga na halos katapat lamang ng kinaroroonan niyang silid. Nakita niyang nagliligpit na ang mga kalalakihan ngunit wala si Enzo. Nagmamadali niyang tinungo ang lugar upang makibalita.         "Tata Gado, si Enzo ho?"magalang niyang tanong.         Nagulat ang lalaki sa biglaan niyang pagsulpot. Kita niya ang mataktikang pagsusulyapan  nito at ng dalawang may edad ng lalaki na hindi niya matandaan ang mga pangalan. Nahihiwagaan siya sa palitan ng sulyapan ng mga ito at kapag naman tinatangka niyang makipagtitigan sa mga ito ay kaagad na umiiwas.         "Lumabas lang saglit."alanganing sagot ni Tata Gado. Asawa ito ni Nana Jacinta kaya kilala niya ito at hindi siya nahihiyang magtanong.         "Saan daw ho pupunta?" kaswal niyang tanong.         "E kuwan, diyan lang."walang malinaw na maisagot ang matanda. Mukhang nininerbyos din ito kaya nagtataka siya. May butil din pawis na sumusulpot sa may gatla nitong noo.          "May nangyari ho bang hindi maganda kay Enzo?"bigla ang pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib. Baka lumupaypay na ito dahil sa kalasingan. Baka nakagat na ito ng madaming insekto? O baka naman..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD