"Wifey, gising ka na pala!"ang masiglang tinig ni Enzo ang nagpawala sa kaba niya. Na-imental note niya din ang pagtawag nitong wifey sa kanya, ano kayang pakulo iyon ni Enzo?
Napalis ang inihanda niyang ngiti ng makitang may kabuntot itong isang magandang babae. Kaagad uminit ang ulo niya. Habang siya ay nag-aalala ay may iba pala itong kinakarinyo.
"This is Fatima. Sa kabila lang ang hacienda nila."pakilala ni Enzo sa babaeng kasama nito. "And this is Maxx, my wife."baling nito sa tinawag na Fatima. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay mabilisan niyang in-assess ang itsura ng babae. Tama nga si Nana Jacinta nang sabihing pang-Miss Universe ang beauty ng dalaga. Halatang komportable din ito sa pagsama kay Enzo.
"Congrats sa kasal ninyo."bati ng babae sa kanya ngunit ang kamay ay humaplos sa braso ni Enzo.
"Oh thank you. Kung nagkakilala agad tayo, malamang na ininvite kita sa kasal namin ni Enzo."sabi niya. Idiniin niya ang mga salitang kasal namin ni Enzo na may kasamang matamis na ngiti. Napansin niya ang pagkawala ng kulay ng mukha ng babae ng tahasan niyang alisin ang kamay nitong nakapatong sa braso ng asawa niya. -Nang asawa niyang nag-e-enjoy sa pakikipaglandian gayong ang sabi ni Nana Jacinta kanina sa kanya ay simangot at tango lamang ang iginagawad nito sa beauty ng babae. Hindi niya alam na humantong na pala sa matamis na samahan ang mga ito habang siya ay nakaidlip. Hindi talaga mapagkakatiwalaan si Enzo kahit saglit na oras!
Pekeng dinalahit ng ubo si Tata Gado kaya dito nabaling ang lahat ng mga pansin nila.
"Ayos lang po kayo?"magalang na tanong ni Fatima sa matanda.
"Naku, ineng dala marahil ng katandaan ito. Huwag mo na akong alalahanin."ngumiti ang matanda. Gumugutil ang malalaking pawis sa noo nito tanda ng natetensyon ito. "Ay siya paano, gumagabi na, mabuti pa sigurong ihatid na kita sa kabila."anang matanda.
"Ang usapan ho namin ni Enzo ay sasabay ako sa kanya na magdinner dito."
Dinner? Bakit ikaw ba ang asawa?
"Mas gusto kong kami ni Maxx ang magkasabay sa pagkain ngayong dinner. First time kasi naming kakain dito bilang mag-asawa."ani Enzo.
Kitam! Gusto niyang palakpakan si Enzo dahil sa sinabi nito. Atleast alam ng asawa niya ang responsibilidad nito at hindi kasama doon ang sumabay ng kain sa isang babaeng halata ang laki ng pagkakagusto dito.
"Ahh ganoon ba? Ang tagal na kasi nating hindi nagkita kaya I was hoping na makakasalo kita sa pagkain."
Kapal mo ne, may asawa na ang nilalandi mo at nakaharap ka pa sa legal na asawa. Pagkukukotkot ng kalooban niya. Nais niya sanang pagsalitaan ito ng hindi maganda ngunit ayaw niyang lumabas na bastos.
"Sa ibang araw ka na lang naming iimbitahan ni Enzo na makipagdinner sa amin." Nakangiti niyang singit sa usapan. Tinapunan niya ng mabilis na tingin si Fatima na lalong nalukot ang mukha. Sinadya niya ding ipakita sa dalaga ang pagsiksik ng katawan niya sa dibdib ni Enzo.
Ang itsura nila ay magkatabi sila ni Enzo, halos magkayakap na sila habang nasa harapan nila ang babaeng talaba, hindi espasol pala dahil sobrang puti. Si Enzo naman ay umakbay sa kanya ng tapunan niya ito ng ngiti. Sobrang sweet nilang tingnan mag-asawa. At kung wala lamang sa harapan nila si Fatima ay napalakpakan na niya ang sarili dahil sa magaling niyang pag-arte bilang Loving Wife ni Enzo.
Nakagat ni Fatima ang pang-ibabang labi. Parang pinipigil na maiyak. Bakit? Bakit ito naiiyak? Ang arte naman nito. Hindi ba dapat siya ang maiyak dahil sa pagtitimpi niyang bigwasan ito dahil hantaran ito kung lumandi kay Enzo kahit alam nan gang may-asawa na ang tao?
"Si Tata Gado na lang ang maghahatid sa iyo, Fat."
Fat? Ano iyon, bigay na petname sa kanya ni Enzo? Ayos ah, ang lambing naman nila sa isa't-isa!
"Tatawagan kita Enzo pagkabalik ko sa hacienda namin."pangako ni Fatima kay Enzo na ikinaangat ng kanyang magkabilang kilay. Mukhang sinasadya din ng babaeng talaba na hindi siya isali sa usapan. Naka-ilang goodbye muna ito kay Enzo bago lumakad paalis. Kasunod ng mga ito ang isa pang lalaki. Malabo na daw ang mga mata ni Tata Gabo kaya kailangan ng bodyguard. Inalis niya ang masamang tingin sa babaeng naglalakad palayo sa kanila.
"Ano ba iyang itsura mong iyan, parang ibinabad sa suka ang asim ng mukha mo?"natatawang pansin sa kanya ni Enzo. Sa halip na patulan ang sinabi nito ay tumulong na lang siya sa pagpupunas sa lamesa ng isang lalaking kainuman kanina nila Enzo na siyang nagliligpit ngayon. "Nagseselos ka ba? Kaibigan ko lang siya."simulang paliwanag ni Enzo.
"Pansin ko nga."sabi niya na itinuloy ang paglilinis.
"Okey, kaya huwag na lang nating gawing big deal ang pagpunta niya dito. Hindi ko siya inimbita Maxx, siya ang kusang pumunta dito ng mapansin niyang may kasiyahan. Binalak kong ipakilala ka kanina ngunit ng puntahan kita sa kwarto natin ay tulug na tulog ka."
"Really?"kalmado niyang tanong. Tumigil siya sa pagpupunas sa lamesa. Sa sulok ng kanyang mga mata ay napansin niya na bagaman abala sa pagkuha ng mga baso ang lalaki ay mukhang nakikinig ito sa usapan nila ni Enzo. Marahil ay hindi nito mapigilan ang makiusyuso sa kanilang mag-asawa. Hindi niya gustong magkaroon ito ng maling iniisip na nagseselos siya kaya iniba niya ang timpla ng pakikitungo kay Enzo. "Hubby, pasok na tayo sa loob. Parang bigla akong nagutom." malambing niyang sabi. Halatang nagulat si Enzo ng tawagin niya itong "hubby" lalo na ng kuhanin niya ang braso nito at ipatong sa kanyang mga balikat. Hindi kaagad ito nakakilos kaya kinailangan niya itong sikuhin sa tagiliran.
"Your wish is my command, wifey."namamalikmatang sabi ni Enzo. Napansin niya din ang pangalawang beses na pagtawag nito sa kanya ng wifey bilang endearment. May kung anong init iyon na hatid sa kanyang puso ngunit ng maalalang umaarte lamang si Enzo sa harap ng ibang tao ay nalukob ng lungkot ang kanyang puso.
Nagpaalam sila sa lalaki na tinawag ni Enzo na Rico na mauuna ng bumalik sa loob ng bahay. Mukhang halos kasing-edaran lang nila ito ni Enzo. Humingi din siya ng dispensa dahil hindi niya na ito matutulungang magligpit ng kalat. Mariin nitong sinabi na mas maganda ngang pumasok na sila sa bahay ng makapagsolo na. Malapad ang pagkakangiti nito at ang mga mata ay nagpapaabot ng kamalisyusohan.
Pagkapasok sa bahay ay kaagad niyang hinila si Enzo sa may dining hall. Lumingon muna siya kung safe ba ang paligid para sa nagbabagang mga salita na ipupukol niya dito.
"Wala akong pakialam sa inyo ni Fatima kahit maglingkisan pa kayo, ang ayoko lang Enzo ay iyong harap-harapan akong pinagtataksilan. Alam mo naman na may trust issue ako pagdating sa iyo. Remember, you betrayed me. Kahit bata pa tayo ng ginawa mo iyon ay hindi pa din kita napapatawad!” Hindi niya kayang palampasin ang ginawa ni Enzo na pakikipagmabutihan sa Fatima na iyon habang mahimbing siyang natutulog. Matalim niyang tiningnan ang lalaking masama ang tingin sa kanya. Tiyak na naasar ito dahil sa pagpapaalala niya dito ng pagtataksil nito sa kanilang pagkakaibigan noon.
Natatawang nagbuga ng hangin si Enzo. "Muntik na akong madala sa acting mo."malamig nitong sabi.
"Sino ba ang nag-utos sa akin?"panunumbat niya. Ito naman ang may gusto na umasta siyang mapagmahal na asawa tapos ngayon parang isinusumbat pa sa kanya kung bakit ganoon siya umasta dito?
"Kumain na nga lang tayo."biglang pagdidismiss ni Enzo sa issue. Hinila nito ang kamay niya para sumunod siya dito patungo sa kusina.
"Tapos na ang session ninyo?"tanong ni Nana Jacinta kay Enzo na ang “session” na tinutukoy ay ang inuman blues ng mga ito.
"May bukas pa naman Nana."sabi ni Enzo. Ang isang malayang kamay nito ay nagbuklat ng pagkain sa kusina.
"Siya, mukhang gutom na kayo. Sa hapag kainan na kayo, ako na maglalabas ng pagkain doon."taboy ng matandang babae.
"Tulungan ko na kayo Nana."boluntaryo niya. Gusto niyang takasan si Enzo at ang pagkakahugpong ng kanilang mga kamay. Nakakadama kasi siya ng pagkailang dahil sa mapanuksong mga tingin ni Nana Jacinta sa kanila.
"Nahhhh, samahan mo muna ako sa taas. Gusto ko ng magpalit ng damit. Nanlalagkit na ako."pigil ni Enzo sa balak niyang pagtakas. Natutuwang itinaboy sila ni Nana Jacinta paalis.
"Plastic!"pabulong niyang parungit kay Enzo ng umaakyat na sila sa hagdananan. Tinutukoy niya ang pa-sweet nitong pagtrato sa kanya.
"Sumakay ka na lang, okey?"sabi nito. Sa panggigilalas niya ay bigla nitong binitawan ang kanyang kamay na parang may nakakaditing siyang sakit sa balat. Ito pa talaga ang malakas ang loob na umakto ng ganoon.
"Ikaw pa talaga ang may ganang umarte na napipilitan."usig niya. Mahina pa din ang boses niya dahil baka may makarinig sa kanila na ibang tao.
Nginisian lamang siya ni Enzo. Sa inis niya tuloy ay inunahan niya sa paghakbang paakyat ito. Mukha naman nag-enjoy pa si Enzo sa kompetisyon nila dahil ng pumasok ito sa kanilang kwarto ay nakangisi pa ito.
"Alam mo, nakakasira ka ng bait."asik niya dito. Nauna si Enzo na makapasok sa loob ng kwarto ngunit nanatili sa may pintuan. Nang makapasok siya ay kaagad niyang isinara ang pinto.
"Ikaw din naman.”ani Enzo sa namamaos na tinig. Sa isang iglap ay nakasayad na ang likod ni Maxx sa dahon ng pinto at ang dalawang kamay ni Enzo ay animo'y rehas na nagkukulong sa kanya.
Naaalarma siya sa tensyong lumukob sa kanyang buong katawan dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa. Alam niyang playboy si Enzo. At sa ginagawa nito ay ngayon niya napapatunayan na eksperto ito sa art of seduction dahil bakit parang naaakit siya dito. Dati naman ay hindi niya pinapansin ang pagdikit-dikit nito sa kanya pero ngayong nandito na sila sa loob ng silid ay nakakadama siya na may kung anong binubuhay sa katawan niya ang lalaki. Sigurado siyang sinasadya siyang akitin ni Enzo. At hindi nakakatulong ang mabango nitong cologne na may halong alak dahil parang siya ang nalalasing sa amoy nito.
Naglapat ang kanilang mga mata. Matagal. May kung anong banyagang damdamin ang nakalarawan sa mga abuhing mat ani Enzo. Waring nakikisama rin ang may kadilimang silid upang makaramdaman sila ng ganitong atraksyon sa isa’t-isa. Ramdam niya ang kanyang pagnanais na tawirin ang distansya ng kanilang mga labi ng saglit niyang tapunan ng tingin ang mamasa-masang labi ni Enzo. Natikman niya na ang labi nito kagabi at ngayon ay parang gusto niyang lumapat iyon sa kanya.
"E-Enzo."animo'y may bumikig sa kanyang lalamunan ng banggitin ang pangalan ng lalaki. Mahinang umungol ito bago gumawa ng hakbang para paliitin pa lalo ang distansya ng kanilang mga mukha. Nalalanghap niya na ang mainit at mabango nitong hininga. Kusang ipinikit niya ang kanyang mga mata, iyon kasi ang napapanood niyang ginagawa ng mga babae sa mga teledrama bago lumapat ang anticipated kiss kapag may kissing scene sa bidang lalaki.
"Maxx."usal ni Enzo sa kanyang pangalan. Napakasensual ng dating noon sa kanyang pandinig. Nagtayuan na din ang balahibo niya sa buong katawan ng banayad na haplusin ni Enzo ang kanyang panga pababa sa kanyang leeg. Pakiramdam niya ay nag-init bigla ang paligid. Possible pa lang maramdaman niya ito kay Enzo. Kung inaakit siya nito ay masaya siyang magpapaakit. Napasinghap siya ng bumaba ang labi ni Enzo sa kanyang leeg at samyuhin ang amoy niya. Bigay na bigay na siya. Wala na siyang planong pigilan si Enzo sa anumang balak nitong gawin. Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi ng simulan siyang halikan ni Enzo sa leeg.
"Ayy nahulog ang palaka!"malakas na sambit niya ng makarinig ng malalakas at nag-aapurang katok sa likod ng kinasasandalan niyang pintuan.
Ang tinig ni Nana Jacinta sa labas ng pinto ang narinig nila ni Enzo. "Mga anak handa na ang hapunan, kakain pa ba kayo o magkukulong na lang diyan?"
“Jacinta, hayaan mo ang mga bata na magkainan sa loob. Huwag natin silang istorbohin.”tinig ni tata Gado. Rinig nila ang pag-igik nito marahil ay siniko ito ng asawa sa tiyan. Namula ang mukha niya sa implikasyon ng sinabi ni Tata Gado. Natural lamang na mag-isip ng ganoon ang matanda dahil mag-asawa sila ni Enzo. Pero susme, nakakahiya na nagpaakit siya kay Enzo!
Nahihiyang umalis siya sa pagkakagapos ni Enzo sa kanya. Tinulak niya din ito at hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng lalaki. Naroroon na sila sa parte na handa na siyang magpalandi dito at landiin ito kung hindi lamang sila naistorbo. Kung anuman ang namagitan sa kanila ni Enzo kanina ay napaka-magical noon at mahirap ng ibalik.
Sa tindi ng frustration ni Enzo dahil sa pagkabitin ay nasabunutan na lamang nito ang sariling mga buhok. Inis itong lumayo sa kanya.
“Enzo, lalabas pa ba kayo ni Maxx?”tinig ni Nana Jacinta. Wala itong kamalay-malay na may napigilan itong maganap sa kanilang dalawa ni Enzo.
“Susunod kami sa inyo Nana!”inis na wika ni Enzo sa matanda. Rinig nila ang papalayong yabag ng mag-asawang matanda. Nang magkatinginan sila ay natawa na lamang siya dahil sa pamumula ng leeg ni Enzo dahil sa tinitimpi nitong inis.
***
Nakaharap ngayon si Enzo sa repleksyon niya sa salamin habang paspasan ang kanyang pagsesepilyo na para bang doon humahanap ng kasagutan sa mga tanong na ayaw niyang isantinig. Naguguluhan siya sa sarili dahil sumuong siya sa isang bagay na alam niyang problema lamang ang hatid sa kanila ni Maxx.
Two days ago ay malaya pa siya. Walang Maxene na nagpapasakit ng kanyang ulo. At kaibigan niya pa ito pero ngayon ay para silang mga aso't-pusa na nagbabangayan kahit sa simpleng bagay lang. Siguro ay dapat nakuntento na lamang siya sa kung anuman sila dati sa halip na sinunggaban ang pagkakataon na mapasakanya ito.
Batid niyang wala naman silang pag-asang maglevel up bukod sa pagiging matalik na kaibigan. At kahibangan na inalok niya ito ng kasal. Nasasaktan siya sa tuwing naglalambing ito, hindi niya kasi maiwasang isipin na umaarte lamang si Maxene na sweet kapag may kaharap silang ibang tao. Alam niyang siya ang nagsabi sa babae na umaktong sweet sa kanya pero masakit pa din isipin na hindi ito tunay na malambing sa kanya.
Mabilis ang ginawa niyang pagmumumog ng maramdaman ang paghapdi ng kanyang gilagid. Lumabas siya ng banyo at naabutan niya si Maxx na nakaupo sa gilid ng kama suot ang ternong pajama na damit pantulog nito. Tumingin ito sa kanya ngunit kaagad siyang nag-iwas ng tingin.
"Gusto mo ba dito?"pag-uumpisa niya ng usapan. Umupo siya sa couch na ilang dipa ang layo mula kay Maxx. Pinilit niyang maging normal ang tinig. Hindi pa rin siya makamove on sa muntikan ng maganap sa kanila ni Maxx. Kung hindi lamang dumating sina Nana Jacinta ay baka may naganap sa kanilang dalawa.
"Medyo."sagot ni Maxx. ibinaba nito ang hawak na magazine sa sidetable. Mukhang maganda ang mood nito dahil hindi umangil. Nagbabasa-basa ito ng magazine upang magpababa ng kinain nila ng hapunan.
"Two days,"sabi niya.
"Two days na lang tayo dito?"puno ng panghihinayang ang tinig ni Maxx. Mukhang gusto talaga nito sa hacienda ng kanyang namayapang lolo na ipinangalan sa kanyang first love sa halip na sa kanyang lola na si Guada. Sabagay kung siya man ay naikasal kay Julienne at magkakaroon ng hacienda ay kay Maxene niya iyon ipapangalan. Batid niyang makakasakit iyon sa damdamin ni Julienne pero kailangan niya iyong gawin para immortalized ang nararamdaman niya para kay Maxene. Gusto niyang iparating dito at sa lahat na kahit hindi sila ni Maxene ang magkatuluyan ay mananatili ito sa buhay niya.
"Pwede pa tayong mag-stay dito kahit isang buwan pa."sagot niya, hindi niya kayang makitang malungkot si Maxx. "I mean two days na tayong mag-asawa."
Umarko ang kilay ni Maxx. Mukhang tigre na naman ito. "Yes, two days na tayong mag-asawa dahil sa kalokohan mo."giit nito. "Remind me kung talagang naging magkaibigan talaga tayo Enzo."
"Oo naman, tayong dalawa lang ang magkasama parati. Pwede ka na ngang mapagkamalang anak nina papa dahil sa bahay ka namin halos nakatira."
"Apparently,natapos ang pagkakaibigang iyon ng ipilit mo ang kasal natin."ayaw nitong paawat na sumbat.
"Maxx, pwede ba tanggapin mo na lang ng maluwag sa dibdib mo na mag-asawa na tayo."mahinahon niyang sabi kahit ang totoo ay gusto niya itong alugin para matanggap na din nito ang bago nilang estado.
"Madaling sabihin iyan para sa iyo."
"Hindi rin naman."
Sumimangot si Maxx sa tinuran niya para iparating na hindi ito naniniwala. Ano bang akala ni Maxx? Gandang-ganda siya dito at habul na habol?
"Syota mo ba siya?"
"Huh, sino?"naguluhan niyang tanong.
"Iyong pumunta dito."sabi nito na iniiwasang banggitin ang pangalan ni Fatima.
"Hindi."
"Type mo?"
"Bakit ba siya ang pinag-uusapan natin?"balik-tanong niya.
"Mukha kasing enjoy kang kasama siya."
"Nakakaamoy ba ako ng selos?"
"Hindi ako nagseselos, gusto ko lang malaman kung ano ang status niya sa buhay mo. Baka kasi gusto mo siya tapos ako naman ay nakakahadlang sa inyo."
"Wala kang hinahadlangan Maxx."
Tumitig muna siya sa akin ng matagal na parang sinisigurado ang aking katapatan. May trust issue talaga si Maxx sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil binigo ko siya noon. Kasalanan ko naman talaga. Iniba ko na lang ang usapan.
"Sa kita nitong koprahan, pati ng mga hotel at mango orchard makakasigurado ka na kaya kitang buhayin."
"May pera naman ako. Mukhang hindi pa naman namamalimos ang mga magulang ko."hindi maipinta ang mukhang sabi ni Maxx. Nainsulto ang itsura nito.
"Huwag mo ngang lagyan ng kulay ang mga sinasabi ko. This is not about your family. Tayo ang tinutukoy ko Maxx. Kung sakaling bumuo tayo ng pamilya, siguradong hindi na magugutom ang mga anak natin. Makakapasok sila sa magagandang school at tiyak na makakatapos ng pag-aaral."
"Aminin mo nga, plano mo na ba ito dati pa? Siguro gusto mo talagang matali ako sa iyo!"
"Ngayon lang Maxx. Nandito na tayo alangan naman hindi ko pa paghandaan ang future natin."kalmante niyang sabi. Sa isip niya ay parang sang-ayon siya sa sinabi ni Maxx na parang pinagplanuhan niya na talaga ang mga bagay na ito. Gusto niya talagang makasama si Maxx kaya kahit kay Julienne siya in-arranged na ipakasal noon ay balewala sa kanya dahil napipihado naman niya na parati niya pa ring makikita si Maxx. Simple lang naman ang pangarap niya noon, iyon ay ang lagi itong makita.
"Let's get straight to the point, hindi kita mahal Enzo. Alam mo iyan. At alam kong hindi mo din ako mahal. Sa tingin mo ba ay may future tayong dalawa?"
"May pundasyon tayong dalawa, ang friendship natin."giit niya. Hindi niya na lang idinagdag na kahit hindi siya nito mahal at iba ang crush nito ay hindi siya makakapayag na hindi na ito ang makatuluyan niya ng mabigyan siya ng pagkakataon. Selfish na kung selfish pero mas panatag siya kapag silang dalawa ni Maxx ang magkasama.
Nagpakawala ng napakalalim na buntunghinga si Maxx. “Nahihirapan na ako Enzo. Ang hirap ng gumalaw ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong umastang asawa mo o iyong tulad dati.”pagtatapat nito.
Mariin siyang pumikit. Ano pa nga ba ang dapat niyang asahan kay Maxx. Mas malabo pa sa grasa na maibigan siya nito. “Ikaw ang magpasya Maxx hindi kita sasaklawan.” Assurance niya dito. Gusto niya itong pilitin na gustuhin siya pero baka lalo lamang itong lumayo sa kanya. Pinakatitigan niya si Maxx ng magmulat siya ng mga mata. Nakatitig din ito sa kanya at waring inaarok ang katapatan niya.
Patakbo itong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. “Miss ko na ang dati nating samahan.”anito. “Masaya naman tayo dati.”
Napabuga siya ng hangin sa narinig. Alam niyang na-friendzone siya ng kanyang asawa.