Masaya na si Maxx at kuntento. Mas alam niya na kasi kung saan siya lulugar. Kaibigan. Mas okey na ganoon ang status nilang dalawa ni Enzo. Hindi pa siya handa sa mas malalim pa doon. Nasanay kasi siya na hindi romantic ang turingan nilang dalawa.
Magkatabi silang natutulog ngayon sa iisang katre. Kagabi ay patalikod na tinulugan niya si Enzo. Habang si Enzo naman ay halos okupahin na ang buong higaan. Nakatihaya ito ng pwesto at base sa kanyang mabining paghinga ay himbing na himbing na ito sa pagtulog.
Umaga na ngunit hindi pa siya dinadalaw ng antok. Nais niyang ikonsidera ang suhestyon ni Enzo ng mag-usap sila kagabi na subukan nilang gawin ang kanilang pagsasama. Tama naman ito na naririto na sila sa sitwasyong ito at mas mabuti kung aayusin na lamang nila ang pagtrato sa isa’t isa. Ang mommy at daddy niya, ay arranged marriage lang din. Nauwi pa nga iyon sa true love. Ang kanila naman ni Enzo ay may pundasyon na ng mahaba at matagal ng pagkakaibigan, hindi man sila mauwi sa totoong pagmamahalan pero mananatili ang pagkakaibigan nila.
Nawala ang atensyon niya sa iniisip ng lumundo ang kutson dahil sa paggalaw ni Enzo. Nanigas ang katawan niya ng hapitin siya ni Enzo pasiksik sa katawan nito. Ang hininga nito ay tumatama sa kanyang batok na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Ang isang braso din ni Enzo ay nakapayakap sa kanyang baywang.
Gusto na niyang magalit sa kanyang sarili. Bakit ba siya apektadung-apektado? Tiyak ay tulug na tulog si Enzo at para dito ay walang malisya ang ikinikilos. Saka ano bang problema niya at kung anu-ano ang itinatakbo ng isip niya?
Nagsimula siyang payapain ang sarili. Paulit-ulit na kinukumbinsi ang sarili na hindi siya ginagawan ng kalaswaan ni Enzo. May paggalang ito sa kanya dahil magkaibigan sila. Tatagal ba naman silang magkaibigan kung nag-take advantage ito sa kanya? Syempre hindi. Galit na galit siya sa mga lalaking balasubas at walang paggalang sa mga babae at alam iyon ni Enzo kaya kahit playboy ito ay hindi siya nito sinasali sa minamayak, noon.
Naging kalmado na ang kanyang isip. Ipinikit niya na ang kanyang mga mata. Nagsisimula na siyang maidlip ng maramdaman ang kamay ni Enzo na nasa baywang niya na gumagalaw paakyat sa kanyang dibdib. Paalma na siya para pigilan ito ngunit nahindik siya ng dumapo ang kamay nito sa hindi dapat! His hand cupped her left breast! Ang tinamaan ng lintik!
"Bastard!"sigaw niya. Nakabalikwas siya ng bangon at pinaghahataw sa braso si Enzo. Pupungas-pungas ito na umupo sa kama.
"Maxx?"parang galing ito sa ibang lugar at sa tono ng boses ay parang kinukumbinsi nito ang sarili na siya ang kaharap. Mas lalo tuloy siyang nagngitngit. Sino kayang babae ang laman ng isip nito at ginagawan ng kahalayan sa panaginip?
"Manyak!"disgusted na sabi niya dito. Inihataw niya sa mukha nito ang unan na gamit niya.
"Ouch."daing nito nang tamaan sa panga.
"Don't come near me!"asik niya dito. Nagsimula siyang maglatag ng kumot sa kahoy na sahig ng kwarto.
"Ano bang drama iyan?"natatawang tanong ni Enzo. Bumaba na rin ito sa kama tulad niya. Pinipigilan nito ang paglalatag niya.
"Why don't you ask yourself?"
"Tulog ako kaya paano ko malalaman? Bakit hindi mo na lang ipaliwanag kung bakit bigla ka na lang nagagalit at nanakit. Diyos mio Maxx , madaling araw na!"halatang pinipigil ni Enzo na magalit.
Naningkit ang mga mata niya dahil sa tono nito ay siya pa ang pinalalabas na may kasalanan.
"Para maliwanagan ka, hinipuan mo lang naman ako!"taas noo niyang sabi. Humalukipkip siya para proteksyon ang bahagi ng katawan na hinipo nito. Nakakahiya naman kasi sa part ng babae ang mahipuan lalo pa't hindi nagbibigay ng motibo.
Bumalatay sa mukha ni Enzo ang pagkagulat at kalaunan ay nauwi iyon sa pagngisi.
"That is not funny!"angal niya. Hindi biro ang ginawa nito. Pwede niya itong kasuhan.
"Bad hands."anito sa mga kamay matapos itaas ang mga iyon. Pero ang tinig ni Enzo ay proud sa "krimen" na ginawa. Nang simangutan niya ito ay tinapal-tampal ni Enzo ang magkabila nitong kamay pero nanatili pa rin ang ngisi sa kanyang labi.
Impit na napasigaw si Maxx dahil sa pangngisi ni Enzo. "Maniac! I'll sue you!"banta niya na tinawanan lang nito.
***
Humahalo sa lagaslas ng tubig at huni ng mga ibon ang masayang halakhak ni Maxx. Prenteng nakasandal siya sa malagong punong manga habang pinapanood ito sa enjoy na pagtatampisaw sa tubig. Nakalusong ang "asawa" niya sa ilog na bahagi ng hacienda Asunsion. Halatang enjoy na enjoy sa paglalaro sa tubig. Hindi mo kakakitaan na kanina lang madaling araw ay inaway siya nito na nauwi pa sa paghiga nito sa sahig. Hindi naman siya pumayag na ito ang masunod. Tinabihan niya ito sa sahig na sa bandang huli ay nagpabalik dito sa katre.
Usually ganoon naman lagi sila ni Maxx. May isang mapipikon at matapos ang madiplomasyang pag-uusap ay magkakabati na din sila. Sa kanyang parte, mas lamang na ngayon ang pagbibigay niya ng threat dito para lamang mapasunod ito o para sapilitang makipag-ayos ito sa kanya.
Hindi man aminin ni Maxx, sa kanilang dalawa ay mas matigas ang personality nito. Mas lulong ito sa trabaho. Mas mahigpit sa mga tauhan. Bossy ito. Mas mainitin ang ulo. Hindi din ito palangiti o palatawa sa harap ng madaming tao. Snob ito kaya kakaunti ang kaibigan. Palagi din nitong ina-address ng formal ang nasa paligid nito to the extent na parang napaka-rude nito. Alam niya ang dahilan. Masyado itong pressure bilang panganay na anak. Dito din naatang ang negosyo ng pamilya nito kahit sa napakamurang edad. Wala itong time para mag-enjoy.
Mabuti na lamang at naging magkaibigan sila. Sa tuwing magkasama sila ay nagtatanggal ng maskara si Maxx. Nagiging normal itong tao. Tumatawa, ngumingiti, nagagalit, naiinis, naasar at umiiyak. Madami itong emosyong binubuksan kapag magkasama sila. Nakita niya din ang side nito na nagseselos. Isa sa ugali ni Maxx ay ang pagiging possessive kaya nahalata niyang nagseselos ito kay Fatima kahit ayaw nitong aminin. Gusto kasi ni Maxx na kapag silang dalawa ang magkasama ay gugugulin niya ang buong oras at panahon niya dito. Noon pa naman ito nagseselos sa mga babaeng lumalapit sa kanya kaya nga nagtataka siya kung bakit ipinaubaya siya nito ng tuluyan kay Julienne.
Oh kay Jullienne na simula't sapol ay vocal sa pagsasabing may gusto sa kanya. Kay Julienne na gumawa ng paraan para mapakasal sila. Kay Julienne na sa lahat ng pwedeng hilingin sa kanya ay ang pinili pa nito ay sabihin ay ang layuan niya si Maxx sa halip na hilingin nito ay ang pag-aralan niya itong mahalin. Mas madaling pag-aralang mahalin ang isang tao kaysa ang limutin!
He gritted his teeth. Sa tuwing naaalala niya ang araw na pinakiusapan siya ni Julienne na layuan niya si Maxx ay tumataas ang antas ng pagkamuhi niya sa babae. Sino ito para tapusin ang pinagsamahan nila ni Maxx? Madami siyang isinakripisyo at handang isakripisyo para makasama niya si Maxx kaya wala itong karapatan na paghiwalayin sila.
Ikinuyom niya ang kanyang palad para pigilan ang pag-alpas ng galit sa kanyang dibdib. Walang nakakaalam kung papaano niya sinaktan noon si Maxx nang magdesisyon siyang iwan ito upang mag-aral siya ng kolehiyo sa ibang bansa. Fourteen years old ito noon at sixteen siya. Sa tulad niyang wala pang sariling pera at nabubuhay sa pera ng mga magulang ay wala siyang nagawa kundi sumunod sa kagustuhan ng mama niya na sa ibang bansa mag-aral kahit pa labag iyon sa kanyang kalooban. Iyon ang unang pagkakataon na pinagtaksilan niya ang pagkakaibigan nila ni Maxx at ang sumpaan nilang hindi maghihiwalay. Iyon din ang una niyang heartache. Sa edad nilang iyon ay alam niya na ang gusto niya, gusto niyang parati niya itong nasa tabi at mag-aral na magkasama sila. No letters, no phone calls kay Maxx iyon ang usapan nila ng mama niya para makabalik siya sa Pilipinas. Tinanggap niya ang kondisyon ng mama niya kahit nasasaktan siya para makauwi siya at makabalik sa tabi ni Maxx. Pagkagraduate niya ng college ay kaagad siyang bumalik sa Pilipinas. Inasikaso ang kanilang hotel at mango orchard. Isinubsob niya ang sarili para mas lalo pang mapalago ang negosyo ng kanyang pamilya at mapatunayan sa kanyang mga magulang na karapat-dapat siyang pagkatiwalaan. He gained their trust and respect. Bonus ang hacienda Asunsion dahil ineregalo ito ng kanyang lolo bago ito namayapa. Kumikita na siya ngayon ng sapat o higit pa. May sarili na siyang pera. At ilang properties na binili niya na alam niyang magugustuhan ni Maxx. May pakpak na siya at kaya niya ng tumayo sa kanyang sariling mga paa.
Handa din siyang pakasalan si Julienne para maging kapamilya niya si Maxx dahil alam niyang hanggang doon lamang sila ng kababata at matalik na kaibigan kahit mas lampas pa doon ang inaasam ng kanyang puso. Pero hindi pa naging sapat kay Julienne na pakakasalan niya ito, at naghangad pa ito ng bagay na hindi niya kayang ibigay. He cannot afford to lose Maxx for the second time around. Ikababaliw niya na iyon.
He was obsessed with Maxx. Bagay na hindi niya inaamin dito at sa ibang tao. Pero naililihim ba iyon sa matalas na pandama ng mama niya? Hindi siguro. Parang naging misyon na nitong paghiwalayin sila ni Maxx. Magiliw naman ito kay Maxx pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nagagalit ito sa tuwing nalalamang magkasama sila ni Maxx.
At si Julienne, matapos niyang sabihing hindi niya lalayuan si Maxx ay nag-alsa balutan. Tinakot na hindi siya sisiputin sa harap ng altar upang mapahiya siya sa madaming tao. Okey lang iyon sa kanya, atleast makakalaya siya sa kasunduang ang mga magulang nila ang naglatag.
Isang araw bago ang kasal ay ipinatawag siya ng papa Julian nina Maxx at Julienne upang ipaalam nito ang paglalayas ng kanyang mapapangasawa. Sobrang nakahinga siya ng maluwag ng malaman iyon. Malaya na siya kay Julienne dahil ito na ang umayaw. Wala naman siyang balak na habulin ito o hanapin. Ikakansela niya ang kanilang kasal. Ngunit hindi lang pala simple ang magiging pag-uusap nil ani Tito Julian dahil may proposal itong inialok. Ayaw daw nitong tuluyang masira ang matagal ng pagkakaibigan ng mga pamilya nila. Nagustuhan niya ang proposal nito kaya napapayag siya dahil iyon naman ang talagang minimithi niya. Ideya nito ang-
"Enzo."malakas na tawag sa kanya ni Maxx. Nakangiti itong kumakaway sa kanya. Her smiles brighten his days. Napapakalma din nito ang magulo niyang isip. Kaya papaano ba niya iiwasan si Maxx?
Sinabuyan siya ni Maxx ng tubig. Nasa ilog pa rin ito habang siya ay nasa gilid ng pampang. Nakangiting hinayaan niyang mabasa siya nito.
"You are no fun!"reklamo nito ng hindi siya kumilos para gantihan ito ng pagsaboy ng tubig. Nakaingos itong lumayo sa kanya at namulot ng kung ano sa tubig.
Masaya na siyang pinapanood si Maxx. Kuntento na siya sa ganoon. At hindi siya papayag na mawala ito sa kanya!
***
Nakaupo si Maxx sa gilid ng katre habang iniisa-isang i-check ang laman ng kanyang maleta na nakapatong din doon. Nang sabihin sa kanya ni Enzo na pabalik na sila ng Maynila sa isang araw ay kaagad na siyang pumasok sa kanilang kwarto para simulan ang pag-aayos ng mga dala niya. Hati ang kalooban niya sa pag-alis nila. May parte sa puso niya na gustong manatili na lang muna sa hacienda at may parte na gusto niya ng bumalik sa maingay na lungsod. Hindi sa namimiss niya ang ingat at polusyon sa Maynila ngunit may trabaho pa siyang dapat asikasuhin. Wala pa nga palang nababanggit si Enzo kung ito na ang magte-take over sa kumpanya ng kanilang pamilya dahil ito na ang legal na may-ari.
Kinailangan niyang magpakawala ng napakalalim na buntunghininga dala ng bigat ng kanyang dibdib. Hindi niya lubos maisip na naisanla ng kanyang papa Julian ang lahat ng rights kanilang kumpanya kay Enzo ng hindi niya nalalaman. Gayong kung pakakaisipin ay siya na ang humawak ng kanilang kumpanya ng nakaraang limang taon. Maging ang pagkagumon ng kanilang mama sa sugal ay hindi niya kaagad nalaman. Nasaan ba siya ng nakalipas na panahon? Bakit ba ang daming bagay na nakaalpas sa kanyang paningin? Mayroon pa ba siyang hindi nalalaman?
Umingit ang pinto at nang bumukas iyon ay pumasok si Enzo. Ngiting-ngiti ito ngunit ng napansin ang kanyang nakabukas na maleta ay kaagad ding sumimagot.
"Paalis ka na agad? Sa isang araw pa tayo aalis dito."sa tono ng tinig ni Enzo ay asar na asar ito sa pag-aakalang excited na siyang bumalik ng Maynila.
"Inaayos ko lang, ayokong may naiiwan sa mga gamit ko."malumanay niyang sagot. Ayaw niyang salubungin ang init ng ulo nito. Lumiliit lang kasi ang kanyang mundo sa tuwing nag-aaway sila ni Enzo dahil wala naman siyang ibang taong makausap o mahingahan ng kanyang saloobin. Si Enzo lang ang mayroon siya.
Ngayon niya lang napagtatanto na kay Enzo halos umiinog ang kanyang mundo. Wala siyang maituring na malalapit na kaibigan. Kahit ng umalis si Enzo patungong ibang bansa ay hindi niya nakuhang makipaglapit sa ibang tao. Nagkaroon na lamang muli siya ng social life ng bumalik si Enzo. Sobrang nakadepende pala talaga ang buhay niya sa lalaki. Kapag niyaya siya ni Enzo mag-bar hopping at gumimick ay saka lang siya lumalabas sa gabi. Bahay-kumpanya lang siya, kumpanya-bahay o kumpanya-meeting.
"Hmmm."sabi ni Enzo matapos umupo sa bakanteng bahagi ng likuran ko. Awtomatikong naging aware ako sa kanyang presensya. Parang nakakadama na talaga siya ng atraksyon kay Enzo. Mahirap ipaliwanag na mula sa akala niyang immune na siya sa makamandag na charms nito ay parang nagugustuhan na niya ito bilang lalaki. Magulo di ba?
Ikinalang ni Enzo ang kanyang ulo sa exposed niyang balikat dahil off-shoulder ang suot niyang yellow dress. Inamuy-amoy din ni Enzo ang mahaba niyang buhok. Pinili na lamang niyang pabayaan si Enzo sa ginawang pagsamyo sa kanyang buhok kahit palakas ng palakas ang pagtahip ng kanyang dibdib. Mukhang masama na ang lagay ng puso niya. Kakainin niya pa yata ang pagsasabihing hanggang magkaibigan lamang sila ng lalaki dahil sa mga oras na ito ay hindi na niya kilala ang sarili. Nag-uumpisa na siyang magpadala sa mga advances ni Enzo. Para ngang palagi niyang hinihintay na kumilos ito lalo na kapag nagsosolo sila.
Ibinaling niya na lamang ang isipan sa mga binibilang na damit sa loob ng kanyang maleta kahit natapos niya na iyong gawin kanina bago pa dumating si Enzo. Nakakabaliw kasi ang lakas ng tambol ng kanyang dibdib.
Napasinghap siya ng ilagay ni Enzo ang buhok niya sa kabilang side ng kanyang balikat upang maexposed ang kanyang leeg. Nagsimula din itong kintalan siya ng mumunting halik sa leeg. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ni Enzo maging sa labi nitong dumadapo sa kanyang leeg.
"I love your shampoo Maxx. Anong shampoo mo?"paanas nitong tanong habang sinusuklay nito ng daliri ang kanyang buhok. Nanunulay sa kanyang katawan ang init ng katawan ni Enzo kaya halos hindi na siya makapag-isip ng tama. Pero kailangan niyang maggalit-galitan para tigilan na siya ni Enzo sa panunukso nito sa kanya.
"Dugo mo!"
Malutong na tawa ni Enzo ang pumuno sa buong silid. Naiirita siyang bigla dito. Isang sandal ay gusto niya ang yakap nito, ang paghalik sa kanya o kung mayroon pa man itong nais na gawin sa kanya na higit sa paghaplos sa buhok niya at pagkintal ng halik sa kanyang leeg pero kaagad niyang sinasaway ang sarili na mahibang sa lalaki. Lalo na kapag tumawa ito, iyong klase ng tawa na naghahatid ng pang-aasar.
Marahas niyang isinira ang zipper ng kanyang maleta. Akmang tatayo na siya ng pigilan ni Enzo. Mahigpit ang pagkakayakap ng dalawa nitong braso sa kanyang baywang. "Dito ka lang muna Maxx."hiling nito at siya namang nahihibang ay kaagad na natunaw ang asar dito. Gusto niya din ang pakiramdam na nakakulong sa matitipunong bisig ni Enzo kaya ayaw niya ding pakawalan siya nito.
"Saan nga pala tayo titira pagkauwi natin sa Maynila?"tanong niya para lang huwag marinig ni Enzo ang napakalakas na pagtibok ng kanyang puso. Nahihibang na yata talaga siya dahil sa pagkakalapit nila ni Enzo. Sobrang lapit na parang nakakandong na siya dito. "Sa bahay ba ng parents mo?"parang naalala niyang hinihiling ng papa ni Enzo na doon muna sila pumisan.
"Sa bahay ko."sigurado sagot ni Enzo.
"Sa bahay sa village na ipinagawa mo dahil doon gusto ni Julienne?"tanong niya. Nasopresa siyang nakaramdam siya ng panaghili sa kapatid. Mayroon ding pait ang tinig niya. Paaano ay ipinagpatayo ng bahay ni Enzo si Julienne samantalahang siya ay mayroon ba siyang bahay na maituturing na kanya? Batid niyang lahat ng naihanda ni Enzo ay para kay Julienne dahil ito naman dapat ang napangasawa ng kanyang kapatid pero nasasaktan pa din siya. At parang ayaw niyang unawain ang bagay na iyon. Kaya nga parang mas gusto na niya na lang manatili dito sa hacienda ay dahil siya lamang daw ang babaeng dinala dito ni Enzo, maliban na lamang kay Fatima na biglang sumusulpot dito.
"Sa bahay na ipinatayo ko kung saan ikaw ang nag-design."
Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Totoo kayang nagmaterialize ang bahay na siya ang nagdesign? Humingi kasi sa kanya ng tulong si Enzo para sa design ng bahay na nais daw nitong ipagawa. Malaya siyang nagdesenyo noon. Akala niya ay hindi iyon naitayo dahil nga biglang na-engaged si Enzo kay Jullienne at gusto naman ng kapatid niya na sa village tumira.
"Talaga?"excited niyang tanong. Saulado niya ang bawat detalye ng bahay. Dalawang palapag na bahay iyon na may tatlong kwarto, dalawang banyo sa itaas na palapag, sa ibabang palapag naman ay malaking kitchen at dining hall, salas, library, music room. Sa gilid ng bahay ay malaking swimming pool at isang garden. Sa likod ay maid's quarter. Lahat ng iyon ay siya ang nagpuyan na nagdesign. Ideal house niya talaga iyon pero dahil alam niyang sa tahanan siya ng kanyang mga magulang titira dahil ayaw naman siyang payagan ng kanyang ina na mag-asawa ay nanatili na lamang iyon sa kanyang isipan . Kaya nga sobra ang tuwa niya ng malamang naibigan ni Enzo ang kanyang disenyo.
"Yup."proud na sagot ni Enzo.
Kusa niya ng inihilig ang ulo sa malapad na dibdib ni Enzo. Parati niyang nararamdaman na komportable siya sa piling nito at sa mga haplos.
"Happy?"
"Sobra."mahina niyang tugon. Natupad ang isa sa mga pangarap niya. Her dream house.
Hinapit ni Enzo ang katawan niya palapit dito. Ang init ng singaw ng katawan ni Enzo ay parang nakakapaso. “Alam kong magugustuhan mo ang bahay.”ani Enzo sa namamaos na tinig. Nanindig ang balahibo niya sa batok dahil sa pagtama doon ng mainit na hininga ni Enzo. Nanuyo din ang lalamunan niya ng haplusin ng mainit na palad ni Enzo ang kanyang hita na natatabigan ng damit. Halu-halo na ang kanyang nararamdaman. Ang isang side niya ay nais niyang sipain si Enzo dahil sa ginagawa nitong paghaplos sa hita niya at ang isa naman na side na flirt ay gustong-gusto ang ginagawa ni Enzo sa kanya. Nagiging dalawa na yata ang personality niya dahil kahit ayaw ng isipan niya ay kusang bumibigay ang katawan niya kay Enzo.