Mainit na mainit na ang pakiramdam ni Maxx ng muling kintalan ng halik ni Enzo ang kanyang leeg. Natatangay na siya sa lugar na tanging si Enzo lang ang gusto niyang magdala sa kanya. Sa sulok ng kanyang isipan ay may malabong eksena na pilit sumisingit dahil sa pamilyar na reaksyon ng katawan niya sa mga haplos ni Enzo at paghalik-halik nito sa kanya. Kasabay ng pag-angat ng dulo ng Sunday dress niya ay ang pagpasok ng kamay ni Enzo sa ilalim noon para malayang mahaplos ang kanyang hita paakyat sa garter ng suot niyang damit panloob. Nahihibang na siya pero may eksenang bumabalik sa kanyang alaala, isang eksena kung saan may kahalikan siyang lalaki sa madilim na sulok ng isang lugar. Pero kaagad niya ding pinalis sa kanyang isipan iyon dahil imposible naman na may kahalikan siy

