Mataas na ang sikat ng araw nang magising siya. Hangos siyang pumunta sa direksyon ng shower room, sa pagmamadali niya ay napatid pa siya ng nakakalat niyang hinubaran kagabi. Paupo siyang bumagsak sa sahig . He cussed. Badtrip ang simula ng umagang ito para sa kanya. Iika siyang tumayo at nagtungo sa shower room. Mabilisan ang ginawa niyang pagsha-shampoo ngunit ng magbabanlaw na siya ay nawalan ng tubig. “s**t! s**t! s**t!”paulit-ulit niyang bigkas. Binuksan niya ang gripo upang magbakasali na may tubig doon ngunit ni isang patak ay walang lumabas. This is the worst day of his life! Nanggigil na nagtapi siya ng tuwalya. Nagpasya siyang pumunta sa masterbedroom kung saan natutulog si Maxx. Doon na lang ang pag-asa niya. Magka-iba ng source ng tubig ang mas

