Masama ang tinging ipinukol ni Maxx sa babaeng wala ng bukas kung makatawa. Niyakag niyang mag-dinner si Enzo sa paborito nitong restaurant para makabawi sa kung anumang kasalanang nagawa niya dito. Pero sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay may nakakita kay Enzo na kakilala nito. Malakas din ang loob ng babae na imbitahin ang sarili na makiupo sa table nila gayong pandalawahan lamang iyon. Talagang humingi ito ng extrang upuan para makasalo sa kanila. At ngayon sa halip na siya ang kausap ni Enzo ay ang babaeng ito ang nagdomina ng usapan. Tawa ito ng tawa at nakakainis ang matinis na tinig. Hindi niya din gusto ang pananamit nito, sobrang sexy at revealing. At si Enzo? Hayun enjoy na enjoy! Hindi man lang makahalata na umuusok na ang bumbunan niya dahil sa gal

