Masama ang pakiramdam ni Maxx ng magising kinabukasan. Nakadagdag pang lalo sa sama ng pakiramdam niya ng magisnang wala sa kanyang tabi si Enzo. May maikli itong note na iniwan sa tabi ng night lamp na nagsasabing nauna na itong pumasok sa kumpanya. Mukhang may sama pa din ito ng loob sa kanya dahil sa naging takbo ng pag-uusap nila kagabi. Honestly, napupuna niyang nagiging masyado itong sensitive at harsh kapag tungkol sa kanilang dalawa ang pinag-uusapan. Parang parati itong defensive. At mainit ang ulo. Bumangon siyang lumilipad ang isip patungkol dito. Kung hinintay lamang siya nitong magising, malamang ay magso-sorry siya kahit sa palagay niya ay wala naman siyang kasalanan. Ang ikinaiinis niya pa ay ang patalikod nitong paghiga sa kama nila kagabi at pagtatalukbong ng

