“Breakfast in bed, wifey.” Napatawa si Maxx sa deklarasyon ni Enzo. Alin sa dalawa ang sinasabi nitong breakfast in bed, ang bitbit nitong tray na naglalaman ng fried rice, bacon, ham, and sunny side up o ang sarili nito? Fresh na fresh ang itsura ni Enzo kaya ang yummy na tingnan. Pwede bang both na lang ang piliin niya? Inilapag ni Enzo ang tray sa bedside table bago siya kinintalan ng madiin ngunit mabilis na halik sa labi. “Huwag ka munang mag-office. Let’s spend our day together. Mamasyal tayo sa park o kaya ay manood ng sine.”hiling nito. Umupo ito sa gilid niya. Napangiti siya ng ilagay nito sa gilid ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok niya na nakasabog sa kanyang pisngi. Enzo is sweet. Totoong sweet ito sana nga lang ay totoon

