"The Baby Maker"
By: "Ms. Alejos"
PAGKA-ALIS ni Nicole sa salon na yun ay agad din namang inasikaso nang baklang nag-asist kay Nicole si Cathy.
"Naku girl dapat di nyo pinapatulan si Donya Nicole, eh buntis yun tagilid kayo pagnagkasabunutan.." malanding wika nang bakla kay Cathy..
"Anong sinabi mo buntis si Nicole?" ulit muli ni Cathy..
"Oo girl. Mahirap makipagrambulan sa buntis, kapag nadisgrasya walang pyansa anu ka ba.." muling wika ng bakla na kumukumpas pa ang daliri.. Nagkatinginan naman ang magkaibigang Sandy at Cathy sa tinuran nang bakla..
"Ang walang-hiya talagang itinuloy ang pagbubuntis, ang kapal nang apog nya, sige ituloy nya mas maganda yon, nang malakas ang ebedensya ko laban sa kanya, sa kanilang dalawa nang aking asawa.. Hintayin lang nila ang pagkilos ko.." galit na wika ni cathy, tumaas naman ang kilay nG bakla nang marinig ang sinabi nitu..
Matapos ang salon section ni Nicole, sa bahay naman agad sya tumuloy, lulan nang taxi na kanyang kinuha.. Plano nyang magmall sana kaya lang nawala na sya sa kundisyon gawa ni Cathy. Sa ibang araw nalang, para mailibot naman nya ang kanyang Inang at Tatang.. Pinagbuksan sya ni Rosa nang gate..
"Ma'am nandyan po si sir Archie sa loob hinihintay kayo.." bungad naman nitu..
"Oke sige, salamat."
"Ganda po nang kulay nang buhok nyo ah, mas lalo nyan maiinlove sainyo si sir.." pambobola naman ni Rosa sa amo..
"Naku alam ko na yan, malamng magpapaalam ka magday-off., style mo talaga.." nakangiti namang tugon ni Cathy..
"Basang-basa nyo ma'am ah.. Pero gando po talaga, pakulay din akong ganyan.." si Rosa..
Pagpasok ni Nicole, naabutan nya ang kanyang Tatang, Inang at si Archie na nagkukwentuhan sa malawak na sala.
"Bakit dika nagpasundo? Sana tinawagan mo nalang ako.." wika ni Archie nang makita ang dalaga..
"Pupunta sana ako nang mall kaya lang medyo tinamad na ako.. Kaya umuwi nalang ako.. Napadalaw ka..?" tanong ni Nicole..
"May nakuha na akong school na pwede kang mag home study tungkol sa bussnes.. At affordable ang payments alam kung kuripot ka kaya yun na ang kinuha ko.." nakatawang wika ni Archie..
"Talaga salamat.." tugon naman ni Nicole..
"Pero kailangan mong magparegistered mismong sa eskwelahan.. Tapos pupuntahan ka nalang nang prof. Dito.." paliwanag naman ni Archie. Tumango naman si Nicole tanda nang pagsang-ayon..
Habang nagpapalipas nang-oras nagtungo naman ang dalawa pinagawang mini resthouse sa gilid nang malaking bahay, pinagawa ni Archie iyon, di ganoon kalaki iyon, kapag gustong matulog ni Archie doon sya sa kanyang maliit na dampa tumatambay, sa tapat noon may mga maliliit na upuan at swing.. Nang makaupo na sila at nakapag-solo marahang lumapit si Archie kay Nicole. Kinakausap nitu ang nasa loob nang kanyang tyan.
"Hi baby.. Ako ang daddy mo kumsta ka dyan?" mahinang wika ni Archie..
"Okey naman sya. Alaga sya nang mommy eh.." tugon naman ni Nicole..
Ganitu na sila madalas maglambingan, ngunit walang naglalakas nang loob na magtanong kung anu na ang estado nang kanilang relasyon. Nicole feels something special para kay Archie, pero nanaig parin ang pagiging dalagang pilipina nya, kaya naman di sya nagsasalita, but if Archie ask about this things alam naman na ni Nicole ang kanyang isasagot sa lalaki..
"Anu pala ang itatayo mong negosyo?" tanong ni Archie dito..
"Gusto ko magkaroon nang frunchiese nang isang fast food chain.. Or magkaroon nang isang restauran.." sagot naman ni Nicole..
"Well maganda yang nasa isip mo, good luck.. Mauna na akong babati sa'yo Donya Nicole.." nakangiting tugon ni Archie..
Isa eto sa nagustuhan ni Nicole kay Archie, palagi etong nasa likod nya at di sya pinapabayaan, nakakapanghinayang at pinakawalan lang ni Cathy eto. Sayang si Nicole ang nanghihinayang para sa relasyon nang dalaw, kaya lang unti-unti na nyang nakikilala ang tunay na kinilala nyang mabait na amo noon..
--------
Gaya nang nakagawian ni Nicole, lumabas sya para bumili ng cheese cake.. Nahihilig syang kumain nitu, lulan nang isang taksi tanging ang sadya nya ay ang makabili nang white cheese cake. Di naman sinasadya sa di kalayuan kuna saan bumubili si Nicole ay natanaw sya ni Cathy. Nang paalis na ang dalaga ay matamn nya etong sinundan..
Araw nang linggo kaya wala ang dalawa nyang kasambahay nagpaalam eto na magsisimba sa maliit na chapel sa loob din nang subdivison nila, pagbalik ni Nicole nagpalit sya nang kanyang bisteda.. Isang ordinaryong damit plano nya maglinis nang silid nya, bago kumain nang binili.. Napansin nyang puno nang basura nya kaya itinapon nya muna iyon sa labas.
Samantalang nang mga oras na yon nag-aabang lang si Cathy sa labas lihim na nagmamatyag at tinitingnan ang bawat kilos ni Nicole. Natawa sya nang makita ang dalaga na may hawak na basura at nakasuot nang di nya mawari na damit marahil nang nanay nitu..
"Napakalakas nang loob mo na kalabanin ako, isa kalang naman palang katulong sa bahay.." lihim na nagdiriwang ang kalooban ni Cathy.
Pero labis syang nasasaktan ang makita nitung lumalaki na ang tyan ngunit di naman nya nakikita na magkasama ang dalawa sina Archie at Nicole. Ngunit desidido syang sampahan eto nang kaso oras na makakuha sya nang ebedinsya, kaya naman pinasusubaybayan din nya eto sa kinuha nyang tao.. Pagkaalis ni Cathy sya namang dating nang dalawang kasambahay ni Nicole galing magsimba.
"Si ma'am Nicole suot nanaman ang paborito nyang damit, kapag naglilinis.." puna ni Lina nang makita ang kanyang amo..
"Malamig kase eto isuot, bihis na kayo at yung isa eh tulungan ako sa kwarto nang makapaglinis ako...." nakangiti namang sagot nitu..
"Naku anak magpahinga kana nga lang at kami na ang gagawa nyan mamaya maabutan ka pa ng asawa mo, nagpapagod ka nanaman.." agaw naman nang Inang ni Nicole.
"Inang naman asawa talaga.. Maya marinig kayo ni Archie eh, nakakahiya.." tugon naman ni Nicole..
"Naku ikaw na bata ka, eh saan ba pupunta yaan eh di doon din.." tugon naman nang Inang nya..
Lumapit naman si Nicole sa Ina at niyakap eto..
"Inang sorry po ha, kase di man lang aki kinasal bagu nabuntis.. Nahihiya po ako sainyo kase puno naman kayo nang pangaral pero eto parin nangyari sa'kin" mangiyak-ngiyak na wika ni Nicole..
"Anak ang mahalaga alam mo ang pagkakamali mo, mahal na mahal ka namin nang Tatang mo, at kagaya mo, isang regalo ang pagkakaroon nang sanggol.. Kaya saludo ako sayo at, pinangatawanan mo iyan.." tugon naman muli nang inang ni Nicole..
"Salamat Inang mahal na mahal ko rin po kayo ni Tatang.." sabay yakap at halik sa ina, nilapitan din ni Nicole ang ama na
nakaupo at hinagkan eto..
-------
Araw nang Lunes at kahit may pasok si Archie, sinamahan talag nya sa check-up si Nicole. Sya pa mismo ang sumundo dito para sa pag-punta sa personal ob-gyne nitu..
"Sir Archie dapat talaga bumili na ako nang sasakyan para di naman kayo naabala kung kailangan kung umalis.." tila naman nahihiya nitung bukas nanaman nang usapan tungkol sa sasakyan.
"Oh sya.. Tutal pera mo naman yan at ayaw kitang pigilan, pero kukuha ako nang driver ayokong ikaw ang magmamaneho.. Mahirap na.." tugon naman nang binata..
"Okey sige.. Ang ganda naman nang set nang pearl na eto.. San ba to sir Archie?!" sabay pakita sa hawak na dyaro nitu..
"Oooyyy!! Maganda dyan pwede kang pumunta para maixpose ka rin sa mga socialized, auction yan, maganda umaatend ka sa mga ganyan para sa papasukin mong negosyo, nang sa ganun unti-unti kang makikilala.." pag-iing ganyo ni Archie kay Nicole..
"Ibig sa bihin bid sya sir Archie yung pataasan nang persyo, tapos kung sinu mataas ang offer sya ang makakakuha?" tanong ni Nicole..
"Oo ganun nga.. Tsaka pwede ba tigilan mo ang kakatawag sa'kin nang sir Archie.." tugon naman ni Archie..
"Ayoko pumunta, magsasayang lang ako nang pera doon.. Pero gusto ko sana tong pearl natu ang ganda sir Archie eh.." wika ni Nicole..
"Pwede ka naman manood lang, umattend ka para sa negosyong papasukin mo kahit dika sumali sa bid nila, manood kalang pwede naman yun.. Isa mo pang tawag nang sir Archie hahalikan kita sa labi makikita mo.." nakangiting wika ni Archie dito..
"Okey sige tingnan ko sir..." hindi na naituloy ni Nicole ang sasabihin pagdakay isang halik sa labi ang binigay nang lalaki dito.. Tinugon naman yun ni Nicole..
Nakaredlight kanina kaya may oras na nakapagtukaan sila sa loob nang sasakyan, busina nang nasa likurang sasakyan ang pumukaw sa mainit nilang halikan, nagkatawanan pa ang dalawa nakita nilang naka green light na pala..
"Sa susunod na marinig ko pa ang tawag mo sa'kin sir Archie di lang yan ang kaparusahan mo.." sabay kindat pa ni Archie dito..
"Parusa ba yon? Kung ganun ang parusa na ipapataw mo sa'kin i'll always call you sir Archie.." tila naghahamon namon ang dalaga, ngunit natutup din nya agad ang kanyang bibig sabay pinamulahan nang mukha.. She can't imagine kung bakit nya nasabi iyon..
"Ahhhaa! You're starting to be a noughty girl huh.. I like that sometimes.." nakangiting wika ni Archie.. At sabay na sila nagkatawanan sa kanilang biruan..
Pagdating nila sa St. Joseph hospital, agad na tinungo ang personal ob-gyne ni Nicole nang dalawa. Magkahawak pa sila nang kamay nang makasalubong nila ni Sandy. Nagulat si Sandy sa nakita nya lalo na't kitang-kita nya ang sweetness nang dalawang nilalang. Inaalalayan pa ni Archie si Nicole habang naglalakad na tila isang pasyente. Di naman pinansin nang dalawa ang presensya ni Sandy bagkus nagtuloy sila sa kanilang pakay.
Matapos ang ultrasound at makitang maayos ang bata, niresitahan nang vitamins si Nicole para sa kanilang mag-ina.. Masaya namang binili agad yun ni Archie.. Pagkatapos ay tinanong nya si Nicole kung may gusto etong bilhin..
"Bukas half-day lang ako sasamahan kita sa bibilhin mong sasakyan, ako na bahala sa driver maghanap.. Kung pupunta ka sa auction sa makalawa sasamahan na rin kita bumili nang isusuot mong damit. You need to dress well para sa auction, pumunta ka doon para sa exposure.." muling himok ni Archie kay Nicole..
"Okey sige na nga, susubukan ko dumalo sa mga ganyang event.. Para matutu din ako.." wika naman ni Nicole.. Ngiti lang ang tinugon ni Archie at hinatid na nitu ang sa malaking bahay si Nicole.
-------
Kinabukasan maagang dumating si Archie doon narin eto nag-agahan sa bahay nina Nicole. Sabay-sabay silang nag-agahan pati ang mga magulang ni Nicole. Wala naman na problema sa mga eto dahil nangako naman si Archie na pagkapanganak ni Nicole magpapakasal silang dalawa. Kahit dipa sya nanliligaw sa dalaga..
Isang company nang kilalang sasakyan ang ang kanilang pinuntahan at agad naman na may nagustuhan si Nicole, si Archie lang ang tagakilatis nitu at ang lalaki ang bahala sa lahat nang papers para mag-ayos dito.. Dahil di naman agad makukuha ang sasakyan nang araw na yun binilinan na ni Archie si Nicole na sya ang maghahatid dito sa auction kinabukasan nang gabi..
"Ipalinis mo yung kwarto nang driver kina Rosa at Lina, at sana makakuha din agad tayo nang tagamaneho.." wika ni Archie..
"Okey sige." tugon naman ni Nicole..
"Sa weekend isasama kita sa bahay para makilala ka nina Mama at Papa." pormal na sabi ni Archie.
"Ha!? Eh kase di ba ang alam nila asawa mo si Cathy, baka kase.." di namab matapos tapos ni Nicole ang sasabihin ni Nicole.
"Nobya ko lang si Cathy noon, yun ang alam nila, isa pa kung alam nilang kinasal ako di sana hahanapin nila ang asawa ko lalo't sa bahay naku nakatira uli.." paliwanag ni Archie dahil mukhang ayaw ni Nicole na sumama dito..
"Sige titingnan ko.." muli nyang tugon.
"Wag mong tingnan, final na yun sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa'kin sa weekend.." seryosong sagot ni Archie, kaya sina rin umimik pa si Nicole.
Pagkatapos na tumingin nang sasakyan gaya nang plano, nagpunta naman ang dalawa sa mall para bumili nang damit na isusuot ni Nicole sa auction. Samantala sa mall kung nasaan sina Nicole at Archie nandoon din ang magkaibigang Sandy at Cathy sa paborito nilang kapehan.
"Sure ka ba na nakita mo silang magkasama kahapon?" tanong ni Cathy..
"Oo nga friend. Kukuhanan ko sana nang picture kaya lang, di naman pwede.." si Sandy..
"Hayaan mo na, ang tao ko nalang ang bahala sa mga ebednsyang kailangan ko.. Sya nga pala bukas samahan mo ako sa isang auction, gusto ko yung pearl na i-auction nila, para sa collection ko sa jewelry shop..
"Okey sige, sunduin mo nalang ako, sira ang sasakyan ko.." tugon naman ni Sandy..
"Okey sige. Sana makuha ko ang bid na yun galing pa kase nang France ang pearl na yun at galing sa isang reyna.. Kaya interesado akong makuha, at tyak mas lalong makikilala ang aking shop.." himig nang isang determinadong mambibili ang boses ni Cathy..
"Sure naman na makukuha mo yun eh.. Ikaw pa.." pag-sang-ayon pa ni Sandy sa kaibigan..
Isang black long gown tube silk satin ang kinuha ni Nicole mula sa carimadon, tinirnuhan eto nang sandals na 2" at isang clutch bag para sa kanyang long gown. May taste naman sya sa pagpili pagdating sa damit kaya naman nang isukat yun ni Nicole at nakita ni Archie tila ba isa nga etong galing sa alta sosyal na malalaking tao sa lipunan, para bang hindi rin eto buntis gawa nang kanyang damit simple ang tabas at yari ngunit napaka elegante nitu.. Kaya eto narin ang pinakuha ni Archie sa dalaga..
-------
THE AUCTION NIGHT..
Napakaganda nang ayos ni Nicole nang gabing iyon simpleng make-up at itinaas nya ang alon-alon nyang buhol akala may star award syang pupuntahan. Nangiti naman si Archie nang makita eto.
"Bagay na bagay sayo, napakaganda mo tonight.." bulong nitu sa dalaga..
"Salamat.." wika naman ni Nicole..
Matapos magpaalam sa magulang, hinatid naman ni Archie eto, sa lobby nang hotel makikita ang malaking nakabalandra nang auction na iyon..
"Mag-enjoy ka mamaya susunduin kita, pupuntahan ko muna ang isa kung kaibigan may pag-uusapan lang kami..
"Sige. Ingat ka rin.." paalala naman ni Nicole.
Binigyana ng isang halik sa pisnge ni Archie ang dalaga at umali narin eto. Pagpasok nya nang lobby may nakita syang buffe nang pagkain. Hinati eto sa dalawa mukhang ang kabilang side ay doon gaganapin ang auction nagtungo sya doon at, nag-in sa isang lamaking guest book, pagkatapos ay binigyan sya nang number 75 iyon.. Ibig sabihin may mga tao narin sa loob nang auction hall.
Pagpasok nya palang nakita nya ang isang lalaki na nasa harapan nitu ang isang kwadradong tila mababsaging salamin at nakalagay ang set nang pearl doon.. Nagsasalita eto mukang pinapakilala ang pearl at kung saan nang galing eto. Habang naghahanap sya nang mauupuan, nakikinig naman sya sa sinasabi nitu ayaw nya maupo sa unahan kaya mas pinili nyang sa likuran nalang maupo. Lahat disente ang mga damit nang nandoon, ganito yung mga nakikita nya sa isang pilikula kapag dumadalo ang mga mayayaman sa isang bid auction.. Narinig nyang sinabi nang host na magsisimula ang bid sa halagang 200 thousand..
"Anu ba yan napakamahal naman pala.." bulong ni Nicole sa sarili.. Natawa pa sya sa kanyang sinabi..
"200 thousand pesos.." unang bid nang isang matandang babae na halos kulay pula na ang pisnge sa blush-on na gamit nitu..
"250 thousand.."sagot naman nang isang lalaki na nakasalamin, naka amerikana din eto.. Natawa nalang si Nicole anu bang gagawin nila sa pearl na yan, aba pang negosyo na nya ang 250 thousand ah..[umandar nanaman ang pagkakuripot]
"350 thousand pesos.." tugon naman nang isang babae na nakalong gown nang kulay pula. Kilala ni Nicole ang boses na yun.. Si Cathy..
"350 thousand para sa number 20, anyone else who can bit the bid? Kung wala na mapupunta eto kay Ms. Number 20.." wika ng host..
Tumayo si Nicole at pinakita ang kanyang number.
"400 thousand pesos.." tugon naman ni Nicole. Dahil nasa likuran sya halos lahat ay lumingon kung saan nangagaling ang boses nang last bidder.
Nagulat ang magkaibigang Sandy at Cathy nang mapagsinu ang bidder na iyon..
"For number 75 wearing the black gown 450 thousand, anyone who can bit the bid? Or it goes to Ms. Number 75..? Tanong muli nang host..
"500 thousand pesos.." nakangiting banat pa ni Cathy na tila isang kontrabida sa isang pilikula, sabay tingin nang masama kay Nicole. Natawa naman si Nicole.
"600 thousand pesos.." muling sagot ni Nicole, nakatingin lang sya sa host at di nya tinatapunan nang tingin si Cathy. Samantalang si Cathy mas lalong nanggagalaite sa dati nyang empleyada..
"Kalukuhan na makakapagbayad yan nang ganyang halaga Sandy, isa lamang syang katulong ngayon at baka mas mababa pa ang sahod nya kumpara sa binibigay kung sahod noon.." bulong ni Cathy kay Sandy.. Kaya naman humirit muli si Cathy sa bid.
"700 thousand pesos..." di pa man tapos ni Cathy ang kanyang sasabihin, nagsalita na agad si Nicole..
"900 thousand pesos para sa set nang pearl na nasa harapan nyo.." muling sigaw ni Nicole.. Napanga-nga naman si Sandy dito. Kung tutuusin iba nga ang dating ngayon ni Nicole mula sa damit na suot nitu talaga namang mamahalin din. Hindi na humirit pang muli si Cathy, negosyante sya at alam nyang wala nang bibili nang set nang pearl na yun nang ganung halaga. Maliban nalang kung isa kang nangungulikta nitu..
"900 thousand para sa last bid, at mukang wala nang maghahamon pa.. Kaya Ms. Number 75 the set is yours.." pag-a-anounce ng host sa auction.
Sinadya ni Nicole na dumaan sa harapan nila Cathy, doon naman inabot nang host ang set nang white pearl..
"Mukang alam ko na ang papasukin kung negosyo ngayon.." isang matamis na ngiti at pagpaparinig ni Nicole kina Cathy ang binigay ni Nicole, inalalayan naman sya nang host sa isang tabi marahil para sa payment niyon ang ibang guest na nasa harapan ay kinamayan si Nicole maging ang host. Samantalang si Cathy ay panay lamang ang tapon nang masasamang tingin kay Nicole. Gusto nya etong sugurin at sabunutan, ngunit nasa harapan sya nang maraming tao ayaw nyang masira ang reputasyon at pagkakakilala sakanya sa lipunang kanyang ginagalawan..
---Itutuloy---