"The Baby Maker"
By : "Ms. Alejos"
NAPAKASAYA ni Nicole nang makita nya ang galit sa mukha ni Cathy, halos di naman nakapagsalita si Sandy.. Ngunit nang hihinayang sya sa pera..
"Kapag umiral talaga ang pagiging maldita walang pupuntahan, kagaya sa nangyari sa'kin now.." kausap ni Nicole ang sarili habang hinihintay si Archie. Nakuha nya ang bid ngunit kailangan nya eto balikan kinabukasan una dahil wala syang dalang pera o kahit checked book man lang..
Makalipas ang halos sampung minutong paghihintay ni Nicole, dumating narin sa wakas si Archie. Kaya tumayo naman sa kinauupuan si Nicole.. Sa di kalayuan nakamasid naman si Cathy nang makita nyang dumating si Archie, agad eto lumapit sa dalawa..
"Talagang sinasagad mo ang galit ko Archie, pinangatawanan mo na talaga ang babaeng eto.!!" galit na galit na wika ni Cathy sabay tulak kay Nicole napabalandra si Nicole sa sasakyan ni Archie.. Napadaing naman agad si Nicole sa sakit niyon di nya naagapan ang gagawin ni Cathy.. Nang makita ni Archie si Nicole na tila nasaktan eto hinarap nitu si Cathy.
"Sa susunod na kantiin mo si Nicole ako ang makakalaban mo Cathy, kaya tigilan mo sya!" galit at sabay duro nang daliri ni Archie sa babae..
"Walang hiya ka talaga Archie, tandaan nyo ang mga pinag-gagawa nyo, dahil kapag ako ang naningil sisiguraduhin kung magmamarka sainyo yun!" sigaw ni Cathy kay Archie..
Agad naman na dinaluhan ni Archie ang si Nicole, payakap na inalalayan sa sasakyan kaya di nakita ni Archie ang ngiting nakakainsulto na binigay ni Nicole kay Cathy.. Nang makasakay na ang dalawa ay kumaway pa si Nicole kay Cathy at nginitian eto na tila nang-iinis..
"May-araw karin Nicole tandaan mo yan..!"sabay balibag ni Cathy nang sandals na suot sa sasakyan ni Archie..
"Okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Archie nang nasa loob na sila nang sasakyan..
"Oo okey lang ako, salamat sa pagtatanggol mo sa'kin sa asawa mo kuno.." naiinis namang sagot ni Nicole..
"Oh ba't ganyan ang itsura mo, don't tell me nagseselos ka.. Sa'yo na po ako, sa'yong sa'yo.." nakangiting sagot ni Archie..
"Hindi yon, pinilit mo kase akong pumunta dun sa auction na yun, eh nainis ako sa dati mong asawa ang yabang-yabang ayun nakipag pataasan tuloy ako, umabot nang higit kalahating milyon ang bid nang pearl na yon.. Anung gagawin ko dun, napakamahal naman nun.." reklamo ni Nicole..
"Hahahahahaha... So you mean sumali ka sa bidding at malamang nanghihinayang ka sa pera na na-i-bid mo sa auction.." malakas ang tawa ni Archie, alam nyang may pagkakuripot talaga eto.. At talagang nanghihinayang sa pera na gagastusin lalo na kung sa walang kabuluhan lamang..
"Natatawa ka pa namomoroblema na nga ako, kailangan ko pang makuha yun bukas tapos magbibigay ako nang 600 thousand.. Oh! My God!.." bulalas ni Nicole..
"Midnight snack muna tayo, kumain ka ba dun? Sagot ko wag ka alala dahil nalagasan ka nang higit kalahating milyon.."nakangitng wika ni Archie sabay halik sa tyan nitu.. Nagpatianod naman si Nicole..
Habang kumakain napagkwentuhan nila ang mga alahas ni Donya Lara..
"I have a good idea, mapapagkakitaan mo pa ang mga alahas na nakatabi nang yumaong si Donya Lara.. Bakit di mo sya ilagay sa isang Musseum, alam mo ang mga mayayaman mahilg sa mga antic gold, at mawiwili sila, kung di mo gusto ang mga alahas pwede mo palagyan nang presyo iyon sa isang nagsusuri nang mga alahas, at bawat visit nila sa musseum kikita ka.." mungkahi ni Archie..
"Naisip ko nga iyon.. Sige gagawin ko iyon bast tulungan mo ako ha.." pagsang-ayon naman ni Nicole..
"No problem. Maniningil ako sa payment ko ah.." sabay kindat naman ni Archie dito..
"Basta wag lang masyadong mahal.." nakangiting sagot naman ni Nicole..
"Hahahaha.. I don't need money, you could pay for me in other way.." sabay bigay nang makahulugang ngiti sa dalaga..
Pagkatapos nilang kumain sa labas, hinatid naman ni Archie si Nicole..
"Dito ka ba matutulog?" tanong nang dalaaga..
"Kung gusto mo ba eh? Di pagbibigyan kita.." si Archie..
"Di mo talaga ako titigilan ha.. Sige na umuwi kana.. Ingat ka" sabay kaway ni Nicole dito..
"Wala bang good night kiss?" tila teen ager namang tanong ni Archie..
"Bukas nalang.." nakangiting tugon ni Nicole. Saka isinara ang gate. Kumaway nalang si Archie at binigyan eto nang isang flying kiss.
-------
Sa pagkawala ni Donya Lara, nagbago naman nang tuluyan ang buhay ni Nicole Punzalan. Ang dating simple ngayon ay nakaupo nalang, ngunit lahat nang yaman ay nauubos kaya kailangan din nya gawan nang paraan ang iniwan ni Donya Lara para sa kanya, hindi pa nya napupuntahan ang lupaing iniwan sakanya. Unti-unting isinagawa ang planong magtayo nang sarili negosyo.. At sa pamamagitan ni Archie unti-unti nangyayari ang kanyang mga pangarap..
Habang nagiging maayos ang buhay ni Nicole isang tao naman ang patuloy sa pagkainggit at napupuno na nang galit ang kanyang puso si Cathy..
"Kompleto na ba tong mga larawang pinakuha ko sa'yo?" tanong ni Cathy sa inutusan nyang tao.
"Oo kumpleto na yan ma'am.. Kaya lang hindi ho sila nakatira sa iisang bahay, dumadalaw lamang ang inyong asawa sa bahay kung saan nakatira si Nicole. Pero ma'am sigurado ba kayong katulong lamang sya doon? Kase ang isang katulong na tinanong ko ang sabi amo nya ang Nicole Punzalan na nandoon.." paliwanag nang tao ni Cathy..
"Imposible yon, nakita ko syang nagtatapon nang basura noon, at alam ko ang pinanggalingan nang babeng iyon, ang alam ko mahirap pa sya sa daga.." tugon naman ni Cathy..
"Sige ho.. Ayan kumpleto na ho lahat yang mga kailangan nyong ebedensya, kayo nalang ho ang kumuha nang marrige contract nyo.." sabay paalam nitu kay Cathy..
Matapos maisaayos ang pagbubukas nang minie museum ni Nicole, nagkaroon nang advirtisement sa dyaro para sa openeng nitu, dahil grand opening lahat ang unang araw ay masisilayan ang lahat nang alahas na nakadisplay sa LARA MUSSEUM.. Nang makita naman ni Cathy ang advisement na iyon maging sya ay naging enteresado sa mga hiyas na collection nang musseum na iyon..
Lahat nang alahas na naka-display sa musseum ay may pangalan, taon kung kelan eto ginawa, at bansa nang pinanggalingan nang mga eto at may halagang nakalagay din kung magkano ang presyo nitu sa kasalukuyan, magaling ang nakuha nilang taga-suri nang alahas kaya naman lahat ay detalyado sa mga naka-display mula sa mga alahas ni Donya Lara.. Ang lahat nang eto ay katulong si Archie sa pag-aayos nang papel para maging legal ang lahat ayaw nyang magkaroon nang problema si Nicole sa huli..
Isang buwan bago ang kabuwanan ni Nicole nagpasya silang buksan ang LARA MUSSEUM، nang sa ganoon kahit papaano ay masusubaybayan pa eto ni Nicole pansamantala bago sya manganak.. Kaya naman ingat din sya sa pagkilos kagaya nang sinabi ni Archie kinuha nga sya nang driver nitu..
"Parang kinakabahan ako ah.." wika ni Nicole sa kinuha nyang tagapamahala.
"Ma'am ganoon po talaga kapag nagbubukas nang isang negosyo, tyak na kakabahan kayo, pero wag na kayo kabahan nandyan na ang hero nyo oh.." nguso pa ni Ellen kay Archie.. Natanaw naman eto ni Nicole may dala etong bulaklak..
"Hi.. Para sa future na matagumpay na isang negosyante.." sabay abot nang bulaklak dito at halik sa pisnge..
"Salamat Chie.." tugon ni Nicole..
Isang misa ang tinapos pagkatapos ay cut nang red ribbon, saka binasbasan ang buong loob nang musseum.. Dalawang security guard ang nasa labas na nakadistino at isa naman sa loob.. Marami ang dumating sa grand opening na yun, kaya naman nasiyahan din si Nicole.
"Magpapaalam na muna ako, may trabaho pa kase, sinadya lang kita para batiin." wika ni Archie..
"Okey sige salamat, ingat ka tawagan nalang kita mamaya.." tugon naman ni Nicole..
"Wag kang masyadong magpapagod ha.." paalala pa nitu bago tuluyang namaalam..
Pagsapit nang bandang hapon mas dumami at dumagsa ang mga taong nakiusyoso sa mga alahas na nakalagay sa mini musseum ni Nicole. Ang akala nya ay makakauwi sya, pansamantalang nagpahinga sya sa opisina nang musseum nya. May mga tao naman sya kaya di sya nangangamba, dahil ang mga eto ay halos may karanasan narin sa ganitung hanap buhay. Nang makapagpahinga sya at makumusta ang magulang sa bahay ay, nag-ayos naman sya nang kanyang sarili at muling lumabas.. Para magmatyag sa mga bisita..
Ngunit talaga nga namang napakamapagbiro nang tadhana kase kung minsan kung sino pa ang iniiwasan mong tao na makakasalubong sya pang palagi mong makikita. Papalabas sya nang opis nang makita nya ang Magkaibigang Sandy at Cathy na tinitingnan ang isang emerald stone na galing pa nang italia.. Babalik nalang sana sya nang opisina nang tawagin naman sya ni Ellen..
"Ma'am okey na po ba kayo, baka kailangan nyo pang magpahinga, kaya naman po namin.." wika nitu..
"Okey naman na ako medyo maayos na nang konte. Salamat.." tugon naman ni Nicole.. Agad na nagpaalam eto para asikasuhin pa ang ibang dumarating..
"Wow.. Nandito ka rin? Mukang kinakarer mo na ang mapasabak sa altasosyalan ha.." wika ni Cathy..
"Wala akong panahon na makipag-usap sa'yo kaya pwede lumayo ka sa'kin!" galit ngunit mahina ang boses ni Nicole. Ayaw nyang makaagaw pansin sa mga naroroon..
"Aba! At bakit pag-aari mo ba eto at pinalalayas mo kami..!?" inis naman na tanong ni Cathy muli..
"Guard!! Guard!! [tawag ni Nicole, sabay lapit nang security] pakilabas ang dalawang babaeng eto, nanggugulo sila dito..!" utos ni Nicole..
"Aba't hoy babae, tigilan mo ako sa kadramahan mo. Kumita na yan.. itsura nitu akala mong may ari nang museum kung magsalita!" parinig pa ni Sandy..
"Sige na guard, ayoko nang gulo, palabasin mo yan bago pa magkagulo dito.." mahinang wika muli ni Nicole..
"Yes ma'am.." tugon naman nang guardya.. Sabay hawak sa braso nang dalawa.
"bitawan mo nga ako, tawagin nyo ang manager nitu at, wala karing modo kang guardya.. Isusumbong kita sa may-ari nitu, isa akong cliente!" sigaw ni Cathy, napalingon naman ang ilang nandoon.
"Ma'am sumusunod lang ako sa utos nang may-ari nitu, ayokong mawalan nang trabaho.. Kaya pwede ho ba lumabas nalang kayo nang maayos.." mahina namang tugon nang guardya. Imbis na lumabas..
Pppaakk..
Isang sampal ang pinakawalan ni Cathy sa guardya mas lalong di nagustuhan ni Nicole ang ginawa nitu sa tauhan nya kaya sininyasan nya ang dalawa pang guardya sa labas, agad naman na pumasok ang mga eto, at tinulungan kaladkarin palabas sina Cathy at Sandy..
"Bitawan nyo nga kami.. Tawagin nyo ang Manger dito..!" hirit pa ni Cathy..
"Ayy sira ho pala ang toktok nyo.. Manager pa ang hanap nyo, eh yung may-ari na nga ang nagpapalayas sainyo eh.." tugon naman nang isang security guard..
Nang makalabas na nang museum ang dalawa muling nagtanong si Sandy sa guardya..
"sigurado ho ba kayong sya ang may-ari nang museum na yan? Tanong nitu..
"Opo ma'am sya nanga po wala nang iba.." nakangiti pa ang dalawang guardya at hinarangan muli ang pintuan..
Nasa loob na nang sasakyan ang dalawa, maging si Cathy, napapaisip eto. Naguguluhan sya, paanong si Nicole ang mag mamay-ari nang Museum na yon..
"Napaka imposible naman, maaring binigyan sya nang pera ni Archie kaya ganun.." pangungumbinsi ni Cathy sa sarili..
"Kaya nga noong auction nagtataka ako paano sya makakapagbayad nang ganoong halaga.." si Sandy..
Isang malaking katanungan para kay Cathy ang nagaganap at nangyari kay Nicole. Alam nyang di eto galing sa mayamang pamilya, at ayun narin sa kwentu nitu mahirap sila sa probinsya..
Kaya nagtataka sila kung paano naging mayaman at may pera eto. Ang alam nya lang lahat nang eto ay dahil kay Archie at hamak na may karapatan sya dahil sya ang asawa. Oras na para kumilos sya.
-------
Kagaya nang nauna nyang plano. Kumuha si Cathy nang marriage certificate nila, katunayan na sila ang mag-asawa ni Archie at handa na syang sampahan nang kaso ang asawa.. Halos ilang minuto din sya naghintay para sa resulta nang kanyang kinukuha iba talaga kapag may pera ka kase di ka na kailangan pang makipagsiksikan o pumila sa napakahabang pila sa N.S.O.. Nang iabot sakanya ang papel napakalapad nang ngiti ni Cathy, ngunit walang nakalagay sa papel na yun.. "NO CERTIFICATE OF MARRIAGE" malalaking letra na nagpagulintang sa kanyang pagkakangiti..
"Bakit ganitu ang lumabas?" tanung nya sa isang staff.
"Isa lang po ma'am ang ibig sabihin nyan di pa kayo kinakasal, wala pong record na kinasal kayo.." tugon pa nitu..
"That's impossible!! Ikinasal ako, at alam ko yun.." sagot naman ni Cathy..
"Ma'am ganito nalang po, punta po muna kayo sa munucipality kung saan kayo ikinasal kumuha muna kayo nag record, local record nyo o kaya i-cheked nyo kung naipasok, minsan po kase di naipapasa nang local ang mga record kaya nangyayari yan.." paliwanag pa nang staff..
"Shhiiittt!" napamura nalang si Cathy sa nakuhang resulta..
Pagkagaling nya sa N. S. O.. Umuwi sya nang bahay, sa pad ni Archie doon parin naman sya nakatira kahit na nang iwanan sya ng asawa.. Nakita pa nya ang malaking larawan nang kinasal sila, hindi sya nakasuot nang traje de buda, isang simpleng dress at polo long sleeve naman kay Archie.. Naalala nya ang kaibigan ni Archie eto ang isa saksi nang araw nang kasal nila papa din nitu ang nagkasal sa kanila i-dinial nya ang numero niyon makalipas ang ang ilang segindo ay sinagot naman nang nasa kabilang linya..
"Hello.. Who's on the line please..?!" tanong ni Art..
"Si Cathy to asawa ni Archie.. Art itatanong ko lang sa'yo yung tungkol sa kasal namin ni Archie I tyr to take the marriage contract pero walang lumabas na record, naipasok ba sa local registration nang daddy mo iyon?" mahinahon namang tanong nya..
"Huh? Still di pa ba nasasabi ni Archie sa'yo ang lahat..? Akala ko nasabi na nya sa'yo na di nya pinapasok sa registrar ang papel nang kasal nyo?" wika nitu..
"Anu? Ulitin mo nga ang sinabi mo? " tila naman nabinge si Cathy nang oras na yon..
"Fake ang kasal nyo ni Archie.. Hindi nya pinapasok yon sa registrar kaya wala ka talagang makukuhang record.." paglilinaw muli ni Art..
"You're joking right?" halos maiyak na si Cathy sa kanyang narinig..
"Well if you don't want to belive you could ask Archie.. I need to go now may trabaho pa ako.." pamamaalam naman nang kausap ni Cathy..
Nang maputol ang linya, muli nyang natanow ang larawan nila ni Archie. Punong-puno iyon nang pag-mamahal.. Napakasaya nila. Ang luha ay halos kumawala na sa kanyang mga mata, kinuha nya ang larawan at inihagis sa dingding nang unit nabasag iyon.. Nang lumabas ang papel nang larawan pinulot nya iyon at paulit-ulit na pinunit..
"I hate you Archie! I hate you! Bakit mo nagawa sa'kin to!" galit na galit si Cathy.. Lahat nang mahawak nya na bagay binabasag nya, nagwawala sya sa loob nang bahay, napuno na nang galit ang kanyang puso.. Kasabay nang pag-iyak ang mga binabasag nyang mga kasangkapan..
Puno nang paghihinagpis, galit ang kanyang kalooban. Sigaw at iyak nya ang maririnig sa buong unit.. Halos mawasak ang kabahayan nang tigilan nya ang mga iyon.. Napaupo syang, nanghihina sa isang sulok, hawak-hawak ang ulo ang mga luha hindi parin maampat ayaw nitu tumigil sa pagpatak.. Nanlulumo sya, di nya akalain na magagawa eto ni Archie sa kanya..
------ITUTULOY------