C H A P T E R- #15

2402 Words
"The Baby Maker" By: "Ms. Alejos" NAPUNO man nang galit at poot ang puso ni Cathy nakahanda parin syang harapin si Archie at tanungin sa katotohanan, karapatan at gusto nyang marinig mula sa bibig nito ang katotohanan tungkol sa kanilang kasal. Napakasakit na malaman mong niloko ka pala nang taong pinagkatiwalaan mo, she do the same but she have a reason kung bakit sya nagsinungaling sa lalaki mahal nya eto, at ayaw nyang mawala kaya humanap sya nang babaeng pwede magbigay nang anak sa kanila, hindi para tuluyang lumayo ang minamahal. "Eto ba ang ganti mo sa ginawa ko Archie, pinagsisihan ko naman yon.." usal nya sa kanyang sarili sa gitna nang kanyang paghikbi.. Nasa ganoong ayos sya nang may magdoorbell sa kanilang pad. Sinilip ni Cathy iyon, isang security guard marahil tatanungin kung anong nangyari, di naman nya pinagbuksan iyon at kinusap lang sa likod nangpintuan.. Pagkatapos ay nagpaalam din naman agad ang gwardya.. Sa ngayon gustuhin man nyang lumipat nang bahay, di naman pwede naibenta na nya ang kanyan condo unit dahi yon ang sabi ni Archie noon, but she want to leave now the pad of Archie.. Ayaw din nyang manatili pa doon, pagkatapos nyang kausapin ang lalaki. She want to live alone.. Nang mahimasmasan inayos nya ang kanyang sarili, kumuha nang maliit na bag at magtutungo sya sa bahay nina Sandy.. Kailangan nya na nang karamay ngayon.. Kailangan nya nang kausap at makakausap sa kanyang nararamdaman.. Habang nasa daan pilit nyang tinawagan si Archie ngunit di naman sinasagot nitu ang kanyang mga tawag kaya nagpasya nalang sya na pupuntahan eto sa opisina kinabukasa. Pagkatapos ay tinawagan nya si Valdo.. "Valdo gusto kung alamin mo ang lahat ng nangyayari kay Nicole paano at kung bakit sya nagkapera ngayon.." utos nitu sa kanyang tao. "Areglado ma'am" tugon naman nitu.. Dahil walang trabaho si Valdo agad naman syang kumilos sa utos ni Cathy, alam nyang magkakapera nanaman sya sa babae.. Bawt impormasyong kanyang binibigay ay malaking halaga ang kapalit nitu.. Kaya kapag eto na ang tumatawag sa'kanya agad sya kumikilos.. Pagdating ni Cathy sa bahay nang kaibigan agad naman nyang niyakap eto at umiyak sa balikat nitu, dinaluhan naman ni Sandy ang kaibigan.. Alam nyang wala etong karamay dahil nasa ibang bansa ang magulang kaya naman eto lamang ang kanyang takbuhan.. Pagkatapos ay pumasok sa silid ni Sandy at doon na isinalaysay ni Cathy ang kanyang mga nalaman.. "Mas maganda kausapin mo muna si Archie friend para malaman mo ang katotohanan.." mahinang payo naman ni Sandy. "I've tried to call many times but he not answered and pick-up the phone..." sagot naman ni Cathy.. "Kung sakaling totoo nga ang lahat, ano ang gagawin mo ngayon?" tanong muli ni Sandy.. "Kakausapin ko ang abogado ko sa mga pwede kung gawin.." sagot naman ni Cathy. Tumango nalang si Sandy, at dinamayan ang kaibigan sa pighati nitu.. Kinagabihan agad na nakipagkita si Cathy sa abogado para malaman ang kanyang gagawin.. Isinalaysay nya dito ang lahat.. "Atty. Anong dapat nating gawin sa kaso ko..?" tanong ni Cathy.. "Kung hawak mo ang papel nang pinirmahan nyo, at kung may mga witnesses na pwede nating makuha para magpapatunay na ikinasal kayo, at mga larawan narin nang araw na ikinasal kayo.. Magagamit natin ang mga iyon, at maari din natin sampahan ang hukom na nagkasal sainyo.. Ngunit kung wala kang lahat nang yon pwede parin natin kasuhan si Archie sa kasong pagsisinungaling sa'yo, pero mas maganda kung may mga ebedinsya tayo kagaya nang nauna kung sinabi lalo na't sinabi mong buntis na ang babae, pwede natin kasuhan silang dalawa pareho.." paliwanag nang abogado ni Cathy.. "Susubukan ko hong makuha ang mga iyon atty. Pero kakausapin ko muna si Archie, pina-unahan ko lang na makausap kayo ngayon.. Maraming salamat ho sa pagpapaunlak na makipagkita sa'kin, pero kung sakali atty. Is it possible na magsampa tayo nang case just for lying?" mahina namang wika at tanong ni Cathy.. "Yes. Possible. I would like to say something on behalf of lying. Some people believe that lying always wrong, but surely that is not true an all situations, and I would like to say which ones justify lying. There may be others I have thought of. I do think that lying is prima facie wrong, meaning the first presumption should be it is wrong to lie unless there some good reason that overrides that presumption. Other candidates for obvious cases are "SOCIAL LIES" OR "WHITE LIES" to spare people's feelings from being hurt for no good reason. In some cases they will also fall under one or two of principles below.Walang anuman yon.." muling tugon ni atty at paliwanag nitu. Pagkatapos na mag-usap ang dalawa ay kumain muna sila saka parehong nagpaalam. ------- Kinabukasan maagang gumayak si Cathy, pupuntahan nya si Archie sa opisina nitu, gusto nyang makausap eto nang maayos at masinsinan. Nagpaganda sya nang kanyang sarili.. Isinuot nya ang ang damit na hakab na halos sa kanyanyang katawan at nakikita na ang kalahati nang kanyang dibdib.. Bago naman pumasok si Archie maaga syang dumaan sa malaking bahay ni Nicole. Naabutan nya etong papaalis narin.. "Oh! Muntik na pala akong malate ah.. Goodmorning mommy.. Good morning baby.." sabay himas nitu sa tyan ni Nicole.. "Papasok kana?" tanong ni Nicole.. "Opo mommy, dumaan lang ako, para makita ka pampaswerte.. Ikaw ba dika nahihirapan sa trabaho mo..? Wag kanalang muna kaya magbukas nang jewelry shop pokus kanalang muna sa museum mo.." nag-aalala namang boses ni Archie.. "Kaya ko naman Daddy eh.. Inaalagaan ko ang baby mo wag ka alala okey..?" si Nicole.. "Okey sige.. Ingat kayo ha.. Mang Bernie ingat sa pagmamaneho" paalala at baling ni Archie sa driver ni Nicole.. Tumango naman ang di naman katandaang driver ni Nicole.. Pagkatapos hinalikan sa pisnge si Nicole ay sumakay na silang pareho sa kani-kanilang sasakyan.. Masayang pumasok si Archie sa kanyang opisina, sinalubong naman sya nang kanyang personal secretary. "Good morning! Kumusta ang maganda kung secretary?" nakangiting tanong ni Archie.. "Okey lang sir.. May bisita po kayo sa loob, nagpumilit na pumasok wala na po akong nagawa.." pagbibigay impormasyon naman nang dalaga. Pumasok si Archie sa kanyang opisina, pagbukas nya nang pintuan nakita nyang nakaupo si Cathy sa kanyang swivel chair.. Nang makita sya ni Cathy agad na tumayo eto at napakatamis nang ngiting binigay kay Archie, pagkatapos ay yumakap eto sa lalaki, marahang kinawit ang dalawang kamay sa leeg ni Archie na syang naging dahilan nang pagtaas nang sout nitong damit at halos lumitaw na ang panloob na kasuotan nitu sa parteng baba. Hinalikan ni Cathy lalaki at marahang hinawakan ang kamay nitu at inilapat sa kanyang makinis at mapuputing hita.. "I missed you so much sweetee.." bulong ni Cathy dito sabay halik muli nang napakainit sa mga labi ni Archie. Marahan namang tinanggal ni Archie ang mga kamay nitu mula sa leeg at binawi ang isa nyang kamay na pilit na isinisiksik ni Cathy sa mga dibdib nitu.. "Stop it! Cathy.. Anong kailangan mo at nandito ka?" tanong naman ni Archie, habang lumalayo sya ay humabol naman si Cathy niyakap sya nitu mula sa likuran. At ang mga kamay ay marahang hinahaplos ang dibdib ni Archie pagdakay pinasok nitu ang mga kamay sa loob nang suot nitung pantalon, muntik nang mapasigaw si Archie nang dakmain ni Cathy iyon at marahang hinahaplos ang kanyang pag-aari.. "Sobrang miss na kita sweetee at alam kung namimis mo din ako, the that I drive you crazy ang mga haplos ko sa'yo," turan ni Cathy sa mahinang boses na tila nang-aakit. Muling inalis ni Archie ang palad ni Cathy sa loob nang kanyang pantalon at hinarap si Cathy, agad namang yumakap eto kay Archie.. "Mahal na mahal kita Archie, I am still you're wife bumalik kana, okey na sa'kin na magkakaanak ka, kahit na gawin mo pang pangalawa lang ako tatanggapin ko, kahit ako nalang ang magiging kabit tatangapin ko bumalik kalang! Diko kayang mabuhay nang wala ka.. Please nakikiusap ako sa'yo balikan mo na ako.." umiiyak na si Cathy sa harapan ni Archie, at paluhod etong nakikiusap sa binata habang hawak ang isang hita nitu.. Itinayo naman eto ni Archie.. "Makinig ka Cathy. Mahal kita, minahal kita at totoo iyon, ngunit kung nasaan man ako ngayon ikaw ang tumulak sa'kin papalayo sayo, para matutunan kang kalimutan at ibaling sa iba ang pagmamahal ko sa'yo.. Siguro panahon na para malamn mo ang katotohanan, hindi ko pinapasok ang kasal natin, at hindi tayo mag-asawa. Gusto kung humingi nang tawad, wala akong intensyon na gawin yon ang sa'kin, ipapagpapaliban ko muna nang ilang buwan sana, ang kaso gumawa ka nang bagay na tuluyang nagpabago nang aking nararamdaman sa'yo. At sana maka move-on kana.." wika ni Archie at marahang inilayo si Cathy sakanya. Ppaakkk!! Malakas na sampal ang pinadapo ni Cathy kay Archie. "Kung makakabawas din yan sa ginawa ko, tangap ko ang sampal na yan Cathy, maari kanang umalis ngayon.." mahinahon namang wika ni Archie.. Agad namang na muling yumakap si Cathy kay Archie.. "I'm sorry, please comeback to me Archie.. Kahit gawin mo akong kabit, kahit gawin mo akong pangalawa ayos lang sa'kin.. Mahal na mahal kita.." basang-basa na nang luha ang mga mata ni Cathy, ang kanyang eye liner ay kumalat narin sa kanyang pisnge. Nahabag naman si Archie sa itsura nang dati nyang kasintahan, ngunit mas mainam na ang ganito kesa maglihim pa sya nang kanyang nararamdaman. Halos maglumuhod na eto kay Archie para lang bumalik ang lalaki ngunit naging matigas ang loob nang lalaki.. Alam nyang di sya titigilan ni Cathy, kaya naman sya nalang muna ang lumabas nang kanyang opisina at iniwan eto. Ibinilin nya sa kanyang secretarya na tingnan ang kanyang opisina. At tawagan sya kapag nakaalis na eto.. Nagpunta muna si Archie sa mini museum ni Nicole alam nyang nandoon ngayon eto, dahil mamaya pa ang meeting nitu para sa site nang titingnang lugar sa jewelry shop.. Ang akala ni Cathy ay pupunta lang si Archie sa meeting room kaya naman sandaling naghintay sya ngunit wala nang bumalik na Archie kaya naman makalipas ang kalahating oras umalis narin sya sa opisina nitu.. ------- "Kumusta ang pakalkal ko sa'yo Valdo?" tanong ni Cathy dito, tinawagan nya eto dahil di na sya makapaghintay nang sagot sa kanyang mga katanungan. "Ma'am kompermado ho, doon nga nakatira si Nicole Punzalan sa malaking bahay, at ayon sa natanong kung katulong si Nicole ang namamahala sa mga naiwan nang may-ari nang bahay na'yun, nangibang bansa daw kase ang amo nitu. Pero yung mga magulang ni Nicole doon narin nakatira. Ibig sabihin ho, inampon nang amo nya ang buong pamilya ni Nicole.. Donya Lara po ang pangalan nang may-ari nang bahay na yon.." pagbibigay nang impormasyon ni Valdo. Base sa sinabi nang kasambahay ni Nicole. "Kung ganun sampid lamang sya doon, Valdo may ipapatrabaho ako sa'yo, titriplehin ko ang kabayarang nakukuha mo sa'kin. Makipagkita ka sa'kin ngayong gabi at sasabihin ko sa'yo lahat nang detalye.." wika naman ni Cathy.. "Areglado ma'am.." sagot ni Valdo na wala namang paglagyan nang tuwa ang kanyang nararamdaman.. Tiba-tiba nanaman sya pagnagkataon.. "Anu kaya ang ipapagawa noon at triple na ang kabayaran..?" katanungan namang nasa isip ni Valdo.. Kinagabihan nakipagkita nga si Valdo kay Cathy, at pinag-usapan nilang mabuti ang planong gagawin. Noong una ay di pumayag si Valdo ngunit nang sinabi nitong kalahating milyon ang kabayaran agad namang napa-oo si Valdo. Bago naghiwalay ang dalawa nilinaw pa ni Cathy na kailangang hindi eto sasablay sa trabahong iyon. Agad na kumuha nang isa pang makakasama si Valdo kailangan nya nang back-up mahirap na. Sa laki nang pera na makukuha nila tyak na makakakuha agad sya nang kasama. Dahil nagmatyag na sya dati sa bahay na iyon kaya kahit papano kabisado na nya ang galaw nang mga tao sa malaking bahay, alam na nya kung anong oras lumalabas ang mag-anak at tangging kasambahay lamang ang matitira sa loob.. Gaya nang gustong mangyari ni Cathy, ginawa nila ang trabaho nagbubukang liway-way at araw nang Linggo iyon. Pasado alas dose nang madaling araw nang makarinig si Nicole nang tahol nang aso, aso nang kapit bahay nila iyon. Tila may tao kaya siguro tumatahol eto. Di naman sya mapakali medyo sumasakit ang kanyang tyan, kaya bumangon sya at nagtungo sa Kusina para uminom nang gatas. Di sya mapakali parang humilab ang kanyang tyan at sumasakit iyon. Sandaling sumilip sya sa bintana at tinanaw ang labas. Wala naman syang nakitang ta. Nang oras na yon muntik naman nang mahuli sina Valdo ni Nicole nang sumilip eto sa bintana buti nalang at agad silang nakapagtago sa gilid nang sasakyang nakaparada. Binalik ni Nicole ang kurtinang kanina ay kanyang hinawi. At bumalik sa pagtulog, samantalang ang dalawang anino sa labas ay patuloy sa ginagawa nang mga eto, habang aso ay ayaw naman tumigil sa pagkahol nitu. Makalipas ang halos isang oras ay tumigil din ang aso sa pagkahol, wala narin sina Valdo sa malaking bahay.. Dahil araw nang Linggo nakasanayan na nila na magsimba nang maaga. Ang Inang at Tatang ni Nicole kasama sya. Umaga sila nagsisimba dahil ang mga kasambahay ang magsisimba naman pagdating nang hapon kaya ang mga eto lang ang maiiwan sa malaking bahay hanggang sa matapos ang misa. Paalis na ang mag-anak nang tumawag si Archie kay Nicole.. "Hello Mommy good morning, malapit naku, sabay nalang tayo punta nang church ha.. Sina Inang at Tatang nalang ang pahatid mo kay mang Bernie.." wika ni Archie.. "Naku Daddy masakit nga tyan ko, kaya nag-aapura ako na magsimba, pero sige na dalian mo lang ha.." tugon naman ni Nicole.. Kaya pinauna nalang ni Nicole ang Inang at Tatang nya, at susunod nalang sila ni Archie sa simbahan. Maagang- maaga ay tinawagan naman ni Valdo si Cathy. "Ma'am ayos na ang lahat ilang oras lang at, matatapos na ang problema nyo.." wika ni Valdo at tumawa eto nang tila isang demonyo.. "Sabi ko sa'yo Nicole akin parin ang huling halakhak, sa'kin parin babagsak si Archie.. ha! Ha! Ha!" tawa ni Cathy na tila isang kontrabida sa teleserye.. Plantsado ang lahat at may tiwala sya sa trabaho ni Valdo. Kaya kailangan nyang magdiwang, ginising nya si Sandy at inayang mag-tose sila ng hawak na kopita nang alak. "Napakasaya mo naman ata friend, kaaga-aga eh ang ganda nang ngiti mo.." puna naman ni Sandy.. "It's simple malapit nang bumalik sa'kin si Archie kaya masaya ako Sandy.." wika naman ni Cathy.. Sa narinig ni Sandy talagang masaya sya para sa kaibigan nya, yon naman talaga ang gusto nya ang maging masaya eto.. -------ITUTULOY-------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD