"The Baby Maker"
By: "Ms. Alejos"
Makalipas ang halos sampung minutong paghihintay agad namang dumating si Archie..
"God! Daddy uugatin na ang binti ko kakahintay sa'yo ah.." reklamo ni Nicole.
"Mommy sampung mituto palang ang nakalipas mula nang tumawag ako ah, tsaka bat kase nakatayo ka, dika naupo.. Para yung ugat sa pwet.." biro ni Archie dito.. Sumimangot naman si Nicole dito..
"Asus alam ko na yan.. Isang kiss lang ang katapat nya.. Mmmwaahh..." bigay halik sa labi ni Archie..
"Ganon kiss lang talaga?.." ingos pa nang labi ni Nicole..
"Pwede Mommy more than kiss kaya lang kabuwanan mo na, baka mahirapan ka.." sabay kindat ni Archie.. Hinampas naman sya ni Nicole sa balikat..
"Kung anu-anung iniisip mo, umalis na tayo at baka dipa natin maabutan ang misa.." sita naman ni Nicole..
Agad na pinaandar muli ni Archie ang sasakyan at nagtungo sila sa simbahan. Samantalang si Nicole eh di naman talaga mapakali sa kanyang tyan, panay ang himas nya dito.
"Something wrong Mommy?" tanong Ni Archie..
"Don't know Daddy, kanina pa to parang humihilab eh, medyo masakit pero kaya ko naman.." tugon naman ni Nicole..
"Kapag di mo kaya, sabihin mo kaagad ha, para madala kita sa ospital.." sagot naman ni Archie at tumango naman si Nicole..
Ilang minuto pa ay narating din nila ang simbaha. Dahil halos puno na ay medyo nahirapan pang magparke nang sasakyan si Archie. Natanaw naman ni Nicole sa di kalayuan ang sasakyan nila. Malayo ang pinagparkehan nitu medyo, pareho na silang huli, kaya nakipark nalang si Archie sa labas nang isang bahay malapit sa simbahan.
Nag-uumpisa na ang misa nang pumasok sina Archie at Nicole, pareho nalang sila nakatayo, wala nang bakanteng upuan samantalang ang mga magulang ni Nicole namataan naman nyang nakaupo pa kahit papaano.. Kinawayan sya nang kanyang ina para maupo eto, nagunit tinanggihan naman nya.. Nasa Gospell pagpasok nila kaya nakinig na muna sila sa sermon nang pari..
Matapos ang misa.. Nilapitan naman ni Nicole ang mga magulang para batiin eto nagmano sya at niyakap ang mga magulang nagmano rin naman si Archie kahit di naman talaga nya nakasanayan na magmano sa mga katandaan o nakakatanda. Pagkatapos sabay-sabay na silang lumabas.. Hinatid naman ni Nicole ang mga magulang nya sa sasakyan..
"Mang Bernie may problema ba kanina kapa parang may hinahanap ah.." bati naman ni Nicole sa tagamaneho..
"Parang may naririnig kase akong, tunog nang orasan yung pag lakad nang mga galamay nang orasan, kanina ko pa hinahanap wala naman.." tugon naman ni Mang Bernie..
"Ganun ho ba ? Hayaan nyo na muna kapag may deperensya dalhin nalang natin sa casa yan.." tugon naman ni Nicole.
"Inang, Tatang bibili lang kami ni Archie nang bibingka, uwi di agad kami mauna na ho kayo ni Tatang sa bahay ha.." paalam ni Nicole sa magulang. At kumaway sa mga eto, kumaway din ang tatang at Inang nya sabay sabing mag-ingat sila ni Archie..
Pagkatapos ay nagtungo na sya sasakyan ni Archie, naghihintay narin ang lalaki, bago sya tuluyang pumasok nang loob kumaway muli sya sa kanyang magulang, gumanti naman nang kaway ang kanyang Inang at tumango lang ang kanyang Tatang.. Pagkasara at pagkaupo nya sa upuan nang sasakyan, kasabay niyon ang narinig nilang malakas na pagsabog, maging sila ay niyanig nang pagsabog na yon..
"IIIIINNNNNAAAANNNNGGGG!! TTTAAATTTAAANNNGGG!!" palahaw na sigaw ni Nicole nang matanaw ang sasakyan na kinalalagyan nang magulang, eto ang sumabog at napapalibutan na eto nang apoy..
"Ssshhhiiittt..." naibulalas nalang nalang ni Archie. Nag-aapurang bumaba si Nicole para daluhan ang mga magulang, ngunit mas mabilis ang kamay ni Archie na hinawakan sya para pigilan.
"Inang!! Tatang!! " sigaw nya at umiiyak na sya, hanggang sa makaramdam nang mas matinding sakit nang tyan si Nicole. Namimilipit sya nakita ni Archie na tila may tubig na malapot na lumalandas sa mga hita ni Nicole.. Kaya agad nyang inalalayan eto at pinasok sa sasakyan, nag-aapurang dinala sa Ospital.
Humahagulhol si Nicole sa nangyari plus ang sakit nang kanyang tyan butil-butil ang pawis nitu nang makita ni Archie.. Sa pinakamalapit na Ospital nya dinala si Nicole, agad silang dinaluhan ng staff sa emergency room. Patuloy parin sa pag-iyak si Nicole. Doble ang sakit na nararamdaman nya.
Pinakalma naman nang mga nurse si Nicole, samantalang si Archie agad na tinawagan ang kaibigan nitong isang agent para malaman ang nangyari sa mga magulang ni Nicole. Nanlulumo din sya sa kanyang nakita, ang pagsabog nang sasakyan. Di nila alam ang dahilan noon. Bago lamang ang sasakyan kaya imposibleng sa makina ang dahilan nitu at hindi ganun dapat kalakas na masusunog nang buo iyon. Natataranta sya, nanganganak si Nicole at iniisip nya ang mga magulang nitu. Napakabilis nang mga pangyayari..
Normal delivery parin si Nicole, nakayanan naman nya ilabas ang bata nang dina kailangan pang macesarian.. Mabuti nalang at agad naisugod ni Archie ang nobya, isang malusog na sanggol na lalaki ang isinilang nya. Nang mailabas ang bata ay agad ding nakatulog si Nicole, gaya nang napagkasunduan nilang pangalan papangalanan nila etong NICK PUNZALAN VILLABERDE. Napakasaya ni Archie nang makita ang kanyang anak, ngunit nalulungkot sya para kay Nicole sa nangyari sa magulang nitu.
-------
Habang nakatulog si Nicole si Archie naman ang nag-asikaso nang bangkay nang Inang, Tatang ni Nicole at ni Mang Bernie. Hindi na halos makilala ang mga eto nasunog ang buong katawan nang mga eto.
Nang araw ding iyon habang nag-aalmusal si Cathy, napanood nya sa telebisyon ang isang News flash report sa nangyaring pagsabog nang sasakyan. At tatlo ang nasawi sa pagsabog niyun. Nang sabihin nang reporter na habang nasa bingit nang kamatayan ang tatlo ang anak naman umano nito'y nasa ospital at agad na isinugod dahil sa panganganak.. Nagbago ang masayang mukha ni Cathy.
"s**t! Nakaligtas ka pa Nicole, bakit dika nasamang namatay sa mga magulang mo..!" galit na bulalas nitu, di nya namalayang nasa likuran nya si Sandy at nanonood din nang balita at narinig nitu ang sinabi nang kaibigan. Di makapaniwala si Sandy na magagawa nitung pumatay na nang tao. Napakarami na nyang nadamay batay pa sa balita ang driver ay may apat na anak at tanging ang ama ang inaasahan nang mga eto.
"Hi friend.. Anong pinapanood mo?" kunwa ay tanong ni Sandy na animoy wala syang narinig at napanood. Agad naman nilipat ni Cathy sa isang fashion show chanel ang telebisyon..
"Ah wala naman friend, naghahanap nang magandang movie.." pagsisinungaling ni Cathy..
Nang sagutin sya ni Cathy nang kasinungalingan dito nya nakita na mukhang plano talaga nitung ilihim ang lahat sakanya. Natatakot sya ngayon sa kaibigan, hanggang saan ang kaya nitung gawin alang-alang sa pag-ibig? Kung nagawa nitu iyon kina Nicole maaring sya kapag kumontra ay mangyari din ang sinapit nang mga eto.
Hawak-hawak ni Archie ang kamay nang nobya marahan nyang hinihimas iyon, alam nya kung gaano nitu kamahal ang mga magulang ni Nicole. Nasa morgue na ang bangkay nang magulang nang kabiyak at si Nicole nalang ang magpapasya kung anu ang gusto nitu, samantalang ang bangkay ni Mang Bernie ay agad din nyang pinahatid sa funeraraing kanyang kinuha. Kahit na maibigay pa nila ang insurance ni Mang Bernie napakalaking kawalan nang isang padre de pamilya. Di pa sya humaharap sa pamilya nang huli. Ilang sandali pa marahang minumulat ni Nicole ang kanyang mga mata, nagigising na eto..
"Daddy kumusta ang baby natin?" mahinang tanong ni Nicole..
"Okey naman sya Mommy." nakangiti man si Archie ngunit alam nyang ang kasunod na itatanong nitu ay ang magulang..
"Ang Inang, si Tatang kumusta sila?" muli ngang tanong ni Nicole. Hinimas naman ni Archie ang kamay nang dalaga st pinisil iyon.
"Wala na sila Nicole, isang bomba ang sumabog, ayon sa pulis time bomd eto.. Ang di nila alam pa sa ngayon kung sinadya ba yon ilagay sa sasakyan, o ang plano ay pasabugin ang lugar nang simbahan.." paliwanag ni Archie. Sa narinig na sinabi nitu, muling lumuha si Nicole. Napaiyak sya sa nangyari, kanina lang kasama pa nya ang mga eto, at isang iglap nawala nalang nang ganun. Kuyom ang mga palad at pinipigil ang kanyang galit sa sinu mang gumawa nitu sa kanila..
Ang buong araw ni Nicole sa ospital ay puno nang hinagpis at kalungkutan, masaya sya dahil nailabas nya ang isang buhay nang araw na yun ngunit tatlo naman ang binawi sakanya nang langit.. Kagustuhan nga ba nang langit ang nangyari? Maaring hindi dahil tao ang gumawa nitu. Dahil kailangan syang kuhanan nang pahayag nang pulis, nagpaunlak naman sya sa mga eto.
Kasabay nang pagbibigay nya nang kanyang salaysay, nanawagan sya sa media at handa sya magbigay nang malaking pabuya kung sino man ang makakapagturo nang may kagagawan nang lahat, nang pagkamatay nang kanyang mga magulang. Umaasa syang sa kanyang gagawin kahit papano magkaroon nang katarungan ang pagkamatay nang magulang.
Dalawang araw lang si Nicole sa ospital at nagpumilit na lumabas narin, dahil sa pagkawala nang tatang nya ang nurse nitu ang pansamantalang nag-aalaga sa kanyang anak. Wala naman silang hinihintay na kamag-anak pa. Kaya nagpasya si Nicole agad ding ilibing ang mga magulang sa museleo nina Donya Lara doon din nya ipapalibing ang kanyang Inang at Tatang. Dumating ang mga magulang ni Archie nang araw nang libing nang Inang at Tatang ni Nicole.
Napakaswerte nya kay Archie dahil walang oras na hindi eto nakaalalay sakanya, palagi sya nitung pinapalakas, binibigyan nang lakas. Bukod sa mga tauhan sa museum at magulang ni Archie at ilang kaibigan wala nang dumating pa para sa araw nang libing nang kanyang Inang at Tatang..
Matapos ang libing nang kanyang Inang at Tatang ang sinunod naman dalawin nina Nicole at Archie ay ang burol ni Mang Bernie. Nag-abot din sila nang halagang magagamit nang pamilya nitu alam nilang walang katumbas ang na salapi ang buhay nang driver, ngunit para eto sa naiwang anak para may panimula ang mga eto.. Maging ang pamilya ay labis din ang pighati at dalamhati nang pagkawala nang nag-iisang padre de pamilya nila.
Usad pagong ang kaso nina Nicole, mukang malabong maresolba ang kaso. Sa pagdaan nang araw malungkot man si Nicole sa pagkawala nang mga magulang, napapasaya naman sya nang kanyang munting anghel. Kakaiba pala ang saya kapag hawak mo na ang sanggol na dinala mo sa loob nang syam na buwan. Naisip tuloy ni Nicole marahil di rin nya makakayanan kung dumating yung time na kukunin eto ni Cathy sakanya.
-------
Kung labis ang saya nina Nicole at Archie kasama nang mga magulang nang lalaki sa pagdating kanila ni Baby Nick. Doble ang lungot ni Cathy, di sya nagtagumpay na mapatay si Nicole, nalaman din nya na nagsilang eto nang isang sanggol na lalaki. Sa bawat araw na dumadaan sakanya mas nagiging miserable ang buhay nya, palagi syang laman nang bar at unti-unting napapabayaan ang kanyang sariling negosyo..
Habang nalulunod si Cathy sa alak at pati droga ay sinubukan nitu para makalimot. Ang konsensya naman ni Sandy panay ang sundot nitu gabi-gabi. Samantalang dahil usad pagong ang kaso mas lalo pang tinaasan ni Nicole ang perang gantimpala sa sinu mang makakapagturo sa salarin sa pagkamatay nang kanyang magulang.
Dalawang Linggo ang mabilis na lumipas mula nang mawala ang Inang at Tatang ni Nicole. Kahit saan man sya naroon kasama naman nya ang anak, kapag nasa museum sya sinasama din nya ang taga bantay nitu, dahil nagiging abala sya sa pagbukas nang isang Jewlry shop kaya mas pinili nyang kahit paano ay isama nalang ang anak para di naman nya namimis eto masyado tutal may taga hawak naman kung sakaling may trabaho sya.. Habang abala sya sa pakikipaglaro kay Baby Nick tumunog naman ang kanyang cellphone..
"Hello. Pwede kay Nicole Punzalan?" bungad agad nang lalaking tumawag.
"Yes. Speaking. Sino at anu ang kailangan nila?" mahinang tanong naman ni Nicole.
"Kayo ang may kailangan sa'kin. Tungkol eto sa pagkamatay nang mga magulang mo, may impormasyon ako kung sino sila.." wika nang lalaking kausap nya..
"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?" nagulat man agad ding nagtanong si Nicole.
"Oo naman. Ipapadala ko sa'yo ang mga kailangan mong ebedensya, kaliwaan tayo, ibibigay mo sa'kin ang pababuyang isang milyon." derechan pa na sagot nang lalaki.
"Teka hindi ganoon kadali ang hinihinge mo, kailangan ko munang malaman na tama nga impormasyong ibibigay mo maging ang sinasabi mong ebedensya." si Nicole.
"Walang problema, ibibigay ko sa'yo ang mga taong gumawa noon at kapag nakuha ko na ang pera sasabihin ko sa'yo kung sino ang kanilang pinuno, ang nag-utos na gawin ang lahat." paliwanag pa nang lalaki. Nakipagkasundo naman agad si Nicole dito.. Ngunit kailangan nya munang sabihin eto kay Archie.
Matapos na makipagkasundo sa lalaking estranghero at matapos ang pag-uusap nila. Agad naman nyang tinawagan si Archie at ibinalita ang natanggap nyang tawag. Nagulat man sa balitang natanggap, nagpasya namang puntahan agad ni Archie ang kanyang mag-ina. Nasa loob sya nang elevator nang makatanggap nang tawag. Si Sandy iyon, mahina ang signal sa loob nang elevator kaya di nya sinagot ang tawag nang kaibigan nang dating nobya. Tatawagan nalang nya eto kapag may panahon na sya.
Nasa loob na sya nang sasakyan nang muling tumunog ang ang cellphone ni Archie. Si Sandy ang nasa kabilang linya., sinagot na iyon ni Archie sa pangalawang pagkakataong tumawag ang babae.
"Yes Sandy.." sagot ni Archie,
"Pwede ba kitang makausap nang personal" tanung nitu..
"Tungkol saan?" tanong ni Archie..
"Tungkol sa mga magulang ni Nicole. Gusto kung sabihin ang nalalman ko, diko na rin kaya binabagabag ako nang aking kunsensya.." wika ni Sandy.
Nawerduhan man si Archie sa sinasabi ni Sandy, inuna nya etong puntahan bago ang kanyang mag-ina. Kailangan nyang marinig at malaman ang sinasabi nitung nalalaman nya tungkol sa pagkawala nang Inang at Tatang ni Nicole..
--------ITUTULOY-------