"The Baby Maker"
By: "Ms. Alejos"
Isang park malapit sa bahay nina Sandy ang pinuntahan ni Archie dito makikipagkita sa kanya ang dalaga. Sa labas nang park nya lang pinarke ang kanyang sasakyan. Bumaba sya nang sasakyan at pumasok sa main gate nang park, hinanap nagpalinga-linga sya at hinanap ang babaeng katagpo.. Nakita nyang nakaupo eto sa isang maliit na pahingahan nang park. Lumapit sya dito. Nang makita naman ni Sandy ang lalaki ay agad din naman nyang inanyayahan ang lalaki na pumasok. Nang makaupo na si Archie dina eto nagpaligoy-ligoy pa sa kanyang sadya.
"Ano bang sinasabi mo sa'kin?" agad na tanong ni Archie.
"Gaya nga nang sinabi ko tungkol sa pagkamatay nang magulang ni Nicole. Si Cathy sya ang may kagagawan nang lahat, kumuha sya nang tao para gawin iyon." derechahang sagot ni Sandy.
"Paano ka naman nakaksiguro? May ebedensya ka ba na sya talaga ang gumawa?" muling tanong ni Archie.
"Narinig ko nang araw na, nabalitang sumabog ang sasakyan nina Nicole. Galit na galit sya dahil di namatay si Nicole, pagkatapos nun may kausap syang nagngangalang Valdo. Yon ang gumawa, at sinabi nya dito na kailangan mamatay si Nicole, at magbabayad syang muli.." wika ni Sandy..
"Bakit Sandy? Bakit nya nagawa ang ganitu? Hindi naman sya ganitu dati? Nagagawa na nyang pumapatay para lang sa pansarili nyang interes.. Damn it Sandy! Kapag may nangyari kay Nicole ako mismo ang maghahatid sa kanyang kulungan..!" galit na wika ni Archie..
"Kaya nga ako nakipagkita sa'yo, dahil baka kung anu pa ang susunod nyang gawin, pag-ingatin mo nalang si Nicole." sagot muli ni Sandy..
"Maraming salamat. Kung may malalaman kapang ibang impormasyon, wag kang magdadalawang isip na sabihin yon sa'kin.." pahabol pa ni Archie..
Nakipagkamay naman si Sandy kay Archie. At naghiwalay na sila sa labas nang parke, nagmaneho si Archie papuntang museum at umuwi naman si Sandy nang kanilang tahanan. Halos kinse minutos din nya tinakbo ang eto mula sa Park malapit sa bahay nina Sandy at sa museum nang nobya. Sabik na sabik syang makita si Nick. Pagbungad nya palang sa museum sinaluduhan na agad sya nang dalawang guardya, sa opisina sya nagtuloy. Nang makita naman nang nurse na dumating si Archie agad naman eto lumabas para mabigyan nang pagkakataon na makapagsolo ang mga eto..
"Kumusta ka Mommy? Kumusta kayo ni Nick..?" tanong ni Archie at binigyan naman nya nang halik sa labi ang kasintahan, sabay karga kay baby Nick..
"Okey naman Daddy.. Kumusta ang trabaho mo?" ganting tanong ni Nicole.
"Ayos lang, kumain kana?" muling tanong ni Archie..
"Nagpadeliver na ako nang pagkain, dito kana rin kumain.." anyaya naman ni Nicole..
"Sige Mommy, medyo gutom nadin ako, anu nga pala yung sinasabi mong may tumawag sa'yo?" tanong muli ni Archie..
"May tumawag sa'king lalaki, alam daw nya kung sino ang gumawa nang pagsabog ng sasakyan, willing sya ibigay lahat ng information kapalit nang isang milyon na pabuya, ipinaalam ko muna sa'yo since isa sa kaibigan mo ang may hawak nang kaso.." umpisa naman nang usapan nila ni Archie..
"Anong plano mo ngayon?" tanong naman ni Archie..
"Still I don't know, basta ang alam ko lang gusto kung magkaroon nang hustisya ang pagkamatay ng Inang at Tatang, para din naman matahimik din sila.." malungkot naman na sagot ni Nicole.
"Ako rin, at ayoko rin namang mapapahamak pa kayo nang anak ko.." tugon naman ni Archie..
"Palagi kang nag-aalala sa anak mo, okey na sya at wala naman sigurong taong mananakit sakanya pa.." inis naman na sagot ni Nicole.
"Oh ba't ganyan ang itsura mo? Natural lang na mag-alala ako kay baby Nick.." sagot naman ni Archie..
Mas lalong nainis naman si Nicole, pakiramdam nya Archie only wants Nick at hindi sya, sabagay di nga nya alam kung anu nga ba talaga ang estado nila. They treat with each other na mahalaga at tila magnobyo sila, planning to get married pero kahit minsan di nya narinig dito na mahal sya nitu. Para kay Nicole maaring dahil lamang sa bata, but she love him now, alam ni Nicole sa kanyang sarili yon, napakalaki na nang puwang sa puso nya si Archie. Pero di nya alam ang tunay na nararamdaman nitu para sa kanys, but she felt she was special for him, marahil dahil kay Nick.. Nanahimik nalang si Nicole, isa pa wala syang karapatang magtanong dito, dahil di naman nanligaw eto sa kanya. Matapos na magsawa sa pagkarga kay Nick inilagay muli ni Archie sa kuna ang anak.
Makalipas ang ilang minuto dumating na nga ang inorder ni Nicole. Tinawag nya ang yaya ni Nick para kumain sila nang sabay-sabay. Alam nyang break time kaya maging si Ellen ay nagbreak din muna..
"Mommy anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ni Archie sa kalagitnaan nang pagkain nitu..
"May meeting ako nang 7 o'clock, iuuwi ko muna sina Nick, tapos i-meet ko yung kameeting ko.. About sa shop. kae may isusubasta daw na mga alahas ang isang shop, so pag-uusapan namin.." sagot naman ni Nicole. Simula nang makapanganak sya at kaya na nyang magdrive sya na ang nagmamaneho, isa pa wala na din si Mang Bernie..
"Okey. Sa bahay mo muna ako matutulog ha, lalo na ngayon, doon muna ako mag-stay.." wika ni Archie..
"Sige ikaw ang bahala.." tugon naman ni Nicole..
--------
Dahil naging abala sa pag-aasikaso nang bagong shop, nakalimutan pansamantala ni Nicole ang kaso nang mga magulang. Pinaubaya nya ang mga eto sa batas, may tiwala naman sya kay Archie at sa kaibigan nitu na di pababayaan ang kaso. Dahil kailangan nya nang mga bagong alahas sa jewelry shop, pansamantalang kukunin nya muna ang isusubastang mga alahas nang isang shop, ayon kay Ellen nalulugi na ang shop nang pinagtatrabahuhan nang isa nitung kaibigan kaya isusubasta ang lahat nang natitirang alahas sa shop interesado syang kunin o tingnan yon kaya makikipagkita sya sa manager nang shop, para makita ang mga design na isusubasta.
Pagdating nya sa lugar kung saan ang usapan nila nang kausap nandoon na eto, kaya naman doble ang pagmamadali ni Nicole sa paglalakad kasama din nya si Ellen nang gabing iyon.. Kilala na ni Ellen ang amo ayaw na ayaw nitung nalalate kaya siguaradong panay nanaman nitu ang sorry sa kameeting nya..
"Hi good evening Ms. Gutierrez right? Ms. Punzalan, and this is my asst. Manager Ellen. Pasensya kana medyo na huli kami.." agad na bungad ni Nicole at inabot ang kanyang palad, sabay naupo sila ni Ellen sa bakanteng upuan.
"It's okey ma'am Nicole, nagpapasalamat ako at mismong kayo ang nakiharap sa'kin.. I'm sure na magugustuhan nyo ang mga design nang mga alahas.." wika ni Ms. Guttierez, sabay abot nang isang catalogue dito..
Nang iabot ni Ms. Gutteriez ang catalogue nang mga design isa-isang binuksan iyon ni Nicole. Pamilyar sa kanya ang mga design na yon alam nya kung saan galing iyon. Kaya nagtanong sya dito.
"So anong name nang shop na panggagalingan nang mga isusubasta?" marahan nyang tanong.
"CACHIE JEWELRY SHOP ma'am Nicole" sagot naman ni Ms. Guttierez.. Di nga sya nagkamali nang sapantaha, kay Cathy eto.. Lately lang din nya nalaman na ang cahie ay pinagsamang name nina Cathy at Archie yon kase ang pinangalan ni Cathy sa shop..
"Oh! Bakit isasara na ba nya ang shop, I mean nang amo mo?" tanong ni Nicole.
"Medyo napapabayaan na ni Ma'am Cathy, halos wala narin pumapasok na pera, palagi nyang kinukuha, diko alam ang details nang pinagkakagastusan nya, basta nagdesesyon syang ebenta nalang lahat ang mga natitirang alahas sa shop.." paliwanag ni Ms. Guttierez..
"Oh.. Ganoon pala, well anyway Ms. Guttierez, kukunin ang lahat nang alahat na isusubasta, one package. Pero diq bibigyan nang price bawat isa, ang maisusugest ko, i-klase mo ang bawat alahas, then bawat karat titimbangin natin i'll give the price para sa karat not the individual design.. Ipaabot mo sa amo mo yon kung okey sakanya, but never mention my name, just mention the name of my Asst. Okey ba yon?" paliwanag ni Nicole.
"Well thats good idea ma'am, negosyante nga kayo.." tugon naman ni Ms. Guttierez.. Natawa naman sa tinuran nitu si Nicole.
Pagkatapos nang meeting nila, hinatid narin ni Nicole ang kanyang asst. Sa bahay nitu nagmagandang loob narin sya na ihatid eto. Matapos maihatid ang daan patungo naman sa kanyang bahay ang tinatahak nya, nasa Makati Aveneu na sya nang mapansin ang sasakyan ni Archie na nakapark sa isang kilalang restaurant, dala nang pagtataka ay huminto sya sa restaurant na yon, sa di kalayuan nakita nitu kung sino ang kausap at katagpo si Cathy. Mukang seryoso ang pinag-uusapan nang dalawa. Di na sya bumaba nang sasakyan. Tinawagan nya ang numero ni Archie.. Sinagot naman yon nang lalaki.
"Hello Daddy nasaan ka?" mahinang tanong ni Nicole..
"Ahm.. Mommy nasa bahay ako, may kinuha lang sandali pagkatapos nitu uwi narin ako.." pagsisinungaling ni Archie kay Nicole..
Nang magpaalamanan, agad ding umalis si Nicole. Umuwi sya nang punong-puno nang katanungan ang kanyang isipan, bakit nagsinungaling si Archie? Anong ibig sabihin nang pagkikita nila ni Cathy? Nagkabalikan na ba sila? Mga katanungan na di nya maiwasang di mag-isip nang masama kay Archie. Naiinis at galit sya sa lalaki.
Samantala sa loob nang Restaurant kung nasaan sina Cathy at Archie..
"Ang lahat nang nalalaman ko ay inilihim ko kay Nicole, ayokong dumating ang pagkakataon na mapuno nang galit ang puso nya at balikan ka nya Cathy, pero oras na malaman kung may gagawin kakananaman na kalokuhan ako mismo ang maghahatid sa'yo sa kulungan. Kinausap kita para paalalahanan at bantaan nadin.." galit na wika ni Archie kay Cathy at umalis eto nang walang paalam kay Cathy.
Tumawa naman nang malakas si Cathy na ikinalingon nang ibang kumakain na nandoon..
"Ulol wag mo akong bantaan Archie, mag-ingat ka rin baka yang tinatago mo ay maging dahilan kung bakit kakamuhian ka ni Nicole." pahabol pa ni Cathy, lumingon naman si Archie dito.. Ibang-iba na talaga eto sa Cathy na nakilala nya. Inilihim nya muna ang lahat para makapagsimula eto, binibigyan nya nang pagkakataong magbago eto.
---------
Pagdating sa bahay, naabutan ni Nicole na tulog ang kanyang anak. Kinumusta nya ang mga kasama sa bahay kung naghapunan na ang mga eto. Pagkatapos ay nagtungo sa kanyang silid at nagpalit nang kanyang damit, may sariling silid si Baby Nick pansamantalang kasama eto nang yaya kaya kapag gabi eto ang magkatabing natutulog, wala din syang ganang kumain nang hapunan pala isipan sakanya ang nakita kanina. Ini-lock ang kanyang silid at pinahinga ang pagal na katawan.
Pagdating ni Archie nagtataka naman sya at wala si Nicole sa sala, eh alam naman nitung doon sya matutulog, dati rati hinihintay sya nitu. Ang mag yaya lang ang naabutan nya sa sala at ang dalawang kasambahay na nanonood nang telebisyon habang nagdodotdot nang cellphone. Kumatok si Archie sa silid ni Nicole ngunit di naman nagbukas iyon, malamang napagod eto kaya nakatulog nang maaga. Nagtungo nalang sya sa nakalaang silid para sakanya para makapagpahinga narin..
Kinabukasan maagang umalis si Nicole. Di na muna nya sinama si baby Nick dahil alam nyang nandoon si Archie, para makita naman eto. Babalikan nalang nya ang anak pagdating nang tanghali. Sinadya nyang maaga umalis para di nya makita ang lalaki.
Pagkagising Ni Archie pinuntahan nya agad si Nick. Hinalikan ang anak at nagtungo sa dinning area, wala pa doon si Nicole.
"Lina nasaan na ang ma'am Nicole mo? Wala ba pasok yon.?" tanong nitu sabay higop nang kape.
"Kanina pa po umalis sir Archie.." tugon naman ni Lina..
"Aba! Kaaga naman umalis nun, ni hindi manlang nagpaalam sa'kin.." nakangiti namang wika ni Archie na walang kamalay-malay sa totoong dahilan nang pag-iwas ni Nicole..
Pagkatapos mag-agahan umalis din agad si Archie dadaan muna sya sa museum, dadaanan nya si Nicole bago sya pumasok nang kanyang opisina. Bumili muna sya nang bulaklak para sa ina nang kanyang anak. Habang binabay-bay ang daan papunta sa museum, si Nicole naman naghahanda na lumabas para puntahan ang site nang kanyang jewelry shop. Bibisitahin nya muna iyon, pagkatapos makikipagkita sya kay Guttierez. Papalabas na si Nicole nang museum nang habulin sya nang tawag nang isang guardya.
"Ma'am may nagpapabigay ho nyan kahapon, nakalimutan ko kase sa locker ko, pasensya na ho.." wika nitu, sabay aboy nang isang envelop kay Nicole.
"Sige salamay. Okey lang sige, kayo na muna ang bahala sito, pupunta ako sa site.." pamamaalam naman nya sa tauhan.
Halos sampung minuto ang nakaraan nang umalis si Nicole at sya namang pagdating ni Archie.
"Morning sir.. Kakaalis lang po ni Ma'am pupuntahan nya ata ang site nang shop.." wika naman nang gwardya..
"Ganoon ba? Pakibigay nalang eto pagbalik.." wika ni Archie, di na sya makakapunta nang shop dahil may meeting sya nang alas otso nang umaga. Kaya iniwan nalang nya ang bulaklak at tatawagan nalang nya eto..
Nasa loob si Nicole nang sasakyan nang buksan nya ang laman nang envelop na inabot sakanya nang guardya.. Mga larawan ang nasa loob niyon inisa-isa nya ang nasa loob nakita nya ang kanyang sasakyan doon nakalagay din kung saan ikinabit ang bomba, nasa ilalim eto nang sasakyan may larawan nang dalawang taong magkaharap na tila nag-uusap ngunit wala etong mga mukha, sinadyang putulin muna ang mga larawan nakita din nya ang araw kung kelan naganap ang trahedya, nakasakay na ang Inang at Tatang nya sa sasakyan. May mga oras sa larawan at petsa kung kelan eto kinuha. Napatutup sya sa kanyang bibig nang maalala muli ang mga pangyayari.
"Kung ganoon sinadya ang lahat, talagang may naglagay nang bonba sa sasakyan.." mahinang wika ni Nicole sa sarili..
Napaluha sya, wala syang alam na kaaway nang mga magulang nya, at wala din sila inaaping tao para gawin ang bagay na yon sa kanila. Agad nyang kinuha ang cellphone at hinanap ang numero nang lalaki na tumawag sakanya nang nakaraang araw, maaring alam talaga nitu ang lahat nang pangyayari. Maaring dahil dito ay malutas ang kaso nang kanyang mga magulang. Ngunit ang masaklap wala na sa kanyang phone iyon kaya naman di nya natawagan iyon. Pagkababa nya nang kanyang cellphone nakita nyang tumatawag si Archie hinayaan nya nalang muna yon galit sya dito dahil sa pagsisinungaling sakanya. Di nya sinagot ang tawag ni Archie, at nagtuloy lang sa kanyang pagmamaneho at pupuntahan. Habang umuusal nang dasal na sana ay tawagan sya nang lalaking nakausap nya nang nakaraang araw.
----------ITUTULOY----------