C H A P T E R- #18

2072 Words
"The Baby Maker" By: "Ms. Alejos" PAGKATAPOS nyang puntahan ang site nang shop. Nakita nyang halos tapos na ang lahat dito. Si Ellen narin ang pinakuha nya nang taong kakailanganin nya, ngunit dadaan parin naman sa mga kamay nya ang mga iyon para final enterview. Pagkatapos nang meeting nila ni Guttierez ay mga tao naman ang haharapin nya para sa new shop. Tatlong kahera lang ang kailangan nya at isang security dahil nasa loob naman ang jewelry shop nang malaking mall. Noong una, ayaw nya pasukin etong negosyo natu, dahil baka isipin ni Cathy na kinakalaban nya eto, ngunit dito sya may alam kahit papaano dahil halos walong taon din sya sa shop ni Cathy. Hindi nya eto itanayo nang may galit, at para lang makakumpetensya ang dating amo, pinatawad nya eto sa kabila nang ginawa sa mukha nya noon, napatawad na nya eto sa kanyang puso, ngunit di pa sila muling naghaharap na dalawa. Kaya nang dumating si Guttierez agad nyang singunggaban ang mga alahas dahil alam nyang magaganda ang ang mga design na nandoon alam nya yun dahil sya dati ang may hawak nang mga eto dati, hindi nya eto kukunin para insulutuhin ang dating amo, kaya minabuti narin nya na wag ipaalam kung sinu ang bibili nang mga iyon. Sa wakas sya ang nauna ngayon sa meeting nila ni Guttierez. Kaya naupo muna sya sa bakanteng mesa at upuan at umorder nang tea para sa kanya. Makalipas lang ang halos limang minuto, dumating naman si Diane Gutteriez. "Hi! Ma'am naunahan nyo ako ah.." wika ni Diane. "Oo nga eh, maupo ka muna.. Anong gusto mong maiinom..?" tanong ni Nicole.. "Okey lang po Ma'am ibibigay ko lang naman ang inventory lahat para alam nyo na po ang total cost nang mga alahas.." tugon naman ni Ms. Guttierez. Pagkatapos noon ay inabot dito ang lahat nang enventory nang alahas lahat nang detalye ay nakalagay naman kaya dina si Nicole mahihirapan pa. "Salamat. Since nandito naman na lahat si Ellen nalang ang magbibigay nang checke sa'yo at i set mo nalang kung kelan available lahat nang nandito sa inventory.." wika ni Nicole.. "Okey ma'am.." tugon naman ni Diane. Dahil nagpaalam din naman agad si Diane, inubos muna ni Nicole ang inorder nyang tea, at sandaling naupo naman muna sya. Tatayo na sana sya nang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi nakarehistro ang numero na yon ngunit sinagot nya. "Hello! Sino po sila?" magalang naman na tanong ni Nicole. "Di na mahalaaga kung sino ako, marahil nakita mo na ang mga picture na pinadala ko, siguro nananiniwala kanang alam ko ang lahat." wika naman nang estrangherong lalaki. "Kailangan ko ang lahat nang ebedensya na hawak mo kapalit nang perang pabuya.." sagot naman ni Nicole. "Walang problema kaliwaan tayo sa pagbibigay nang pera galing sa'yo at ebedensyang galing naman sa'kin.." tugon pa nang lalaki.. Nakipag deal si Nicole sa lalaking hindi naman nya kilala kung sino. Di na muna nya sasabihin eto kay Archie kapag nagkausap nalang sila nang maayos muli. Samantalang si Archie habang papunta sa kanyang ka meeting nakatanggap naman nang tawag mula kay Cathy. "Makipagkita ka sa'kin ngayon, at eto na ang huli, hindi ko na kayo guguluhin pang muli, kapag dika sumipot ngayon ihanda mo na ang pagkawala nang anak at nang babae mo.." banta naman ni Cathy.. Ayaw nya nang gulo pa, at ayaw nyang pati anak nya ay madadamay pa sa kalokuhan ni Cathy. Kaya kahit may ka meeting sya ay agad nyang tinawagan eto na di sya makakarating dahil may agarang lakad sya. Halos paliparin nya ang kanyang sasakyan papunta kay Cathy. Galit ang kanyang nasa loob at gustong gusto nyang saktan ang babae sa pagbabanta nito sa kanyang mag-ina. "Wag mo lang mauubos ang pasensya ko Cathy dahil di mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo pag nagkataon.." usal ni Archie sa kanyang sarili habang nagmamaneho. Sa pagmamadali ni Archie di nya namamalayan na nakasunod ang sasakyan ni Nicole sa kanya. Halos paliparin ni Archie ang sasakyan nang matanawan ni Nicole eto, kaya naman sa pagtataka nya ay sinundan nya eto. Same Restaurant ang tungo nitu nang makita nya ang dalawa. Nagmamadaling bumaba nang sasakyan si Archie. Buti nalang may dala syang scarf, isinuot nya iyon pati na ang kanyang black shade.. Nang makapasok si Archie agad na binigyan nya nang maanghang na salita ang babae. "Ako ba di mo titigilan Cathy!? Nakipag usap ako sa'yo hindi para takutin nang tungkol sa mag- ina, dahil kung hindi mo kami tatantanan ngayon palang ihahatid na kita sa presento para sa ginawa mo sa mga magulang ni Nicole. Wag mo akong punuin Cathy.. At tigilan mo na ako, dahil isang tawag ko lang sa may hawak nang kaso mo kalaboso ang bagsak mo.!" tuloy-tuloy na salita ni Archie at ngiti lang ang isinukli ni Cathy sa kanya, dahil natanaw nitu na nasa likuran ni Archie si Nicole.. "So eto pala ang katotohanan kaya ganun nalang ang pigil mo sa'kin na wag na muna magreport sa lalaking tumawag sa'kin!?" galit na wika ni Nicole kay Archie.. "Nicole a- anong ginigawa mo dito?" tarantang tanong naman ni Archie.. "Bakit Archie ha!? Anong kasalanan ko sa'yo at kailangan nyo akong pagkaisahan at kailangan nyong magsabwatang dalawa?" kaya pala kabisadong kabisado nang gumawa ang araw na talagang magkakasama kami, at pati mga larawan detalyado..!" naiiyak na wika ni Nicole. "Nicole nagkakamali ka nang iniisip sa'kin.." wika ni Archie at tangkang hahawakan eto ngunit nagpumiglas ang babae, dahil sa pag-uusap nila di nila namalayang nawala na si Cathy sa kinauupuan nito at natakasan na sila. Agad namang nilisan ni Nicole ang lugar na yun at hinahabol naman sya ni Archie. "f**k! s**t! Ka talaga Cathy, mukang naisahan mo nanaman ako sa ginawa mo, mukang dika na talaga magbabago, sige tingnan natin kung saan ka pupulutin nang mga ginagawa mo.." mura ni Archie.. ---------- Dahil sa narinig ni Nicole, nawalan na sya nang tiwala kay Archie, di sya makapaniwala na magagawa sa'kanya eto nitu. Agad syang umuwi nang bahay. Pagdating dun nang makita ang si Rosa ay agad na pinaligpit ang mga gamit ni Archie sa kwarto nitu at pinalabas sa bahay pinalagay nya iyon sa may labas nang gate at binilinan nya ang tatlo na wag na wag papasukin si Archie sa bahay. Maging si Archie ay di na muna pumasok agad din etong nagtuloy sa bahay ni Nicole, ngunit nanlumo sya nang makita ang mga gamit nya sa labas nang gate nang malaking bahay. Kumatok sya sa may gate nang ilang beses. Ngunit di sya pinagbuksan. Tumawag naman si Nicole sa security guard sa subdivision na yun, inireport nya ang lalaki at sinabihan ang gwardya na wag na wag nang papasukin eto sa subdivision lalo na kung sa bahay nila ang tungo at kung may pupuntahang man sa loob pinabantayan nya eto. Halos kalahating oras sa labas nang gate si Archie ngunit di talaga nagbukas ang gate, dumating rin ang guard nang subdivision at pinalalabas sya ayon narin sa utos nang may-ari nang bahay, ayaw ni Archie nang eskandalo kaya matiwasaya naman syang lumabas nag lugar nina Nicole. Imbis na sa trabaho ang tuloy nya nang hapon na iyon, tinawagan nya ang kakilala ni Donya Lara na general, nagpakilala sya dito, dahil wala na syang tiwala kay Archie, nagrequest syang palitan ang may hawak nang kaso at humingi din sya nang pagkakataon para makausap eto nang personal para narin sa mga ebedensyang makukuha. Pinahugot nya ang kaso mula sa kaibigan ni Archie at nangako naman ang heneral na makikipagtagpo nang gabing iyon. Pagkatapos na makausap ang kakilala ni Donya Lara, sunod nyang tinawagan si Diane. "Hello Diane. It's me Nicole, maari ko bang makilala ang boss mo sa'kanya ko nalang ibibigay ang payments nang napagkasunduan natin na halaga. Then please tell her na si Ellen ang makikipagkita baka di rin sigurado na makarating ako, but I try na makahabol, gusto ko kase makilala sya.." pagsisinungaling ni Nicole. Isasagawa nya ang kanyang plano, nang di kailangan si Archie kung nagawa sya nitung balikatarin maaring kahit sya kaya din nitu ipahamak. Bago umalis nang bahay mahigpit ang bilin ni Nicole sa mga kasama na wala munang lalabas at magpapasok sa bahay, nagrequest din sya nang security na magro-round sa kanilang bahay, maging sa main gate ay mariin nyang wala syang bisitang inaasahan at tatanggapin kung meron man ipapaalam nya agad eto sa cooperatiba nang subdivision. Pasado alas-nueve nang gabi nang makarating si Nicole sa usapan nila nang Heneral, nakipag kamay sya dito at panay ang pasalamat dahil sa pinaulakan sya nitu. "General kayo na po ang bahala sa gagawin nang inyong tauhan, maaring ang magbibigay sa'kin nang impormasyon ay kasabwat din nila at tama kayo kailangan natin syang mahuli muna, bago gumawa muli nang hakbang. Maraming salamat po. Agad-agad ko pong igagayak ang lahat para sa pakikipagkita sa lalaking iyon.." wika naman ni Nicole.. "Oh sya sige iha, planuhin nang team yan agad-agad babalitaan mo kami kapag tumawag syang muli at kung saan ang lokasyon nyo.. Ibibigay ko sayo ang numero ni Sarhento nang mai-inform mo sakanya ang lahat.." matapos ang sinabing iyon ay tumango naman si Nicole tanda nang pagsang-ayon, dahil katagpo din ng General ang asawa nang gabing iyon, nagpaalam din naman agad si Nicole. Uunahin nilang makipagkita sa lalaking humihinge nang pabuya, bago naman isasagawa ni Nicole ang pagset-up kay Cathy para madakip din eto. At kailangan nyang mag-iingat din nang doble dahil hindi nya alam na baka maging si Archie ay kasabwat nang mga eto. Ang nag-iisang kakampi nya sya palang traydor, napaluha si Nicole habang nagmamaneho pabalik nang bahay. Habang nagmamaneho napansin nya sa kanyang side mirror ang sasakyan ni Archie, mas nagmadali syang magmaneho halos gawin na nyang 125 ang kanyang tagbo, parang natatakot din tuloy sya ngayon kay Archie. Di na nya alam kung sino ang pagkakatiwalaan nang matanaw nya ang malaking gate nang subdivision nakahinga sya nang maluwang.. Agad syang pumasok doon, natanaw nyang nakikiusap si Archie sa guard, ngunit alam nyang mahigpit ang bilin nya sa mga eto, matapos iyon nakita nyang tumutunog ang kanyang cellphone, si Archie ang tumatawag. Hinayaan nya lang iyon at etinuloy ang pagmaneho papuntang bahay.. Iginirahe nya ang kanyang sasakyan sa loob, at nagtungo na sa silid nang kanyang anak. Dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan at lumapit sa kuna ni Baby Nick, napakahimbing nang tulog nito walang inaalala sa kanyang paligid, tila walang panganib na nag-aadya. Tumulo ang luha nya nang maalala ang ama nitu. Maayos naman sila sana nitu, hindi nya alam na may masama lang pala etong plano. Para sakanya at para sa kanyang anak, ngayon malinaw na sakanya na kahit minsan di nga sya minahal nang lalaki. Di man sya umasa nang ganun kalaki ngunit nasasaktan parin sya na isiping nagtagumpay ang dating magkasintahan sa mga plano nila. Matapos hagkan ang anak pumasok narin sya nang kanyang silid. Kinabukasan di sya pumasok tinawagan nya si Ellen na eto na muna ang bahala mamahala sa lahat. Masakit ang kanyang ulo, masakit ang kanyang puso. Halos wala rin syang ganang kumain, sa mga iniisip nya ngayon. Namimis nya tuloy ang mga magulang eto lang ang tanging nakakausap nya pagdating sa kanyang suliranin. Parang lahat nalang nang mahal at minahal nya nawawala sa kanya. Ang mga magulang, si Donya Lara, at ngayon si Archie naman. May pera nga sya, wala namang nagmamahal sakanya, wala na ang mga taong minahal nya mag-isa nanaman sya, tangging si Nick lang ang kasama nya sa ngayon, yakap nya ang anak habang iniisip at binabalikan ang mga pangyayari. Naalala nya ang sabi sa kanya ni Donya Lara, na gamitin ang pera sa mabuti, kailangan nya nang katarungan, kailangan nya paghigantihan ang taong may gawa nang pagkawala nang kanyang mga magulang. Nasa ganoong senerayo sya nang pag-iisip nang may tumawag sa kanyang cellphone, eto rin ang numerong gamit nang lalaki, sinagot nya iyon at, nangungumusta ang lalaki sa pera, sinabi nyang ihahanda na nya bukas kaya nagtanong narin si Nicole kung saan sila magkikita para sa palitan nang pera at ebedensya agad namang sinabi nang lalaki ang lugar kung saan sila magtatagpo. Matapos na makausap ang lalaking estranghero sunod nyang tinawagan ang binigay na numero ni General si Srgt. Dela Vega. Dahil sensetibo ang kaso na eto ay, minabuti ni Sgrt. Dela Vega na sadyain nalang si Nicole sa bahay nitu. Kaya naman bingigay din nya ang kanyang address para mas mapag-usapan ang dapat na gagawing trap sa lalaking tumatawag kay Nicole para sa pagbibigay nang ebedensya..     ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD