"The Baby Maker"
By: "Ms. Alejos"
Nagmamadaling isugod ni Archie sa malapit na Ospital si Nicole. Gusto nyang sisihin ang dalaga dahil binalaan na nya eto ngunit di naniwala sa kanya bagkus nanaig parin ang tiwala sa dating amo nitu. Nang makarating nang Ospital agad silang dinaluhan ng mga staff na nasa Emergency Room, maging ang mga eto ay tila nandidiri sa itsura ng dalaga.
"Anu ba? Kung makahawak kayo nang mukha nya para kayong diring-diri ah, kailangan nya ng agarang lunas para sa mukha nya!" asik ni Archie sa isang staff dahil sa nakita nyang reaksyon nitu, agad namang nataranta ang nurse sa pagbulyaw ni Archie.
Agad naman na binigyan ng pansamantalang lunas nang manggagamot ang nasirang mukha ng dalaga. Umaga na nang magising sya, mahapdi ang mukha nya, hinawakan nya ang parteng iyon napapalibutan iyon ng benda, halos mata lang nya ang walang takip at nahihirapan pa syang idilat ang mga iyon sa sobrang kirot.
Aaahhhhhh..
Ungol ni Nicole sa nararamdamang hapdi niyon, na sya namang pagising ni Archie.
"Ang mukha ko Sir Archie, anong nangyari? Ang sakit at ang hapdi.." wika ni Nicole..
Nalungkot naman si Archie sa pagdaing ng dalaga.
"Hayaan mo at tatawag ako ng nurse para bigyan ka nila ng gamot para di mo maramdaman ang sakit.." wika ni Archie..
"Huhuhuhuhu.. Ano bang naging kasalanan ko kay ma'am Cathy? Bakit nya ginawa sa'kin to? Akala ko.. Akala ko.. " dina na tuloy ni Nicole ang sasabihin pa, dahil nagsalita na si Archie.
"Binalaan kita dika nakinig sa'kin. Please Nicole stop crying makakasama sa dinadala mo yan, magiging maayos ang lahat, just be patient.." tugon naman ni Archie..
Naguluhan naman si Nicole sa sinabi ni Archie na makakasama sa kanyang kalagayan ang pag-iyak nya, anu ang gusto ng lalaking eto na matuwa sya ngayong pangit na sya?
"Bakit di mo sa'kin sinabi na buntis ka Nicole? Pati ba sa'kin kailangan mong maglihim? Akala ko ba, nagkakaintindihan tayo?" tila tampo naman ni Archie sa dalaga..
"What? Pakiulit ang sinabi mo? Buntis ako?" gulat na gulat namang tanong ni Nicole. Wala syang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan, pero delayed na nga sya, di naman nya binigyan yon ng pansin ang buong akala nya, delayed lang talaga ang pagdating ng kanyang buwanag dalaw.
"Nakita ng doctor, dalawang buwan kang buntis, kaya ingat na ingat sila sa pagbigay ng gamot sayo, nakakatampo ka naman, di mo man lang sa'kin nabanggit.." himig tampo parin nitu..
"Hindi ko alam, wala akong kakaibang nararamdaman na buntis ako, o may sanggol na sa sinapupunan ko.." sagot naman nitu sa binata.
"Naniniwala naman ako, nakita ko sa mata mo ang pagkabigla. Masaya ako para sa'ting dalawa it's a blessing, gift from God.." mahaba pa sana ang sasabihin ni Archie ng makaramdam nanaman si Nicole ng sakit sa kanyang mukha. Kaya naman nataranta syang lumabas agad ng kwartong iyon..
Ilang sandali pa ay dumating narin ang doctor na may hawak kay Nicole.
"Iha mabuti naman at gising ka na, gusto talaga kitang makausap para makapag desisyon ka rin sa tuloy-tuloy na pagpapagamot sayo. Marahil ay nasabi narin sayo nang asawa mo na nagdadalang tao ka, at kung magpapasurgery ka ngayon alam mong may kamahalan eto, nakadagdag pa ang pagdadalang tao mo, kailangan natin nang gamot na hindi maapektuhan ang bata, which is we need a big amount of money para gawin iyon.." paliwanag naman ng doctor nya..
Humugot naman ng malalim na buntong hinanga si Nicole. Galit sya galit na galit sya kay Cathy, pinagkatiwalaan nya eto di nya akalain na ganitu ang gagawin nitu sakanya.
"Doc don't worry about the cost, ako ang bahala. Basta siguraduhin nyo lang na safe ang mag-ina ko, then do the operation.." agaw naman ni Archie sa pag-iisip ni Nicole.
Tahimik naman si Nicole, hinayaan nyang makipag-usap si Archie ditu.
"Okey Mr. Villaberde, walang problema. Pero kailangan nating maimonetor muna ang inyong misis sa loob ng 24 oras, para makita natin kung talagang handa sya para dito, para sa surgery nya.." paliwanag muli ng doctor ni Nicole. Nang makaalis ang doctor na tumingin sa kanya at nakapag solo ang dalawa sa silid, saka palang nagsalita si Nicole.
"Ang Inang ko pwede mo bang puntahan sila at kumustahin? Baka kase wala nang gamot si Tatang makikisuyo narin ako sir Archie.." mahinang wika ni Nicole.
"Pwede ba Nicole, ang sarili mo muna ang unahin mo ngayon.." inis naman na sagot ni Archie.
"Anu!? Bakit mo nasasabi ang ganyan sa'kin? Di mo alam kung anu ang kaya kung gawin para sa magulang ko! Sila ang dahilan kung bakit pinasok ko ang pagiging baby maker tapos isasagot mo sa'kin na unahin ko ang sarili ko!" galit na tugon ni Nicole.
"Okey I'm sorry. Wag kanang magalit, sige pupuntahan ko sila but please, iisipin mo rin ang sarili mo. At wag mo hahayaang gaganyanin ka ng taong kagaya ni Cathy, dahil kapag hinayaan mo sila, maulit ng mauulit ang nangyayari sayo, lumaban ka naman para sa sarili mo.." pagbibigay lakas ni Archie kay Nicole. Di kase sya pabor sa sobrang pagiging mabait nitu..
Nalaman nang magulang ni Nicole ang nangyari sa kanya, kaya naman pansamantala iniwanan ng kanyang Inang ang tatang nya para puntahan ang dalaga, ngunit dahil mas kailangan ng kanyang Tatang ng kasama kaya pinauwi din eto ng dalaga. Pansamantalang si Archie din ang dumadalaw sa kanyang mga magulang kapag may oras eto..
Dahil sa nangyari kay Nicole mas nawala ang respeto ni Archie kay Cathy, di nya akalain na magagawa ng babaeng kahit papaano ay may pitak nadin naman sa kanyang puso. Kaya nagdisesyon sya na kumuha nalang muna ng kanyang gamit sa unit nya at sa mga magulang nya muna sya tutuloy..
"Anong ibig sabihin nitu sweetee? Bakit kinukuha mo ang mga gamit mo? Di mo ako pwedeng iwanan!" sigaw ni Cathy ng matanawang nagliligpit ng damit si Archie.
"Mas makakabuti eto sa'tin Cathy, di ba eto naman ang gusto mo? Ang tuluyan ankong lumayo sa'yo?!".. Galit na sagot ni Archie..
"No. Ayoko Sweetee dito kalang, di mo ako pwedeng iwanan. Diko kaya." pagmamakaawa ni Cathy. Ngunit tila naman isang binge si Archie na walang naririnig. Papalabas na si Archie nang pintuan ng kanyang Pad ng hatawin ni Cathy ang kanyang braso ng isang kutsilyo, punit ang kangyang pulo tumagos iyon, at makikita ang pagkakahiwa ng laman sa braso ni Archie..
"Ssshhhhiiit! God damn it! Cathy are you Crazy? Wala kana talaga sa katinuan, pati ako nagawa mong saktan." wika ni Archie sa kabila ng pagtulo ng dugo sa kanyang braso. Tila nahintakutan naman si Cathy sa nakita. Akmang lalapit eto ng bawalan ni Archie.
"I'm sorry sweetee di ko sinasadya." wika naman nitu.
"Stay away from me Cathy. Kung ayaw mong pati katiting na respeto ko sayo tuluyang mawala.." sigaw ni Archie saka tuluyang umalis ng kanyang pad.
Nang makaalis naman si Archie halos basagin na ni Cathy ang lahat ng kagamitan sa pad ni Archie sa sobrang galit nya dito.
"Alam kung ang babaeng yun ang pupuntahan mo, di ko kayo patatahimikin, kung gusto nyo ng gulo pwes ibibigay ko sainyo..
Aaahhhhhhh!" sigaw nya sabay hawi sa mga gamit na nasa ibabaw ng mini bar ni Archie..
------
Kinabukasan pagdalaw ni Archie sa Ospital nagulat pa eto at may benda ang braso nitu..
"Anong nangyari d'yan?" tanong nitu..
"Wala eto. Kumain kana muna, may dala akong pagkain, nakasalubong ko ang abogado mo. Anong ginawa nya dito?" tanong naman ni Archie..
"Binigay ang mga papeles.. Kelan ba tatanggalin ang benda ko? Gusto ko nang lumabas, at maibalik na ang dati kung mukha.." wika naman ni Nicole..
"Two weeks pa, tatanggalin na nila yan.." sagot naman ni Archie..
Mabilis na lumipas ang mga araw.. Natanggal ang benda ni Nicole, mababakas parin ang mga pulang marka sa kanyang mukha, ngunit sa pamamagitang ng magaling nyang dermatologist at eksperto sa balat at pagpapaganda binigyan lang sya ng another two weeks para maibalik ang mga eto sa normal sa tulong narin ng kanyang mga gamot at cream na iniresita sa kanya..
Pansamantalang gumagamit si Nicole ng scarf para matabingan ang kanyang namumulang muka dulot ng operasyon.. Nang makalabas ng Ospital, una nyang dinalaw ang kanyang mga magulang. Habang nasa Ospital sya patuloy naman sa pagpapagaling ang kanyang Tatang.
" Inang sa makalawa po may darating na tutulong para hakutin tong mga gamit natin ha, lilipat na po tayo dun sa bagong bahay, sa pinagtatrabahuhan ko.. Doon na po tayo titira.." paliwanag ni Nicole ng makapagpahinga na sya..
"Anak akala ko ba namatay na ang amo mo..?" tanong naman ng Inang ni Nicole.
"Opo Inang mahaba pong kwentu, pero pinagkatiwala nya sa'kin ang bahay na yun kaya doon na muna tayo titira nila Tatang.." paliwanag naman ni Nicole.
"Oh sya sige anak, maayos na ba ang katawan mo Iha??" muling tanong ng kanyang inang..
"Maayos-ayos na ho, nagpapagaling din po kagaya ni Tatang.." tugon naman nya sa ina..
Dahil sa lilipat na ang kanyang mga magulang sa malaking bahay, di naman sya nagtagal pa sa apartment nya, kailangan din nya ayusin pa ang bahay matagal sya sa ospital kaya tyak na napakarumi nang bahay ngayon. Nasa loob sya ng Taksi ng makatanggap sya ng tawag mula kay Archie..
"Nasaan ka? Nicole galing ako ng Ospital, kagabi di mo man lang sinabi na lalabas ka ngayon! Anu ba naman?" galit na wika ni Archie.
"Wag kanang magalit nakalimutan ko lang banggitin papunta ako ngayong super market, uuwi na rin ako sa malaking bahay. Tyak na napaka dumi nang buong kabahayan. Mamimili lang ako ng supply tapos doon na ako tutuloy.." mahinahon namang sagot ni Nicole.
"Okey sabihin mo kung saang super market at pupuntahan kita." sinagot naman agad ni Nicole ang binata, ibinigay kung saang lokasyon sya.
Dala marahil nang pagdadalang tao nya nang makita nya ang isang cheese cake, parang natatakam sya na kainin yon, kaya naman nagmamadali syang makalapit sa cake shop, nang mabangga nya ang isang babae, natanggal ang kanyang scarf at suot na shades, pinulot nya iyon at muling tumayo. Hihingi sya ng paumanhin sa babae ng, magulat sya kung sino ang nasa kanyang harapan.
"Ikaw!?" gulat ding wika ni Cathy..
Nang makita ni Nicole si Cathy, tinalikuran nya eto.
"Sandali. Wala karing modo, dika manlang hihinge na paumanhin ikaw ang nakabangga sa'kin!" angil ni Cathy dito.
"Ako? Ako pa ang hihingi ng paumanhin sa'yo Cathy!? Ang kapal mo rin ano!" sabay talikod muli ni Nicole. Hinila sya ng isang kamay ni Cathy, sabay padapo ng kanang kamay sa pisnge ni Nicole.
Pak! Masakit para kay Nicole dahil dipa ganun ka fully recover ang kanyang mukha..
Ppppaaaakkk..
Mas malakas na sampal gamit ang kaliwang kamay ni Nicole ang ibinigay nya kay Cathy..
"Walang hiya ka, talagang di mo ako titigilan..!" sigaw ni Cathy. Akmang sasabunutan ni Cathy si Nicole ng humarang ang guardya..
"Pinagbigyan kita Cathy sa ginawa mo sa akin noong una, pero di ko hahayaan na uulitin mo uli yon, at di ako papayag na dadapong muli ang mga palad mo sa mukha ko, wala kang karapatang saktan ako.!" sigaw ni Nicole dito.
"Aba't napakayabang mo kung magsalita ka, akala mo may ipagmamalaki ka hampas lupa! Wag ko lang kayo makikita ni Archie na magkasama, dahil ipapakulong ko kayong dalaw, KABIT!" ganting sigaw ni Cathy, na pilit na kumakawala parin sa gwardya.
"Gawin mo kung anong gusto mo Cathy.. Tingnan ko lang kung sino ang mapapahiya sa'ting dalawa sa huli.." tugon ni Nicole, sabay ngiti ng napakatamis kay Cathy at tinalikuran eto..
Hindi naman pinakawalan ng guardya ang hawak na babae hangga't di nakikita nitung malayo na si Nicole. Kaya galit na galit si Cathy sa gwardya sa pagwak nitu. Nang makawala sa mga kamay nang gwardya..
Isang sampal ang ibinigay ni Cathy sa gwardyang pinipigilan sya para makaganti kay Nicole.. Sabay alis sa lugay na yon.. Hawak-hawak naman nang gwardya ang kanyang pisnge at tinanaw nalang ang babaeng nanampal sa kanya. Samantalang palaisipan naman kay Cathy kung paano at saan nakakuha nang pangpagamot si Nicole sa mukha nitu..
"Alam kung ang asawa ko ang nagpagamot sayo Nicole. Humanda ka, sa susunod di lang mukha mo ang susunugin ko kundi pati kaluluwa mo, nakikiapid ka sa alam mong may asawa na.." nag ngingit-ngit na bulong ni Cathy. Habang papabalik sya ng kanyang sasakyan..
Samantalang si Nicole tinuloy parin nitu ang kanyang pamimili di sya natatakot kay Cathy ngayon na baka magkasalubong silang muli. Alam nyang wala syang ginagawang masama at si Cathy ang may atraso sakanya..
----ITUTULOY----