C H A P T E R- #10

2836 Words
"The Baby Maker" By: "Ms. Alejos" Parehong napatda sa kainauupuan ang dalawa ng makita ang pagtawag ni Cathy. Kinuha ni Nicole ang kanyang cellphone at singaot iyon. "Yes ma'am Cathy pasensya na kayo, medyo abala pa po kase ako sa ngayon kaya di ko pa magawang makipagtagpo sainyo, hayaan nyo po at pag natapos ang trabaho ko makikipag-kita po ako saunyo.." si Nicole na agad na nagpaliwanag sa dating amo. "Sige Nicole, wag mo masyado papatagalin ha.. Medyo sabik na rin ako na makita kang muli at makasama. Pasensya kana sa lahat." tila naman senserong hinge ng paumanhin ni Cathy ngunit sa kabilang linya panay ang arko ng kilay nitu. "Wala na po iyon sa'kin, sana nga po bukal ang lahat sainyo, ng maging maayos po tayo.." tugon naman ni Nicole sa kausap. "Oo Nicole, hayaan mo't pag nagkita tayo makikita mo na talagang sensero ang pakikipag-ayos ko sa'yo.." si Cathy na inginunguso pa ang labi nitu kulang nalang duraan ang kausap nitu sa pagpapanggap na nakikipag-ayos sya ng bukal sa loob. Matapos na makapag paalamanan ang dalawa ay tinuloy ni Nicole ang pagkain, mataman lang na nakinig si Archie at tiningnan si Nicole. "You don't have any plan na kausapin ako about what happen sa'ting dalawa last night? Alam kung this time it's not about the money, I feel it, at alam kung naramdaman mo rin ang nasa loob ko.." mahabang panimula ni Archie. "Sir Archie wala naman ho tayong dapat na pag-usapan eh, nagkakamali ka ng nararamdaman mo, maging ako man nagkamali din. Kung sakali man tama ang nararamdaman natin sa isa't-isa ngayon mali naman ang setwasyon at pagkakataon na para sa atin, kaya wala ho tayong magagawa kundi itigil ang kabaliwang eto.." tugon ni Nicole sa sinabi ni Archie. Matapos sagutin si Archie ay tumayo si Nicole at iniligpit ang kanilang pinagkainan,dadamputin na nya ang plato ni Archie ng hawakan ng lalaki ang kanyang kamay, agad namang iniiwas ni Nicole iyon. "Bakit mali? Hindi pagkakamali etong ginagawa natin, kung may nararamdaman ka rin para sa'kin, then pwede tayong magsama.." tugon ni Archie.. "Magsama? Naririnig mo ba yang sinasabi mo Sir Archie? Wala ho akong planong maging kabit ng kahit sinu at hindi ho kaya ng kunsensya ko na samahan kayo dahil alam kung kasal kayo ni Ma'am Cathy.." inis na sagot ni Nicole.. "Makinig ka Nicole, hindi kami kasal ni Cathy, hindi totoo ang kasal namin, kaibigan ko ang nagkasal sa amin, hindi nya pinasok ang papel na yon dahil gusto ko muna na makita ang totoong ugali ni Cathy. I know sasabihin mo na napakasama ko, pero sya ang nagpupumilit sa kasal alam ko I have a feeling for her before but when the day that I meet you, suddenly everthing change. Now I was falling inlove wuth you ang that's true, I swear.." mahabang palowanag naman ni Archie. Nagulat man si Nicole sa sinabi nitu na hindi sila kasal, may saya namang naramdaman ang kanyang puso, dahil hindi pala kasalanan ang nangyari kanila ngunit naawa naman sya sa kanyang dating amo. Marahil hindi pa nitu alam ang lahat ng ginawa ng nobyo. Muling naupo si Nicole sa bakanteng upuan, at hinarap si Archie. "Alam ba ni Ma'am Cathy ang ginawa mo?" tanong nitu.. "No. Pero sasabihin ko na rin sa kanya ngayong magkikita kami, isa pa alam kung eto ang tama kung gagawin, ayoko na umasa pa sya sa'min. Gusto kung magsimula na kasama ka Nicole." tugon ni Archie.. Bumuntong hininga si Nicole. "Saka ko na iisipin yan, may mga kailangan pa akong ayusin si Donya Lara, kailangan kong ayusin ang bangkay nya, pwede nyo ho ba akong tulungan?" muling tanong ni Nicole.. "Sure. Pero kailangan mo ng hospital record nya for incase, baka kase may mag claim na kamag-anak. Ikaw lang ang kasama nya, at ayokong mapahamak ka." tugon naman ni Archie na mababakas sa mukha nitu ang pag-aalala. "No. May abugado sya alam ko, kailangan ko lang sya kausapin muna para sa lahat. Pero bago yon kung wala kang planong umalis maliligo ako at babalik ng ospital, aayusin ko pa ang libing nya." wika ni Nicole. "Ako nalang ang bahala sa funeral nya, ayusin mo ang ospital, at ako na ang bahala sa iba. Saan ba natin sya ipapalibing?" tanong ni Archie. "Sa Eternal Garden, nandoon ang labi ni Don Ruperto gusto kung magkasama sila, alam kung magiging masaya si Donya Lara kapag pinagsama ko ang mga labi nila." tugon naman ni Nicole. "Okey. Mag-iingat ka sa lakad mo, pwede ba akong maligo na rin dito?" tanong ni Archie. "Nakitulog at nakikain kana nga, malamang pagligo dito na rin, sige doon kana lang sa sala mag shower, gagamitin ko ang banyo sa kwarto ko.." tugon naman ni Nicole. "Bakit di nalang tayo sabay?" biro ni Archie. At pinamulahan naman ng mukha ang dalaga.. Kaya tumalikod nalang sya. "Mas lalo kang gumaganda kapag namumula ang mukha mo alam mo ba yon?" pahabol pa ng binata ng nakalayo na si Nicole. Matapos na mahugasan ang pinagkainan natawa si Nicole sa isiping nagbabahay-bahayan sila ngayon ni Archie, nawala ang kanyang kaba sa pagkakasala ngunit natatakot sya sa iisipin at sasabihin ng kanyang dating amo. Matapos na makapaghugas agad din sya naligo para sa kanyang lakad ngayong araw buti nalang at tutulungan sya ni Archie para sa bangkay ni Donya Lara. Halos sabay lang sila natapos ng binata matapos, nakagayak na si Nicole ng may mag doorbell sa malaking gate. Nagtungo muna sya doon at pinapasok si Archie sa kanyang silid, sinilip nya ang tao sa labas kung sino. Ang abogado ni Donya Lara eto, kilala nya eto dahil nakita na nya eto ng dalawang beses.. Kaya pinagbuksan nya ng pintuan ang Ginoo. "Magandang umaga sa'yo iha, paalis ka na ba? Sinadya talaga kita ng maaga ngayon alam kung lalakari mo ang bangkay ni Donya Lara." wika ng matandang abogado.. "Tuloy po kayo." pinapasok ni Nicole ang matanda at inalok nya eto ng maiinom agad namang tumanggi eto. "Dina ako magpapaligoy-ligoy pa, walang kamag-amakan si Donya Lara at ayon sa kanyang kasulatan ang maiiwan nya sa kanyang pagpanaw, ay isasalin kung sino ang nakasama nya ng huli ng sya ay nabubuhay pa, simple lang iha pakipermahan lang eto para maayos ko ang mga papel at maging legal kanang tagapag-mana nina Don at Donya Ruperto Estrella.." nilabas ang ilang ducumento at pinirmahan naman ni Nicole iyon. Matapos iyon ay nakipagkamay sakanya ang abogado. "Binabati kita iha, napakaswerte kung di ka dumating ako ang magmamana, kaya lang ayoko namang multuhin ako ng dalawang iyon kapag inangkin ko ang yaman nila. Ang bahay na eto sayo na kabilang ang alahas na alam kung hawak mo na, at ilang salapi may lipain sila sa Laguna na ang pangalan ay hacienda Estrella 20hectars ang sakop noon pati iyon ay mapapasayo, konte lang ang pera sa bangko dahil winidraw iyon ni Donya Lara. Sa loob ng dalawang linggo instant billionare kana, kapag pinagbili mo ang mga iyon." napakasaya ng abogado para sa dalaga. Maging si Nicole di nya akalain ang mga iyon ay mapupunta sa kanya tila usang panaginip na kahit kelan di nya akalain na mangyayari sa kanya. "Marami hong salamat. Hihintayin ko nalang ho ang pagbabalik nyo atty." tugon naman ni Nicole. "Hindi na ako pupunta ng ospital, kelan mo ba ipapalibing ang labi nii Donya Lara?" "Aasikasuhin ko na ho, wala naman ho tayong hinihintay na kamag-anakan kaya oras na matapos at maayos ang paglilibingan, bukas o makalawa. Ihahatid ko na po sya.." tugon naman ng dalaga. "Oh sya iha. Tawagan mo nalang ako sa libing nya at kapag wala akong trabaho darating ako.." tugon ng abogado at tuluyan nading nagpaalam eto sa dalaga. ***** Nang makalabas ang abogado, lumabas narin ng silid si Archie.. "Wow binabati kita Donya Nicole.." nakangiting bati ni Archie.. "Wala ka pa bang balak na umalis? Ako aalis na.." tugon ni Nicole. "Di naman halata na pinapalayas mo na ako sa mansyon mo ah, halika na ihahatid na rin kita sa ospital, saka ako tutuloy sa eternal garden." tugon ni Archie sa dalaga. Muling isinara ni Nicole ang buong kabahayan, maging ang gate nitu. Saka sya sumakay sa sasakyan ni Archie, sa likod sana sya mauupo ng barahin sya ni Archie. "Bakit d'yan ka mauupo anu ako driver mo lang, dito ka sa harapan sa tabi ko.." anyaya ni Archie. "Ayoko. Mahirap na baka mamaya makita pa ako ni Ma'am Cathy, dito nalang ako." walang nagawa si Archie kaya hinayaan nalang nya ang dalaga na maupo sa likuran ng sasakyan. Agad nilang narating ang Ospital, di na bumababa si Archie kumaway nalang eto ng papasok na si Nicole sa loob. Agad na inayos ni Nicole ang bill ng Ospital, matapos iyon, kumausap sya ng isang funeral para sa kabaong ng Donya. Isang magarang kabaong ang kanyang kinuha, hihintayin nalang nya ang ang tawag ni Archie para sa paglilibingan. Mas madali ayusin talaga ang lahat kapag may hawak kang salapi. Di kagaya ng sa tatay nya tatanungin pa kung may sapat silang salapi para sa pang gamot nitu. O sa paglalagi sa ospital ng ilang araw. Pasado alas dos ng hapon nang tawagan sya ni Archie nasa isang flower shop sya para bilhan manlang ng bulaklak ang Donya. "Naayos mo na ba ang papel? Kung tapos kana d'yan kahit bukas maari na nating ihatid sa eternal si Donya Lara.." wika ni Archie sa kabilang linya. "Oo tapos na galing narin aq ng funeral, ngayon pupunta nalang ako sa simbahan para personal na mabasbasan si Donya Lara. Tatawagan kita kung anung oras pwede ang pari, mas makakabuti kunin mo ang numero ng sepulturero para di ka na bumalik d'yan, tatawagan mo nalang sya para bukas kung anung oras ang libing.." paliwanag ni Nicole. "Opo. Donya Nicole.." biro muli ni Archie.. Natawa nalang si Nicole sa tinuran nitu. Agad sya nagtungo sa malapit na simbahan para kausapin ang paring pwede magbas-bas sa matandang yumao. Di naman sya nabigo dahil mabili naman sya nakakuha, alas d'yes ng umaga bakante ang pari kaya yon din ang oras na dapat nasa eternal na labi ng Donya. Agad nyang pinarating kay Archie ang lahat, si Archie naman ay agad nyang tinawagan ang sepulturero. Maayos na ang lahat at handa na para sa huling hantungan ni Donya Lara.. Nakaramdam naman ng lungkot si Nicole ng umuwi sa malaking bahay. Naalala nya ang matanda. "Dapat pala umuwi nalang muna ako sa bahay, di bale pagkatapos ng libing pupuntahan ko muna sina Inang at Tatang.." kausap ni Nicole ang sarili dahil mag-isa lang sya lahat ng ilaw sa kabahayan sinindihan nya, takot sya ngayon sa bahay. Nagluto sya ng sapat lang na pagkain para sa kanya. Maghahain na sya ng pagkain nya ng tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan nya kun sino ang tumatawag. Pangalan ni Archie ang nakita nya. Sinagot nya iyon. "Bakit ho sir?" tanong nitu. "Baka natatakot ka sa bahay, sinindihan mo lahat ng ilaw muka tuloy pasko ngayon dyan, kailangan mo ba ng kasama?" tanong nitu. "Ayos lang ho ako." sagot naman ni Nicole. "Okey kung kailangan mo Ng kasama, nandito lang ako sa labas ha.." wika ni Archie. "Haaiiissst anu bang ginagawa nyo sa labas hindi naman tented ang sasakyan nyo mamaya may kakita na kapit bahay dyan mapagkamalan kayong magnanakaw, di ba kayo hinahanap ni Ma'am Cathy?" tanong nitu na nairita. "Oo nga eh, anu papasukin mo na ba ako sa mansyon mo? May dala ako food.." tanong nitu. "Pumasok na kayo. Baka mamaya mahataw pa kayo ng mga dumadaan d'yan." tugon naman ni Nicole. Napakalapad naman ng ngiti ni Archie ng oras na yon. Nang makapasok Archie, agad nya inilatag ang dala nyang pagkain, yan lang ang kakainin mo lugaw.. Kaya yung katawan mo walang kalaman-laman eto may dala akong bucket, eto ang kakainin natin. "Ikaw ba sir Archie di ka hinahanap ni Ma'am Cathy?" seryosong tanong ni Nicole. "Di pa kami nagkikita, wala sya sa condo ko eh, di ko alam kung nasaan sya? Nagugutom na ako, wag mo na tinatanong ang mga taong wala naman pakialam sayo. Kumain na tayo. At mag-iingat ka dun, sabi nya papatayin ka raw nya, binabalaan lang naman kita." tugon ni Archie sa dalaga sa kabila ng pagsubo nitu ng pagkain. Kumain na rin si Nicole sa dalang pagkain ng lalaki. Dala ng pagod di na nakipag kwentuhan pa si Nicole dito, hinayaan nyang matulog eto sa kanyang silid at sya naman ay natulog sa silid ni Donya Lara. Tinakot pa sya ni Archie para lang wag matulog doon ngunit di naman nagpadala si Nicole sa takot nitu.. Para sa kanya wala naman dapat na ikatakot sa mga yumao na dahil di ka naman nitu masasaktan. Kinabukasan parehong maaga nagising ang dalawa, tila naman may pagka boy scout tong si Archie at may baon talagang damit sa loob ng sasakyan. Ang funerarya na angsusundo sa labi ni Donya Lara kaya sina Archie at Nicole ay magkasama naman nagtungo sa Eternal garden, may trabaho ang abogado ni Donya Lara kaya hindi eto makakadalo tangging sina Archie at Nicole lamang ang dumating para ihatid eto, binasbasan naman ng pari ang paglalakbay ng kaluluwa ng Donya. Malungkot man si Nicole ngunit sa pagkawala nitu, may mga buhay na magbabago. Ang kanyang buhay, at ang mga magulang nya. Hinintay ng dalawa na maisara ang nitsu ng Donya bago nila nilisan ang cementeryong iyon. Gaya nga ng sinabi ni Nicole magkasama ang mag-asawa sa tahanan kung saan pareho sila nakahimlay sa kasalukuyan. Matapos ang libing ni Donya Lara nagpahatid naman si Nicole sa bahay, nagpaalam kase si Archie na may trabaho etong aasikasuhin. Ngunit ang di nila alam, nakasunod sa kanila si Cathy, lihim na nagmamatyag at nagmamanman sa bawat kilos ng dalawa. "Mga walang hiya kayo, mga taksil!! Pagsisisihan mo Nicole na kinalaban mo ako.!" galit na galit na wika ni Cathy habang nasa loob ng sasakyan. Nang makita ni Cathy na umalis si Archie, tinawagan nya si Nicole. Nakikipagkita sya dito, di nya pwedeng pasukin ang tinitirhang bahay nitu ngayon maaring marami etong kasama sa loob. At nagtagumpay naman si Cathy, makikipagkita sa kanya si Nicole ngayong gabi. "Humanda ka Nicole Punzalan! Sisiguraduhin ko sayong pagsisisihan mo't nakilala mo ako." saka umalis si Cathy at nagtungo sa isang tindahan upang bumili ng kanyang kailangan. Nagpahinga naman si Nicole, bukas nalang nya dadalawin ang mga magulang, dahil naka-oo na sya na makikipagkita kay Cathy. Pagsapit ng gabi gumayak naman agad si Nicole alas-otso ang usapan nila. Naabala pa sya sa pag gayak dahil tumawag naman si Archie. "Busy ako, makikipagkita ako kay ma'am Cathy.."wika ni Nicole dito. "Anu? Saan ba kayo magkikita?" tanong ni Archie. Para dina sya kulitin nitu sinabi na nya ang lugar kung saan sila magkikita, saka ibinaba ang cellphone. Matapos maisara ang buong kabahayan dumating naman ang taksi na kanyang tinawag para magpahatid. Kaagad nya narating ang Restaurant na tagpuan nila ni Cathy, pagdating nya nagpalinga-linga muna sya doon, para hanapin ang kausap ngunit wala eto, kumuha sya ng bakanteng mesa hihintayin nalang nya ang kanyang dating amo. Sa di kalayuan, matamang nakatanaw si Cathy kay Nicole. "Ang tanga paniwalang-paniwala na makikipag-ayos ako sakanya.. Makikita mo Nicole kung sino ang kinalaban mo." galit na kausap ni Cathy ang sarili. Halos kalahating oras ang lumipas at naghihintay si Nicole ngunit walang Cathy na lumitaw, paalis na si Nicole ng dumating si Cathy. "Pasensya kana ha na-late ako si Archie kase may pinagawa pa.." pagsisinungaling ni Cathy. Dahil medyo late nadin, matapos makapagkumustahan ang dalawa nagpaalam na rin si Nicole. Sinang-ayunan naman iyon ni Cathy, paglabas nila ng Restaurant at akmang maghihiwalay na ay tinawag muli ni Cathy si Nicole. "May nakalimutan pala ako ibigay sayo Nicole.." wika ni Cathy. "Anu ho yun ma'am Cathy?" tanong ni Nicole, sabay dukot naman ni Cathy ng kung anung bagay sa kanyang bag, maingat na inilabas ni Cathy ang isang bote.. Sabay isinabuy sa pagmumukaha ni Nicole ang laman niyon.. Aaaaaahhhhhhh.. Hiyaw ni Nicole. Umuusok ang mukha nya, napakahapdi ng nararamdaman nya. Asido. Asido ang itinapon sa mukha ni Nicole. "Anung akala mo Nicole nakalimutan ko lahat ng ginawa mo, nagkakamali, kahit kelan di kita mapapatawad sa ginawa mo sa'kin. Bagay sayo yan, ewan ko lang kung makikilala ka pa ni Archie ngayon.!" sabay halakhak ni Cathy na tila isang mangkukulalam. Sa di kalayuan agad na tumakbo si Archie sa nakita nyang ginawa ni Cathy kay Nicole. "Walang hiya ka talaga Cathy, wala kana sa katinuan.!" sigaw ni Archie. Gulat na gulat naman si "Layuan mo ako Cathy, baka kung anu pa ang magawa ko sayo, get lost!" sigaw nitu sa babae. Dahil sa may papalapit na pulis ay agad naman umalis si Cathy sa takot. Nagmamadali namang dinaluhan ni Archie si Nicole, malapit na sya dito ng himatayin si Nicole. Buti naagapan nya eto, agad na nagpatulong si Archie sa pulis na lumapit para alalayan ang dalaga at maisakay sa kanyang sasakyan. Habang nagmamaneho, nangingilabot si Archie sa nakita sa mukha ni Nicole halos di nya eto matitigan. Halos nasunog ang mukha nitu sa isinaboy ni Cathy. * * * * Itutuloy..      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD