C H A P T E R-#07

2488 Words
"The Baby Maker" By:"Ms. Alejos" Halos paliparin ni Sandy ang sasakyan pabalik ng hotel lahat silang dalawa ay nakatulog at wala ding tawag na ginawa si Nicole sa kanila ng nag-daang gabi. Si Cathy ay umuusal na ng panalangin na sana ay nakalabas na ng kwarto si Nicole dahil kung hindi lahat ay mabibisto ni Archie.. Pagdating nina Cathy at Sandy sa hotel. Agad tumuloy sa kwartong kinuha para kina Nicole at Sandy, andoon pa ang mga gamit ni Nicole, ibig sabihin di pa eto nakakaalis ng hotel. Nagmamadaling nagpalit ng damit si Cathy. "s**t anong nangyari, bakit wala sya dito Sandy? Di kaya nakatulog sya? Wag naman sana." natatarantang wika ni Cathy, ng makabihis soot ang kanyang bathrobe ay tinungo nya ang kwarto na kinuha nila para sa kanila ni Archie. Sarado ang pintuan niyon, nakalock. Muli sya bumalik para kunin ang susi na nandoon sa kwarto nina Nicole. Samantalang sa loob naman ng kwarto nauna nagising si Archie,hinawi nya ang buhok ng babaeng nasa harapan nya na natutulog.. Maganda ang hugis ng mukha nito,maninipis ang labi,katamtaman ang tangos ng ilong. Nasaan ba sya? Diba asawa nya ang kanyang kasama kagabi? Inikot nya ang buong kwarto ng hotel na yon nandoon parin sya kung saan sya pumasok kagabi, at ang gamit ng asawa nandoon, bumangon sya at nakita nya ang pantulog na nasa baba ng sahig, muli nyang nilingon ang babae, hindi eto si Cathy. "Nasaan si Cathy?" tanong nya sa kanyang sarili.. Muli nyang nilingon ang babae nahihimbing parin eto sa pagtulog.. Maraming katanungan sa kanyang isip ngayon. Dahan- dahan sya sa paglapit mapit sa side ng babaeng kanyang katabi, ingat na ingat sya na makagawa ng ingay ngunit natabig nya ang maliit na lampshade na nasa side table na nakagawa ng ingay, at syang pagbangon ng babae. Pagbangon ni Nicole sya namang pagbukas ng pintuan ng kanilang kwarto. Ang lahat ay gulat na gulat. Tinakpan ni Nicole ang kanyang katawan nagmamadaling pinulot ang mga damit nya. "Anong ibig sabihin nitu?" tanong ni Cathy, na tila ba wala syang alam sa mga pangyayari. Si Archie man ay nagulat, paalis na sana si Nicole ng tawagin sya ni Archie. "Sandali lang mis. Saan ka pupunta, kailangan mong ipaliwanag ang lahat nang eto.." wika ni Archie. Samantalang si Cathy panay na ang iyak, di naman malaman ni Nicole ang gagawin, umiiyak si Cathy bakit? At nagtanong pa kung ano ang ibig sabihin ng lahat? Napakagaling naman ng kanyang amo pala magdrama parnasusukol na. Mabilis na umalis si Nicole at di na sya lumingon pa. Di naman makalabas si Archie para habulin eto, wala syang saplot sa katawan. Kaya nilapitan nalang nya ang humahagulhol na asawa.. "Bakit ka umiiyak? Kailangan ko ng paliwanag galing sayo Cathy?" wika ni Archie, nagulat naman si Cathy, dahil ang akala nya makakalusot na sya. "Anong ibig mong sabihin, ikaw ang nakita kung iba ang kataba, bakit ako ang magpapaliwanag sayo?" tanong ni Cathy sa kabila ng pag-iyak nitu. "Tama ka, nakakapagtaka nga Cathy iba ang katabi kong babae, pareho kayo ng soot, nasa labas ka at nasa loob sya, may hawak kang susi na pwedeng makapasok ng kwarto anytime.. Bakit Cathy ganoon ba ako ka-bobo sa tingin mo? Bakit mo ginawa eto?!" madiin ang mga salita ni Archie halatang galit eto.. "Wala akong alam sweetee sa sinasabi mo, nagpahangin lang ako at lumabas sandali.." pagkakaila parin ni Cathy. "Stop it Cathy! Malalamin ko rin ang katotohanan, tell me sino ang babaeng iyon? Hindi mo kailangan magsinungaling Sa akin." wika ni Archie. Ngunit pilit na tinanggi parin ni Cathy ang katotohanan. "Damn it!" sabay alis ni Archie at tinungo ang banyo.. Paglabas ni Archie agad etong nagsuot ng lanyang damit at akmang aalis.. "I'm sorry. Ginawa ko to kase natatakot akong mawala ka. Tama ka kilala ko ng ang babaeng iyon, binayaran ko sya para makipagsiping sayo ng saganun ay mabuntis sya at pagnagbunga ang lahat magkakaroon na tayo ng anak Archie. Diko maibibigay ang sangol na matagl mo ng gisto kaya eto lang ang nagawa kong paraan para maging masaya ka at ng saganoon ay wag kading magsawa na mahalin ako. Wala akong kakayahang magbuntis Archie, at diko rin kaya mawala ka. Patawarin mo sana ako.." paliwanag ni Cathy.. Sa narinig ni Archie lalo etong nagalit kay Cathy. Iniwanan nitu ang asawa na lalo namang lumakas ang pag-iyak.. Agad ding umuwi si Nicole, sumakay nalang sya ng taxi, ewan parang hiyang-hiya sya sa kanyang sarili. Parang pakiramdam nya mas lalo syang nanliliit ngayon. Pagdating nya ng bahay, binati nya lang ang kanyang Inang at nagpahinga na sa kanyang higaan, impit ang kanyang pag-iyak na ginawa. Simula ng mangyari ang naganap sa hotel wala namang imikan ang mag-asawang Archie at Nicole.. Samantalang si Nicole tuloy ang buhay nya kahit puno eto ng agam-agam. Pumasok parin sya ng Jewelry Shop ni Cathy. Nang umagang iyon, pumasok din si Cathy hindi para dalawin lang ang shop kundi tuluyan ng paalisin si Nicole. "Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito, matapos ang ginawa mo saakin.." galit na wika ni Cathy.. "Ma'am anu bang kasalanan ko?" tanong naman ni Nicole.. "Nagtatanong kapa, sinadya mong malaman ng asawa ko ang lahat, traydor ka,. Eto ang sahod mo at wag ka nang magpapakita pa saakin!" galit na galit na wika ni Cathy. "Ma'am wala ho akong ginawa, hayaan nyo naman akong magpaliwanag.." di na naituloy ni Nicole ang sasabihin pa.. Ppaakk... Isang malakas na sapal ang pinadapo ni Cathy sa pisnge ni Nicole. "Lumayas kana sa harapan ko.. Wala kang utang na loob Nicole!" sigaw parin ni Cathy. Hindi nga sila mag kakaintindihan ng amo, puno na ng galit ang dibdib nito at kahit na ano pa ang kanyang sabihin ay binge na eto, bagsak ang balikat na nilisan ni Nicole ang shop. Naupo si Nicole sa isang cofee shop di nya mapigilan ang luhang dumadaloy sa kanyang mga mata, di nya kailangan mawalan ng trabahao lalo na ngayon. Kasama nya ang kanyang mga magulang. "Bakit ba ako iiyak lahat ng paratang ni Ma'am Cathy ay walang katotohanan at kahit minsan di sumagi sa isip ko ang mga sinabi nya, diko sinasadyang makatulog ako ng gabing iyon." pangungumbinsi ni Nicole sa sarili. Kinalma nya ang kanyang sarili, imbis na umiyak sya mas kailangan nya maghanap ng trabaho ngayon. Sa di kalayuan nakamasid naman si Archie kay Nicole eto ang babaeng nakasama nya sa hotel at di sya maaring magkamali nakita nyang umiiyak eto sa loob ng coffe shop. Gusto nya etong kausapin, ngunit nagagalit sya para etong mababang klase ng babae sa ginawa, pinagbili ang p********e para lang sa salapi. Sinundan nya eto may hawak etong news paper ng araw na yon, mukang nag hahanap ng trabaho. Malamang pinaalis na eto ni Cathy sa pinag tatrabahuhan nito. Ngunit hapon na wala syang makitang maayos-ayos na trabaho. Kaya nagpasya nalang sya na umuwi muna ng bahay. Lingid sa kanyang kaalamang lihim na sinusubaybayan sya ni Archie. Hanggang sa makarating sya ng kanyang maliit na apartment. ***** Halos dalawang araw na syang nag hahanap ng trabaho ngunit wala syang makita, isa nalang ang choice nya ang nakita nyang maging caretaker ng isang bahay, malaking ang sahod na nakalagay doon kaya susubukan nya puntahan ang address na nandoon sa dyaryo. Hindi naman malaman ni Archie kung bakit nagkaka-interes syang sundan ang babaeng eto, ilang araw narin nya sinusundan eto, alam nyang naghahanap eto ng trabaho, nagulat sya ng huminto ang taxi ni Nicole sa isang lumang bahay, kung titingnan eto sa desenyo lumang luma na eto, tila panahon pa ng kastila ang estruktura nito. Para etong hunted house sa tagal na ng panahon na yari. Nang makita naman eto ni Nicole kinilabutan naman sya, pero kailangan nya ng trabaho. Di nya kailangan mag inarte ngayon. Lakas ng loob ang ginawa ni Nicole, pinidot nya ang buton malapit sa pintuan, isang beses pa nya ginawa muli, ngunit walang nagbubukas. Paalis na sana sya ng magbukaa iyon. Isang mistisaheng babae ang nasa kabila ng pintuan na ang tansya nya ay mga nasa pitumpo ang edad nitu.. "Anong kailangan mo iha?" tanong ng matanda.. "Eto ho ba ang bahay na nangangailangan ng tagabantay?" magalang na tanong ni Nicole.. "Eto nga iha." tipid na sagot muli ng babae. "Isa po akong aplikante, mamasukan ho sana ako sainyo bilang tagabantay." wika ni Nicole. "Ganoon ba? Halika iha at pumasok ka.." anyaya ng matandang nagbukas ng pintuan.. Nang makapasok si Nicole nakita nya na napakalawak ng bakuran, marami nga lang natuyong dahon na nakakalat. "Saan mo nga pala iha nakita na nangangailangan ako ng caretaker? Di ka ba natatakot sa ayos ng bahay, medyo may kalumaan na kase, hunted house na nga ang tawag dito ng mga katabi naming bahay eh.." wika ng matanda. "Medyo nga po nakakatakot at mukang luma na rin ang desenyo.." si Nicole. "Marami nang nag apply dito pero, di rin nagtagal natatakot sila sa laki ng bahay, may mga nakikita raw silang kung anu-anu, kaya ikaw iha baka di ka rin magtagal.." wika ng Matanda. "Ano nga po pala ang pangalan nyo..?" magalang na tanong ni Nicole.. "Ako si Donya Lara, saakin ang bahay natu, saamin ng kabiyak ko, ngunit wala na sya sumakabilang buhay na, kaya kung gusto mong mamasukan. Tayong dalawa lang ang magkasama dito, ikaw iha anong pangalan mo?." tanong naman at paliwanag ni Donya Lara. "Nicole po.." tugon nya. Dahil sa inip sa labas ni Archie umalis na muna sya sa malaking bahay na iyon, may mga aasikasuhin sya ngayong araw. Samantalang si Nicole ay inikot naman ang kabahayan, labing dalawa ang kwarto ng bahay na iyon, ngunit halos lahat ng gamit ay luma na at antic. Kung tutuusin talagang walang magtatagal na papasok dito nakakatakot, ngunit kailangan nya ng trabaho at pera. Kaya tatanggapin nya ang trabaho. "Ano iha kaya mo bang tumira dito?" tanong ni Donya Lara. "Opo. Ilang araw narin ako naghahanap ng trabaho, at kailangan ko ho ng salapi, para sa aking amang may sakit. Pero maari ho bang twing Linggo ay uuwi ako sa bahay Donya Lara?" tanong ni Nocole. "Walang problema iha." matapos maikot ni Nicole ang buong kabahayan, ay nagpaalam na sya at umuwi, sinabi nyang babalik nalang sya para sa kinabukasan at magdadala ng kanyang gamit. Hinatid naman ni Donya Lara ang dalaga hanggang sa pintuan ng malaking bahay. Paglabas ni Nicole agad na tinawagan ni Donya Lara ang isang lalaki upang sundan si Nicole, pinachecked nya ang backround nitu, at ang lahat sa dalaga. Samantalang si Nicole naman ay masayang ibinalita sa ina ang kanyang bagong trabaho. "Kaya lang Inang tuwing Linggo lang ho ako makakauwi ha., kailangan ho kaseng stay-in ako doon eh.." paliwanag ni Nicole sa Inang nya. "Mag-iingat kalang iha ha.." wika naman ng kanyang Inang. "Opo." sama-sama silang nag hapunan mag-anak, dahil bukas tutulak din si Nicole para umalis ng bahay. Samantalang ang mag-asawang Archie at Cathy, di pa rin nagkakaayos ang dalawa. Pagdating ni Archie galing ng trabaho, agad na magpapahinga eto, ni hindi man lang tapunan ng tingin ang asawa. "Ganyan ba katindi ang galit mo sa akin sweetee?" tanong ni Cathy sa kabiyak ng nasa higaan na sila. Di naman sinagot eto ni Archie, bagkos nagtakip ng kumot at tuluyan ng natulog. Napakasakit kay Cathy ang sitwasyon nila ngayon ng asawa. Halos di na sya nitu kibuin. Gustong-gusto na nyang yakapin etong muli, halikan ngunit sa twing gagawin nya iyon lumalayo si Archie sakanya. Mukang tuluyan ng nawalan ng tiwala sakanya ang lalaki. Sa paglipas ng mga araw na namamalagi si Nicole sa malaking bahay wala naman syang nakikitang kakaiba, yon nga lang kung anu-anu ang napupulot nya alahas,pera mga batong tila mga antic at perlas, lahat ng napupulot nya ay binabalik nya kay Donya Lara. Wala syang kahit katiting na pinag enteresan sakabila ng pangangailangan nya ng salapi. Lihim naman na natutuwa ang ginang sa kanyang bagong taga bantay, hindi eto kagaya ng iba. Na dina naibalik ang ginagawa nyang pain, pero si Nicole napapahanga si Donya Lara dito.. "Donya Lara wala na ho tayong stock sa Ref., mamimili ba tayo?" tanong ni Nicole.. "Sige iha, ilista mo ang mga kailangan natin,sabay tayong pupunta ng pamilihan." wika naman ng matandang Donya. Nag-iisa nalang sa buhay si Donya Lara, wala din etong anak ang kanyang kabiyak ay may problema kaya di sila nabibiyayaan ng anak, nag-ampon sila dati ngunit ng nagkaisip eto at nalamang ampon lang ay nagbago ang lahat, nagawa ng kanilang itinuring na anak na pagnakawan sila. Di naglaon ay nalulung din eto sa droga, dahil sa sobrang pagkalulung ay binawian eto ng buhay. Sa ngayon kahit wala na ang kabiyak, masaya paring namumuhay na mag-isa si Donya Lara. Simpleng pambahay lang ang soot ni Nicole naka-short at long sleeve lang sya, habang ang kanyang buhok ay nakapusod naman. Simple lang din ang soot na damit ni Donya Lara isang simpleng bisteda lamang.. Papasok sila ng super market ni Donya Lara ng makabangga ni Nicole ang isang lalaki na may dala ding groceries.. "I'm sorry, di ko sinasadya.." hinging paumanhin ng lalaki, ng makita ni Nicole kung sino ang nakabangga sakanya, di nalang sya umimik at nagpatuloy sila ni Donya Lara, sa di kalayuan nakita naman ni Cathy ang tagpong iyon. "Ang landi mo rin ha, sinusundan mo pa ata kami ni Archie.." inis na wika ni Cathy sa sarili na ang tinutukoy na malandi ay walang iba kundi si Nicole. Pagbalik ni Archie na dala na ang supot nagpaalam uli eto na may nakalimutan lang bilhin. Nang umalis si Archie, nakasunod naman si Cathy sa asawa, ngunit di eto nagpapahalata na nakasunod sya. Habang abala sa pamimili sina Donya Lara at Nicole ng.. "Nicole pwede ba kitang makausap sandali?" wika ng tinig na nanggagaling sa kanyang likuran, nilingon ni Nicole yon si Archie ang nag mamay-ari ng tinig na yon. Di naman pinansin ni nicole yon. Ngunit tinawag sya uli ni Archie. "Iha mukang kilala ka ng lalaking iyon, kausapin mo muna.." dahil sa sinabi ng matanda ay huminto si Nicole at hinarap si Archie. "Ano ho bang kailangan nyo sir?" tanong nya dito ng humarap si Nicole tila nautal naman si Archie, simple lang eto pero malakas ang dating sakanya. Dahil di nagsalita si Archie nagpaalam naman agad ang dalaga. "Mauna na ho ako, kung wala na ho kayong sasabihin, marami pa kami kailangang gawin." pamamaalam ni Nicole. Di alam ni Archie pero, parang nahihipnotismo sya kapag nakakaharap ang dalaga, simula ng makita nitu ang mukang natutulog sa kanyang tabi noon, dina naalis sa kanyang isip ang dalaga. Nagiging unfaithfull na sya kay Cathy. May gusto syang malaman sa dalaga, kaya gusto nya etong makausap ng personal. Napupuno ng galit ang dibdib ni Cathy habang nakatanaw sya sa asawa at kay Nicole. Anu na bang nangyayari ngayon sa relasyon nila ni Archie? Nawala na ang dating puno ng init at pagmamahal sa kanila. At nawawalan narin ng gana si Archie sa kanya. Nararamdaman nya iyon. * * * Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD