C H A P T E R- #08

2095 Words
"The Baby Maker" By: "Ms. Alejos" Nang bumalik si Archie kung saan naroon ang asawa ay wala naman etong imik, maging si Cathy ay di nagawang magsalita sa asawa.. Tahimik na kinikim-kim ang galit na nasa kanyang puso.. Gusto nyang murahin ang asawa bayuhin ang dibdib nitu sa kanyang nararamdaman, ngunit mas minabuti nyang manahimik nalang. Matapos makapamili sina Donya Lara at Nicole agad din naman silang umuwi. Nang makarating ng bahay agad na nag-gayak ng lulutuin si Nicole para sa kanilang dalawa. Buti na nga lang sa bahay na yon kahit papaano ay may telibesyon kaya naman, di ganoon na nalulungkot si Nicole at nakikipagkwentuhan din sya kay Donya Lara. Ngunit malihim ang matandang eto, tila dipa sya pinagkakatiwalaan. Normal lang naman yon dahil bago lang sya. Matapos makagayak ng kanilang hapunan agad nyang inanyayahan si Donya Lara sa hapag kainan. Makikita ang karangyaan ng bahay na eto ng bago pa lamang, ang napakahabang mesa ay magiging saksi sa kanilang buhay, isa etong matandang molave na talaga namang napakatibay na kahoy. Kumain silang dalawa ng mag kasabay. "Donya Lara, maaga po ako bukas lalabas ha.. Nanabik na po kase ako sa Inang at Tatang ko. Tsaka Donya Lara kung maari sana kukuha ako kahit kalahati ng sahod ko, kailangan ko kase ng pambili ng gamot para sa Tatang ko.." paalam ni Nicole.. "Sige iha, gisingin mo ako bukas kapag-aalis kana.." tugon naman ni Donya Lara. Alam na nya ang lahat kay Nicole maging sa magulang nitung may sakit kaya naniniwala sya sa sinasabi nitu. Dahil sila lang namang dalawa sa bahay kaya, sya nadin ang gumagawa ng gawaing bahay, nagpapalinis si Donya Lara ng bahay isang beses sa isang Linggo, ngunit kapag wala namang ginagawa si Nicole sya na ang gumawa ng mga eto.. Matapos makapagligpit ng pinagkainan, dinalhan nya ang matanda ng gatas pinainom saka sya pumasok sa kanyang silid. Nagpahinga sya para sa lakad nya kinabukasan. Nakagawian na ni Nicole ang maligo bago matulog kaya naligo muna sya ng kanyang katawan saka nagpahinga.. Kinabukasan maaga bumangon si Nicole pinagluto muna nya ang matanda ng agahan, saka sya nagtungo sa silid nitu at nagpaalam, nakita nyang gising na eto kaya naman mabilis nyang nasabi ang pakay ilang sandali pa'y inabot na nitu ang kanyang perang sinabi ng nagdaang gabi. Nagmano sya dito saka tuluyan lumabas. Paglabas ni Nicole isinira nya ang pintuan ng malaking bahay. Bago sya tumuloy sa kanilang bahay, nag grocery na muna sya ng gamit ng mga magulang. Matapos makapag grocery iniwan nya muna ang pinamili pansamantala sa bagage counter ng super market, dahil araw ng Nanay naisipang dumaan ni Nicole sa isang bilihan ng Cake para sa kanyang Inang.. Nang araw ding iyon maagang bumangon si Archie at gumayak, araw ng mga nanay kaya gusto nyang bumili ng isang cake at bulaklak para sa kanyang Mama. Nagtataka si Cathy kung bakit maaga bumangon ang asawa, alam nyang wala etong pasok. Naalala nya ang tagpong nakita nya ang asawa na kausap si Nicole. Susundan nya eto, wag lang magkakamali ang Nicole na yon dahil kung tama ang kanyang hinala, makakapatay sya ng dating tauhan. Lihim na sinundan ni Cathy si Archie. Hanggang sa magawi eto sa di naman kalakihang super market. Pumasok si Archie sa isang cake shop, nasa harapan sya ng stand ng cake, pareho pa silang nagulat ng mapagsinu rin ang nandoon sa loob. Si Archie ang unang nagsalita. "Kumusta ka?" tanong nitu.. "Ayos lang ako.." tipid namang sagot ni Nicole. "Can I invite you for a coffe..?" tanong ni Archie. "Dito nalang tutal nagseserve din naman sila ng coffe dito." si Nicole kaya kumuha sila ng isanh maliit na round table pangdalawahan. Sa di kalayuan nakikita ni Cathy ang naganap, di nya akalain na unti-unti syang niloloko ng asawa. Ang pag-aakala nya ay sinadya ang tagpong nagkita sina Nicole at Archie. Tumutulo ang kanyang luha at puno ng paghihiganti ang kanyang nasa isip para kay Nicole. "May sensetibong bagay sana akong gustong malaman, tungkol sa nangyari.." mahaina ngunit seryosong bungad ni Archie.. Di naman maintindihan ni Nicole ang sinasabi ni Archie kaya tinanong nalang nya etong muli.. "Anu yon?" "Matapos ang kasal namin ni Cathy, nagpareserved ako ng hotel para saamin ng gabing iyon nilasing ako ni Cathy, gusto ko lang malaman, ikaw din ba ang babaeng nakasama ko noon?" tanong ni Archie. Nahihiya man si Nicole, ngunit wala na puwang ang paglihiman pa eto. Kaya nakayuko sya habang tumatango sa tanong ni Archie. "Sabihin mo nga sa akin, ako ba? Ako ba ang lalaking nakauna sayo? Dahil nang gabing iyon may naramdaman ako't nakita kinabukasan, di ko alam kung maniniwala ako sa sinabi ni Cathy na may spotting sya ng araw na yon. Kaya gusto kung sayo mismo manggaling, sa bibig mo mismo ang katotohanan na lumabas?" si Archie na pigil naman galit sa nalaman. "Ako nga, at oo sayo ko unang naibigay ang p********e ko ng gabing iyon.." mahinang tugon ni Nicole na nakayuko parin at di makatingin kay Archie. "Bakit? Bakit mo ginawa yon? Dahil sa pera? !" inis na tanong ni Archie. "Sir personal ko nang dahilan kung bakit ko ginawa yon. Ngayon po tapos na ang lahat at wala narin naman kaming usapan pa ni Ma'am Cathy, kaya kung wala na kayong itatanong, mauna na ho ako." wika ni Nicole. "Paano kung magbunga ang nangyari? Anong gagawin mo? Ibebenta mo rin ba ang bata dahil sa pera?" sarkastikong tanong ni Archie. Tiningnan eto ni Nicole, galit ang anyo nitu at nakakuyom ang mga palad. "Sir simula ng pinalayas ako ni Ma'am Cathy, nawala narin ho ang karapatan nya o nyo saakin, kung magbunga man yon, wala na ho kayo doon at ako na ho ang bahala kung sakali.. Maiwan ko na ho kayo.." pamamaalam ni Nicole kay Archie. Matapos na iwanan si Archie tinungo ni Nicole ang baggage area para kunin ang kanyang pinamili.. Nasa kalagitnaan sya ng daan pabalik at palabas na ng mall ng makasalubong nya si Cathy. Di na nya binati eto, ngunit sinalubong sya ni Cathy ng isang malakas na sampal. Ppaakk!! Ang mga dumadaan ay nagulat sa pangyayari, maging si Nicole ay nagulat eto at nagsalita pa si Cathy. "Alam nyo ba ang babaeng eto, wala syang utang na loob sa isang among kagaya ko, matapos ko sya bigyan ng trabaho. Nagawa pa nyang ahasin ako, isa syang kirada ng asawa ko..!!" galit na galit si Cathy at halos umalingawngaw ang boses nito sa loob. Napatingin si Nicole sa paligid nagbubulungan ang mga nakikiusyoso at ang iba ay nagagalit, bago pa may mangyari na di maganda, madali nyang tinulak ang food car na dala nya at lumabas ng mall. Madali nyang inilagay ang mga pinamili sa loob ng taxi. Pinipigil nya ang tumulo ang luha dala ng kahihiyan. Agad nya sinabi sa driver kung saan ang kanyang address. Masakit ang kangyang pisnge nakita nyang bumakat ang kamay ni Cathy doon. Pinilit nyang baguhin ang emosyon ng makita nya ang apartment nya.. Masaya ang mukha na pinakita ni Nicole sa kanyang Inang, tinulungan sya nitung ipasok ang mga pinamili sa loob.. "Inang kumusta ho kayo ni Tatang dito?" tanong ni Nicole habang nakayakap pa sa ina. "Maayos kami anak ng Tatang mo.. Dangan nga lang talagang nanabik kami na makita ka.." tugon naman ng ina ni Nicole. "Ako din ho Inang, kumusta si tatang umiinom ba ng gamot?" tanong muli ng dalaga.. "Oo anak.. Nagluto ako sinigang, tamang tama kasya naman sa ating tatlo iyon, mamaya ko na ayusin anak yang pinamili mo. Maraming salamat anak.." senserong wika ng Inang ni Nicole. "Inang talaga oh.. Wala ho kayo dapat na ipasalamat." tugon ni Nicole. Matapos na mapuntahan sa kwarto ang ama ay, si Nicole narin ang nag-bigay dito ng pagkain, habang nasa maliit na mesa ang mag-ina kumakain. Nasa kalagitnaan ng pagsubo si Nicole ng mapansin ng ina ang namumula nitung pisnge. "Anak ano yan? Parang bakat ng palad yan ah.." puna nitu. "Naku Inang naktulog me kanina, yong kamay ko ang ginawa kung unan kaya ayan ang resulta, akala mo tuloy sinampal ako.." masiglang wika ni Nicole ayaw nyang mag-alala ang kanyang ina sa kanya, ayaw nyang mag-iisip ang mga eto. Kaya nilihim nalang nya ang tunay na dahilan. Matapos ang kanilang tanghalian, habang inaayos ng ina ang kanyang pinamili, si Nicole naman ang nagluto para sa hapunan ng magulang nga sa ganun iinitin nalang ng kanyang Inang eto. Ala-sais lang kase ng hapon kailangan naman nya ng bumalik sa malaking bahay para makapag gayak din ng hapunan nila ni Donya Lara. Nagbibidahan sila ng Ina habang gumagawa. Pansamantalang kinalimutan nya ang naganap ng umagang iyon. At bago tuluyang namaalam sa mga magulang nag-iwan ng salapi si Nicole para sa pambili ng gamot ng kanyang Tatang. "Inang aalis na ako, Tang ingat kayo dito babalik nalang ho ako sa Linggo uli.." pamaalam ni Nicole at nagmano sa mga magulang. ***** Pagdating sa malaking bahay, sinalubong agad sya ni Donya Lara at kinumusta ang mga magulang Nitu. "Maayos naman ho sila Donya Lara. Kumusta ang maghapon nyo dito? Nagtanghalian ho ba kayo?" magkasunod na tanong ni Nicole sa matanda. "Oo iha, gumawa ako ng maha, lika't subukan mo, baka magustuhan mo.." anyaya naman ng matanda sa loob ng kusina. Kumuha pa si Donya Lara ng platito at kutsara para kay Nicole alam nyang para lang talaga kanya yon diabetic ang matanda kaya di eto kumakain ng matatamis. Pagkabigay sa dalaga agad naman humiwa at isinubo iyon ni Nicole. "Sarap ha.. Para kayong nasa Master chief Donya Lara.." biro ni Nicole.. "Naku kaw na bata ka, niloloko mo nanaman ako.. Nagustuhan mo talaga?" tanong muli ng matanda.. "Opo talaga. Masarap kakainini ko uli mamaya yan, anu hong gusto nyong hapunan natin?" tanong naman ni Nicole dito. "Gusto ko sana yong niluto mo dati na sinigang na isda sa miso.. Baka pwede yon uli ang lutuin mo.." hiling naman ni Donya Lara. "Oo naman ho. Kayo pa malakas kayo saakin eh.. Maupo lang kayo doon at ipagluluto ko kayo.." masiglang wika ni Nicole. Nang mapag-isa na sya sa loob ng kusina, doon nya palang nailabas ang luha na kanina pa ibig kumawala kanina pa, sandali syang naupo sa upuan at hinayang kumawala ang luha na dumaloy ng maalala ang mga nangyari kaninang umaga. Habang humihikbi ay lihim namang nakamasid si Donya Lara sa dalaga. "May problema ba Nicole?" tanong nitu. Agad naman pinahid ng dalaga ang mga luha at pilit na pinasigla ang kanyang boses. "Wala po Donya Lara." tugon naman nitu. "Wag mo na ipagkaila, nakita ko na umiiyak ka, di naman pwedeng wala lang yon, pwede mo naman saakin sabihin yon." mahinahon namang tugon ni Donya Lara. "Donya Lara di ko po alam kung kasalanan ko ba talaga, pero wala naman po akong ginawang masama sa dati kung amo, ngayon galit na galit sya saakin. Hindi po sya mag kaanak nagkataon po na kailangan ko ng pera para kay tatang kaya tinanggap ko na maging baby maker kaso nalaman ng asawa nya ang mga kasinungalingang ginagawa nya, tapos saakin na nya sinisi lahat, dahil sinadya ko raw na mabuking sya, Donya Lara diko intensyon yon, nakatulog ako, kaya pagising ng kanyang asawa, nakita nitu na ako na ang katabi nya at di asawa nya." pag kukwento ni Nicole. "Eh walang hiya pala yang amo anu, nagawa nya ang ganoong bagay. Hayaan mo na iha. Basta ang alam mo sa sarili mo wala kang ginawang masama. Tuloy ang buhay mo, iwasan mo nalang sya." payo naman ni Donya Lara. Samantala dahil walang pasok at ginabi na ng uwi si Archie, di na napigilan ni Cathy ang kanyang sarili. Pagpasok palang ni Archie ng pintuan, binalibag nya eo ng maliit na flower base, buti't nakailag ang lalaki ngunit ng dinampot ni Cathy ang remote ng t.v sapol eto sa mukha ni Archie. "Saan ka nanaman galing? Nakipagkita ka nanaman sa babaeng iyon? Kabit mo na ba sya? Ha?!" galit na galit eto at umiiyak. Dahil sa galit ni Archie dala ng sakit na tumamang remote sa mukha nya muntik na nyang masaktan si Cathy.   "Ano bang sinasabi mo Cathy, nawawala kana sa katinuan.." sigaw ni Archie dito. "Wag kanang magkaila pa Archie nakita ko kayo kaninang umaga ng babaeng iyon, walang hiya sya papatayin ko sya Archie makikita mo, papatayin ko sya! " sigaw parin ni Cathy. Iiling-iling nalang si Archie sa ginawa ni Cathy habang sapo-sapo ang mukha nitu. Samantala sa sobrang sama ng loob ni Cathy isang masamang balak ang kanyang isasagawa kay Nicole, at sisiguraduhin nyang pagsisisihan nitu ang ginawang pagtraydor sakanya.. * * * * Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD