ANALYN’s POV Bukas ang kaarawan ni Inay pero nagpasya na si Shador na ngayon na kami umuwi. Ang dami niyang pinamili para sa mga kapatid ko. Pati na rin kanila Inay at Itay. Pagkatapos naming mamasyal kahapon at ihatid ang mga kaibigan ko sa magiging bahay nila ay nagulat ako dahil nagpunta kami ng department store. Parang wala lang sa kanya ang paggastos. Ako ang nahihiya sa kanya. Pag-uwi namin sa bahay ay sobrang pagod na ako kaya hindi ko na siya napag-bigyan kahit gusto ko rin. Magkayakap naman kaming natulog na dalawa. Dahil excited ako kanina, maaga pa lang ay gising na ako. Iniwan ko na siya sa kwarto dahil miss ko na rin ang magluto. Nagulat pa ako nang biglang may yumapos sa akin mula sa likuran. Lumabas si Nanay Sabel para magdilig ng mga halaman. “Good morning, sweetie

