ANALYN’s POV Nag-uusap si Daddy Aki at Shador kaya sinamantala ko na ang pagbibihis. Naririnig ko naman ang usapan nilang dalawa. Naka-upo ako sa sofa habang si Shador ay walang suot na kahit ako sa katawan. May towel siyang bitbit, yung ginamit niyang pamunas. Mukhang matatagalan pa sila sa pag-uusap. Iba na ang sinasabi siguro ni Daddy sa kanya. Kanina kasi nagpapaalam siya na hindi siya makakapasok at tungkol sa apartment na tutuluyan nung dalawa. Ang swerte rin ng mga kaibigan ko dahil handang tumulong sa kanila si Shador. Isa ito sa natuklasan ko sa kanya. Akala ko noon, siya ang black sheep sa anak ni Daddy Aki. Hindi siya mahilig bumati sa ibang bata. Si Ninong Shadon at Ate Shadie lang ang laging all smiles sa amin. Shadie na lang tawag ko ngayon sa kanya dahil dapat ako ang t

