ANALYN’s POV Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam si Shador na aakyat muna siya sa kwarto. Hindi ko alam kung kanino siya nagpaalam dahil hindi ko naman narinig ang pangalan ko. Kinalabit lang ako ni Shadie at itinuro ang kuya niya. Nagkatinginan lang kami nito pero tapos na siyang magsalita. “Ayaw mo pang umakyat? Tinatanong ka ni Kuya kung gusto mo na daw magpahinga?” saad ni Shadie pero wala na ang kuya niya. Bakit kasi ang hina ng boses niya. Saka hindi ko naman narinig na binanggit niya ang pangalan ko. “Mamaya na ako aakyat, nakatulog na ako di ba? Kayo baka ina-antok na kayo. Okay lang ako rito.” Mga kapatid na lang ni Shador ang nandito. Kanina pa umakyat ang mag-asawa. Sina Inay at Itay naman ay umuwi na sa amin. Wala nang mag-aasikaso sa mga kapatid ko dahil nandito rin a

