SHADOR’s POV Maiiyak ako sa kakatawa sa ayos ni Chubby. Para na itong suman sa kanyang ayos. Bumangon ako nang marinig ko na ang paghilik nito. Kakahiga lang ay tulog agad. Pumikit lang ako para makiramdam kung saan siya mahihiga. Matigas talaga ang ulo at pinagpilitan ang kanyang sarili sa couch. Magkamali lang siya nang ikot sigurado na mahuhulog siya at delikado iyon sa kanya na buntis. Binuhat ko ito at hindi man lang nagising. Patuloy pa rin ang paghilik niya. Sinilip ko pa ang suot nito bago ko ayusin ang kumot. Naka-jogging pants, may suot pang malong simula paanan hanggang sa kanyang leeg at nagbalot pa ng kumot. Iniisip niya talaga na may gagawin ako sa kanya. Ano naman ako, hindi marunong sumunod sa sinabi ng doctor? Bawal ngang galawin siya, kaya may iba akong naisip gawin k

