SHADOR’s POV Kausap ko si Daddy sa phone ng makita ko ang Doctor kanina na papasok sana sa room ng aking sweetie pie. Nagmadali akong nagpaalam kay Daddy. “Dad, ingat po kayo. Mamaya na lang po tayong mag-usap. May kakausapin lang po ako.” Pinutol ko na ang tawag at maagap kong iniharang ang aking katawan sa pintuan. “Doc, ‘yan na po ba ang result ng test ng asawa ko?” Nakita ko kasi na iba ang awra nito ngayon kaysa kanina. Mas masaya siya at maaliwalas ang mukha. Tila may sasabihing Magandang balita sa amin. Nagkaroon ako ng ideya dahil sa sinabi sa akin ni Daddy. “Sir, kayo po yung asawa nung patient na nasa loob, tama po ba?” Mabilis naman akong sumagot dito. “Ako nga po, Doc. Kumusta po ang results ng test?” parang gustong itanong ng diretso kung buntis ba ang asawa ko. Per

