SHADOR’s POV Nandito pa rin kami sa hospital. Nagkamalay na ang aking sweetie pie, pagkatapos siyang malapatan ng first aid. Pagkatapos naming kabahan ay okay na siya. Nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin. Kahit anong kausap ang gawin ko ay tila wala itong naririnig. Pero ang doctor at nurse na nagtatanong sa kanya ay sinasagot naman niya. Talagang galit siya sa akin. Alam kong nagtatampo o galit siya pero hindi naman agad no’n mabubura ang pagmamahal na meron siya para sa akin. Mahal ko ang sweetie pie ko at mahal din niya ako. “Sir, hayaan po muna natin makapagpahinga si Ma’am habang hinihintay po natin ang result ng mga test po.” Wika sa akin ng attending physician dito sa emergency room. Tumango naman ako para malaman niya na naiintindihan ko siya. Tinitingnan ko lang din na

