ANALYN’s POV Nakauwi na kami ng aming bahay. Nakaalis na rin sina grandmama at grandpapa. Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa akin ang napakaraming bouquet ng bulaklak. “Nandito na pala kayo? Magluluto na muna ako. Hindi kayo nagpasabi na ngayon na ang uwi ninyo.” Sambit ni Nanay Sabel. “Ang dami pong bulaklak?” Naiwan pa sa labas si Shador para kunin ang mga pasalubong sa amin nina grandmama at grandpapa. “Oo, araw-araw may dumarating. Bayad na kaya kinukuha ko. Hindi ko pa ginagalaw para makita mo muna.” “Bakit nandito ka pa sweetie pie? Bakit hindi ka pa umaakyat sa ating kwarto?” sambit nito ng makita kami ni Nanay Sabel na nag-uusap. “Hindi pa pala natitigil ang pagpapadala mo ng bulaklak? Okay na tayo di ba?” baling ko dito. Ibinaba muna niya ang mga bitbit niya a

