SHADOR’s POV Nagpaalam si Nanay Sabel na uuwi muna ng probinsiya dahil namatayan siya ng kapatid. Pinayagan naman namin siya at para makabasyon din. Ang alam ko bago pa siya pinalipat sa amin nila Mommy ay matagal na siyang hindi nakakauwi. Dinaanan siya ng kanyang pamangkin kagabi at sabay silang umuwi sa probinsya nila sa Iloilo. Kaming mag-asawa lang ang tao dito sa bahay. Solong solo ko ang aking sweetie pie at syempre solong solo niya rin ako. Para kami ngayon na mag-honey moon na dalawa. May usapan kami ng asawa ko na ngayon ang simula ng kanyang training. Maglalakad muna kami bilang panimula niya para hindi rin mabigla ang kanyang katawan. Siya naman ang may gusto nito at ang purpose naman ay maganda. Gusto niyang mag-lose ng weight pero hindi naman para maging tila modelo ang k

