ANALYN’s POV
Binantuan ko ng maligamgam na tubig ang aking pagkababa e para mawala ang sakit nito. Kaya ko naman ilakad kaya lang ay baka mahalata nina Inay at Itay. Dress na rin ang isinuot ko para maitago ang paika-ika kong paglalakad.
Hindi pa rin magaling si Inay kaya pinapabalikan niya sa akin yung mga nilabhan ko kahapon. Hindi ko kasi naisilong pero natatakot na akong bumalik sa bahay ng mga Enriquez. Baka may gawin muli sa akin ang ninong ko. Natatakot ako kasi masakit pa ang aking pepe. “Kung hindi masakit, Analyn, papayag ka?” tanong ng isipan ko sa sarili ko. Parang tanga lang ako at napa-isip nga kung papayag ba ako o hindi? Pasaway na utak ito. Kasi naman bakit may nagsusumigaw sa isip ko na nasarapan ako? Mabuti na lang at nasa loob lang ng utak ko at dito nag-iingay. Mas mahirap may makarinig na iba. Malalagot talaga ako.
Paano bukas? Kinausap ko si Junior na samahan ako sa malaking bahay. Idinahilan ko na lang na kailangan niyang iuwi ang susi kay Inay baka may kailanganin silang kunin o ayusin sa malaking bahay at male-late ako sa trabaho kapag bumalik pa ako ng bahay. Pumayag naman ito na sasamahan ako kaya nakahinga na ako ng maluwag. Hindi na niya ako basta makukubabawan dahil hindi na ako nag-iisa.
Kanina pa ako nakahiga rito pero hindi ako makatulog. Sabi nila kapag hindi makatulog ang isang tao ay may nag-iisip sa iyo. Sino naman ang mag-iisip sa akin? Ano si Ninong Shador ba? Hindi ba niya makalimutan ang maganda kong kutis? Malamang pinuno niya ng marka ang palibot ng aking mga svso. At siguro ng angkinin niya ako. May gusto na ba siya sa akin? “Hay naku, Analyn! Itulog mo iyan, hindi ka niya magugustuhan dahil inaanak ka niya. Iyan ang tandaan mo!” heto na naman ako at kinakausap ko ang sarili ko. Anong oras na hatinggabi na at gising pa rin ako. Madalas naman maaga pa lang ay tulog na ako. Tulog mantika pa nga ako. Malapat lang sa higaan ay tulog agad ako. May pasok pa ako at dadaan pa ako sa bahay nina Ninong.
Nagbilang na lang ako ng tupa habang nakapikit. Naramdaman ko na lang ay ginigising na ako ni Inay. Kanina pa raw niya ako inaalog at panay raw tawag ko sa ninong ko. Wala naman akong matandaan na panaginip ko kaya anong pinagsasabi kong ninong.
“Grabe ka talagang bata ka, ang hirap mong gisingin. Hindi ka pa nag set ng alarm. Tatanghaliin ka na. At sino bang ninong ang tinatawag mo?” wika pa ni Inay.
“Wala naman po akong natatandaan na napanaginipan ko po. Hindi ko rin po alam kung bakit ako nagsasalita ng Ninong. Wala po talaga akong alam. Kung mag-iisip po ako, baka tanghaliin na po ako ay wala pa rin po akong maisagot sa inyo,” sambit ko kay Inay.
“Siya, maghanda ka na at baka nga tanghaliin ka na,” utos na sa akin ni Inay.
Naligo na muna ako. Mamaya na ako kakain. Pwede namang baunin ko na lang ang tinapay o di kaya ay kakainin ko habang naglalakad ako. Kung uupo pa ako sa mesa ay baka mahuli pa ako sa pagpasok ko sa kantina. Helper ako roon. Free ang pagkain at unli sabaw at kanin kaya saan pa ako? Doon sa hindi ako magugutom. Mahina sa akin ang dalawang rice every meal. Minsan tumatatlo ako hanggang apat. Kaya huwag ng magtaka kung bakit ganito ang aking katawan? Investment ang tawag dito. Pinaghirapan ko ito kaya hindi pwede sa akin ang mapanglait. Ang may karapatan lang manglait sa akin ay kung may maputi ang singit niya. Kung hindi rin lang at kahit na gaano pa siya ka-sexy, wala siyang karapatan na laitin ang hitsura ko.
“Ate, tapos ka na ba raw? Tanghali na.” Sigaw na rin ni Junior. Syempre hindi ako makakilos ng mablis dahil may masakit pa ako. Mabuti nga at nabawasan na ang sakit. Pakiramdam ko ay nakakalakad na naman ako ng maayos.
“Tapos na ako. Palabas na po. Pakisabi kay Inay ipaglaan na lang ako ng tinapay na may palamang peanut butter,” sigaw ko kay Junior para malinaw niyang marinig ang pinapakisuyo ko. Sa daan na lang ako kakain.
Mabilis naglakad si Junior kaya naiiwan ako. Hindi ko na rin pinansin ang mga nadadaanan namin. May masasabi na naman sila dahil sarap na sarap ako sa kinakain kong tinapay na may palamang peanut butter. Maglaway sila, ang sarap kayang kumain. Sa likod lang naman kami ni Junior. Tinulungan na ako nitong mag-ayos ng mga kurtina. Siya na rin ang pinagdala ko sa loob. Baka makita pa ako ni Ninong at harangin ako. “Assuming na naman, Analyn?” sabi na naman ng isipan ko. Pagkalabas ni Junior ay tinanong ko ito kung may tao sa loob.
“Sino ang nasa loob?”
“Wala si Sir Shadon di ba? Iyon ang sabi nina Inay at Itay sa iyo noong isang gabi. Walang tao sa loob at wala ngang ilaw eh,” sagot ng kapatid ko sa akin. Hindi ko na lang sinabi sa kanya na baka nasa loob lang ng kwarto iyon. Baka nagtatago lang. Praning na rin ako. Baka kung ako ang papasok ay lumabas ang ninong ko.
“Tara na! Ito ang susi, pakibigay na lang kay Inay. Kaillangan na nating magmadali at papasok pa ako.” Yaya ko na sa kapatid ko. Paglabas namin sa bakuran ng mga Enriquez ay may tricycle akong pinara.
“Sa bayan po,” wika ko sa driver. Minsan kasi may ibang samahan na nadadaan dito.
“Dalawang tao na po kayo?” sagot sa akin nito.
“Kuya, kumain ka na po ba? Isang tao lang po ako. Pero willing po akong magbayad ng pang dalawang tao. Hindi po ako dalawang tao or else may nakikita ka po sa akin na hindi ko nakikita.” Masungit kong sagot dito. Sumakay na rin ako habang nagpapaliwanag ako. Mahirap pa naman sumakay at pasukan na ng mga papuntang trabaho.
“Ganoon na nga po ang ibig kong sabihin. Pang dalawang tao po ang babayaran ninyo dahil katumbas ka po ng dalawang tao.” Hindi pa rin talaga ako tinigilan ni kuyang driver.
“Kuya, hindi ka pa rin po ba naka-move on? May pambayad po ako,” mabuti na lang at hindi na siya sumagot kung hindi ay isasampal ko talaga sa kanya itong pambayad ko. Paulit – ulit. Alam ko naman ang size ko. Mabuti kung gwapo siya. Mukha naman siyang tingting. At least ako malaman, yummy. Inabot ko agad ang bayad ko at ayaw ko na siyang marinig. Naririndi ang tainga ko talaga sa kanya.
“Hi siksik! Mukhang late ka ah!” bungad sa akin ng costumer. Suki na ito rito at gusto niya ako ang nagse-serve sa kanya. Si Clyde. Hindi naman ako naiinis sa kanya. Cute siya at dati crush ko siya. Pero naiba yung crush ko.
“Oo, tinanghali ako ng gising. May order ka na ba?” tanong ko sa kanya kahit hindi ko pa naipapasok ang gamit ko.
“Wala pa eh. Hinihintay kita. Alam mo naman na hindi ako makakain kapag wala ka,” boladas pa nito.
“Hindi ko naman dala ang pagkain. Daig mo pa ang baby, kailangan pang hintayin ang nanay niya,” sagot ko pa sa kanya. Sanay na sila dito nag anito kami mag-usap na dalawa kaya minsan iniisip nila na kaming dalawa n ani Clyde.
“Kung sagutin mo na kaya ako,” sagot niya sa akin.
“Sumasagot naman ako sa tanong mo ah,” pilosopo kong sagot sa kanya.
“Tayo na?” tanong niya sa akin.
“Anong tayo na? Okay ka lang? Hindi ka naman nanliligaw. Ano bang order mo?” tanong ko na dito.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap iniba mo na agad. Ayaw mo kasi akong payagang umakyat ng ligaw sa inyo. Kung sabihin kong ikaw ang gusto ko? Ibibigay mo ba?”
“Alam mo Clyde? Syempre hindi pa. Baka ihagis kita sa labas. Inis na nga ako sa driver na nasakyan ko kanina, dadagdag ka pa. Sasabihin mo sa akin ang order mo o iba ang mag-serve sa iyo?” naiinis kong wika rito. Ginagalit talaga kasi ako.
“Yung dati pa rin at sana maniwala ka na sa sinasabi ko. Hindi naman kita lolokohin. Aaalagaan pa kita.” Hinayaan ko na lang siya sa pambobola niya. Kung crush ko pa siya baka pumayag ako. Pero hindi na. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
Ang aga – aga ang daming panira ng araw.
Nilapitan ako ng aking kasamahan at kaibigan dito na si Lea.
“Okay ka lang ba? Namumula ka na sa inis. Bakit kasi pinapatulan mo pa ang mga pinagsasabi ni Clyde? Alam naman natin na may pinopormahan siya sa may beauty salon sa tapat. Mas may karapat dapat pang lalaki sa iyo. Kung papayat ka lang, baka pumila ang mga manliligaw mo. Hayaan mo sila. May mga lalaki rin na ang habol lang sa mga babae ay ang pagkababa e nila. Kapag nakuha na at natikman, goodbye na. At sana huwag mangyari sa atin iyon. Sana hindi ako iwanan ni Darwin,” napatingin agada ko rito. Ibig sabihin ay ibinigay na niya ang kanyang sarili sa boyfriend niya.
Hininaan ko ang aking boses at muli siyang tinanong.
“May nangyari na sa inyo ni Darwin?” nagbubulungan kaming dalawa nito. Wala namang bagong costumer. At saka may ginagawa kami habang nag-uusap.
Tumango ito. “Anong pakiramdam? Masakit? Umulit pa kayo?” tanong ko sa kanya.
“Noong una kinakabahan ako syempre. Baka kasi iyon nga lang ang habol niya sa akin. Pero desidido na akong ibigay ang sarili ko kaya pumayag ako. Masakit noong una kasi parang may napunit sa loob. May dugo pa nga pero habang tumatagal ang alaga niya sa aking loob, iba na ang naramdaman ko masarap na siya. May kakaiba siyang hatid sa buo kong katawan. Hindi ko maintindihan. Basta ang alam ko lang masaya kaming dalawa kapag ginagawa namin iyon,” nakatulala ako sa kanya habang nagkukwento siya. Pero hindi ko pa rin maintindihan mabuti dahil iba yung nangyari sa akin.
“May costumer at may tapos ng kumain,” wika sa amin ni Madam. Naghiwalay na kami ni Lea pero may pahabol pa ako sa kanya. “Mamaya natin ituloy ang usapan natin,” nakangiti kong wika rito. Madami pa akong gustong malaman at curius lang ako. Pero totoo ang sakit at sarap.
Naging abala na kami sa trabaho nitong maghapon. Hindi na kami muling nagkausap na dalawa. Malamang mamayang pag-uwi na kami nito mag-usap. Inabala ko muli ang aking sarili sa mga gawain dito pero hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mga nangyari sa amin ni Ninong Shador. Naisip ko lang, kung gising ba ako ng mga oras na iyon ay may mangyayari pa rin ba sa amin? Siguro wala kasi hindi ako papayag. Una dahil ninong ko siya at pangalawa wala kaming relasyon.
Hindi na rin kami nakapag-usap ni Lea ng uwian na dahil sinundo siya ni Darwin. Pinanood ko pa silang dalawa. Mas sweet na sila ngayon at clingy na compared before. Noon parang ayaw pang magpahawak ni Lea sa kanya. Pero ngayon naka-akbay na si Darwin at si Lea nasa bewang naman ni Darwin ang kanyang braso. Nakita ko pa na hinahalikan siya ni Darwin sa kanyang noo.
“Hoy! Anong pinapanood mo dyan? Para kang bulate na inasinan. Kinikilig kilig ka pa,” hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Madam. Kaparehas ko siyang nakatingin sa love birds. “Kung may boyfriend ka na, mararanasan mo rin iyan. Pero huwag kang magmadali, dadating din ang tamang panahon para makilala mo ang taong karapat dapat sa iyo,” wika ni Madam.
Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Madam sa akin. May point naman kasi rin siya.
“Saan ka sasakay? Idaan ka na namin,” tanong sa akin ni Madam.
“Hindi na po, madam. Maglalakad lakad po muna ako. Baka may makita po akong mabibili para sa bahay. Salamat po. Ingat po kayo,” sagot ko dito at kumaway na ako. Nagsimula na akong maglakad palayo sa pwesto ng kantina.
Ang totoo gusto ko lang munang libangin ang utak ko dahil kung anu-ano na ang naiisip ko.