SHADOR’s POV
Tinanghali ako ng gising dahil umaga na ako nakatulog. Panay labas sa aking diwa ang mukha ni Miss Chubby.
Naunang magising si Daddy kaya naman may parusa ako. May chart si Daddy, nakalagay roon ang mga parusa sa mga offense na magagawa namin. Matindi kapag sa paggising ka nahuli. Habang dumadami ang bilang ng late na paggising namin kapag may schedule may karampatang parusa iyon. Ika-limang offense ko na. Hindi nabubura ang records kaya habang tumatanda kami mas dumadami yung offense patindi rin nang patindi ang parusa na ibinibigay niya sa amin. Ako yata ang number sa pinaka maraming offense. Hiningi niya kay Mommy ang record book nito, dito nakasulat ang mga nagawa namin.
“Pang-limang beses mo na ito. Sinabihan ba kita kagabi na kailangang maaga kang gumising ngayon?” malakas nitong tanong. Nandito kami sa disciplinary room ng aming mansion.
“Sir, yes Sir! Sinabihan po ninyo ako Sir!” sagot ko dito. Nakatayo ako ng tuwid. Diretso ang tingin at hindi kumukurap. Ganito kapag nasa loob ng disciplinary room.
“Ngayon, alam mo na ang kailangan mong gawin dahil ika-limang offense mo na ito. Give me 500 push ups! I want to hear you counting from one to five hundred! Is that clear?” Malakas na wikang muli ni Daddy.
“Sir, yes Sir!” ito lang ang sinabi ko at pumwesto na ako para makapagsimula. Nagsimula ako sa pagbilang simula one. Kung 50 push ups, easy na lang sa akin ito. Kaya nga lagi akong nagsasanay. Hanggang 100 kayang kaya pa pero ang five hundred parang malabo yata. Wala naman akong lifeline. Hindi ko masabi kay Daddy na may pupuntahan pa kaming meeting. Patuloy lang ako sa ginagawa ko nasa 200 na ako pero parang babagsak na ako. Wala kasi si Kuya Shadon, pumapayag naman si Daddy na tulungan ako ng mga kapatid ko. Pero wala si Kuya at wala rin si Shadie. Nakakapag-ambag din si Shadie ng 100. Nakita kong lumabas si Mommy. Sana mapapayag niya ang dalawa kong kapatid para mailigtas ako. Hindi ko na talaga kaya. Babagsak na ako. Kailangan ko munang magpahinga. Sakto dumating ang dalawa at pumwesto agad ang isa. “Kuya, what is your last count?” kaya sinabi ko sa kanya na nasa 220 na ako. Magsisimula siya sa 221. Nakagawa siya ng 100. Kaya ang bunso namin ang nagsimula sa 321. Hanggang 400 siya natapos. May 100 pang kailangan at hindi ko na talaga kaya. Nagulat kami ng si Mommy na ang pumwesto at nagpatuloy. Ganito kami kapag may napaparusahan. All for one, one for all. Hindi na rin kaya ni Mommy. Hanggang 450 lang siya. Nagulat kami ng itayo pa ni Daddy si Mommy at ito na ang bumuo ng kulang pang 50.
Natapos ang parusa sa akin ni Daddy. Lahat sila nadamay at ngayon nakasali na rin si Mommy sa awa sa akin. At si Daddy, ginawa na rin niya dahil nakita niya ang ginawa ni Mommy.
Kakaiba ang parusa ni Daddy pero pinapayagan niyang magtulungan kami. Ang sabi niya sa amin, dapat kaming magkakapatid ay laging handang tulungan ang isa sa amin lalo na sa panahon na nahihirapan ito. Hindi lang dapat sa saya at tagumpay kami magkakasama kundi sa hirap din. Ito ang dahilan kung bakit close kaming lima. Dahil nandyan ang bawat isa para damayan ang nangangailangan.
Isa isa akong nagpasalamat sa kanila at nangakong pipilitin kong hindi na iyon mauulit. Dahil mas mabigat na ang kasunod at mahihirapan din sila. Ayaw ko naman mangyari iyon. Mabuti na talagang nag-gy-gym si Mommy. Lagi silang sabay ni Daddy na mag-work out kaya naman stay fit and healthy silang dalawa. Hindi makikita sa edad ni Mommy na 45 na siya at 55 naman si Daddy. Very active sillang dalawa.
Umalis na kami ni Daddy para um-attend ng meeting. Sa totoo lang ay wala akong naintindihan dahil napipikit ako. Pasimple ko na lang na ini-record ang pinag-uusapan at kapag hindi na ako antok saka ko papakinggan. Hindi ko talaga kayang pigilan ang antok dagdag pa yung pagod ko kanina. Pasimple akong yumuko. At nakatulog ako na akala nila ay nagbabasa lang ako ng manual. Idagdag pa na nakaka-antok ang boses ng nagsasalita. Para talaga akong hinehele.
Nagulat ako ng tapakan ni Daddy ang paa ko.
“Not only did you fall asleep, you’re snoring loudly!” wika sa akin ni Daddy. Napansin kong nakatingin nga sa akin ang ibang nasa meeting. Hindi lang naman ako ang nakatulog, may iba pa dahil ang bagal nung nagsasalita. PInagkaiba ko lang ay humihilik na pala ako. Sobrang pagod ko siguro dahil sa push ups. Pero nakakahiya. Pinilit kong mulat ang aking mga mata. Kaya nang matapos ang meeting baka ako rin ang unang tuwang-tuwa, Gusto ko ng umuwi agad para makatulog. Kasalanan kasi ni Miss Chubby ito kaya ako napuyat.
Diretso na ako sa kwarto pagdating namin ni Daddy sa bahay. Kapag nagising na lang ako saka ko papakinggan ang ni-record kong pinag-usapan sa meeting.
Pagka-gising ko sakto dinner na. Sumabay akong kumain sa kanila. Bawal ang phone sa harap ng pagkain. Kahit tumunog pa iyan. Bawal sagutin. Kapag oras ng meal time at urgent ang tawag sa landline dapat tumawag. Alam naman ito ng family members. Iniwan ko sa kwarto ang phone ko. Biglang nag-ring ang landline.
Nagulat ako dahil ako ang tinawag ng maid namin.
“Sir Shador, phone call po para sa inyo. Si Ma’am Samira po,” sambit sa akin ng maid. Hindi na sana ako lalapit kaya lang ay nakatingin na sila sa akin.
“Hello!” bati ko rito.
“Babe, hindi mo na ako pinuntahan dito,” sambit nito sa kabilang linya.
“Iyan lang ba ang itinawag mo? Dinner time at naabala ang pagkain ng pamilya namin para sabihin lang sa akin iyan? Alam mo na importante sa amin ang meal time. Sige na kailangan ko ng bumalik doon.” Ibinaba ko na at hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Parang masyadong demanding na siya. Baka wala na siyang pera kaya ako kinukulit nito.
Tahimik akong bumalik sa aking upuan at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain. Wala ring nagsalita sa pamilya ko. Lahat ay tahimik. Hanggang sa matapos kaming kumain.
Dito pa lang mag-uumpisa ang kumustahan.
“Bakit napatawag ang girlfriend mo? May problema ba kayo?” si Mommy ang nagtanong.
“Wala naman po, mom. Gusto po niyang puntahan ko siya sa pad niya. Ina-antok na nga po ako, paano pa ko pupunta sa kanya. Gusto ko ring magpahinga muna,” tila nanghihina kong sagot kay Mommy.
“Dati naman kapag pinapapunta ka niya, atat na atat ka. Hindi ka na nakikipag-usap sa amin dahil lagi kang nagmamadali na puntahan siya,” hindi makapaniwala si Mommy na pwedeng magbago. Wala talaga ako sa mood na puntahan siya.
“Hindi ko po alam, Mommy. Hindi ko lang po talaga feel na umalis ngayon dahil masakit pa ang katawan ko.” Tumingin pa ako kay Daddy na nakatingin din sa akin.
Tinigilan na ako ni Mommy. Sunod naman nitong kinumusta ang mga kapatid kong nasa College at ang isa nasa high school. Nakinig lang ako sa usapan nila. Naghiwa hiwalay na kami ng mga ito pag-akyat namin sa second floor. Pumasok na kami sa kanya-kanyang kwarto.
Binalingan ko na ang phone ko para pakinggan ang discussions kanina. Pero nakita ko ang video namin ni Miss Chubby. Ito ang pinanood ko nang paulit-ulit. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hawak ko na naman ang aking alaga at ito ang minamasahe. Bakit kailangan kong magsarili gayung in-o-offer sa akin ni Samira ang sarili niya. Hindi ko na kailangan pang manood at magkamay.
Heto na naman si Miss Chubby at tinuturuan akong gumamit ng palad. Nakatulog na ako ng hindi na napakinggan ang recording ko ng meeting. Huwag lang ako matanong ni Daddy at baka wala akong maisagot. Sabagay alam naman niya na nakatulog ako habang nasa meeting.