ANALYN’s POV
Dumaan lang ang mga araw, tuluyan na nawala ang masakit sa akin. Wala pa rin akong pinagsasabihan ng tungkol sa nangyari sa amin ni Ninong Shador. Magaling na rin si Inay, kaya hindi niya na ako inuutusan na pumunta sa bahay nina Ninong. Sila lang ni Itay ang pumupunta roon kapag may gagawin.
Hindi rin araw-araw na naglilinis si Inay dahil wala namang batang nagkakalat. Punas punas lang ang ginagawa niya. May general cleaning lang kapag darating ang mag-anak o kaya ay may bisitang paprating dito.
Tuloy lang ang buhay ko sa kantina. Madalas pa rin kaming magkwentuhan ni Lea, tungkol sa adventure nila ni Darwin.
“Hindi ka ba natatakot na baka mabuntis ka?” tanong ko sa kanya. Para kasing napapadalas ang adventure nilang dalawa lalo na at isang Linggo na walang kasama si Lea sa bahay nila. Doon daw nag-stay si Darwin. Umaalis na lang ng madaling araw para hindi makita ng mga kapitbahay.
“Maingat naman kami. May ginagamit kami para hindi ako magbuntis. Noong una, condom ang gamit ni Darwin kaya lang hindi siya nasisiyahan. Gusto niyang iputok sa loob kaya umiinom na lang ako ng pills araw-araw para hindi ako mabuntis.” Sagot nito sa akin.
“Araw-araw ninyong ginagawa iyon? Hindi ba kayo napapagod? Mabuti at nakakatayo ka pa?” Tanong ko dito na hindi makapaniwala. Ako nga sandali lang may nangyari sa amin, pakiramdam ko ilang araw parang may nakapasak sa aking pagkababa e. Siya araw-araw pero heto at parang walang ginagawa.
“Araw-araw ang pills, pero hindi ibig sabihin no’n eh araw araw din kaming nagytatalik. Syempre, depende kung may pera si Darwin na pang-motel o di kaya libre sa bahay o sa kanila. Iyon nga lang dahil naka-pills ako kahit mag unli kami tulad noong walang tao sa aming bahay,” kinindatan pa ako nito. Gusto ko na siyang kurutin sa kanyang singit at napakalanding dalaga.
Kaya pala noong sa kanila natutulog si Darwin pagpasok niya dito ay antok na antok siya. Siguro walang tigil ang kanilang kangkangang mag-nobyo.
“Ikaw ha! Ang dami mo ng utang sa akin, may free seminar ka na. Kapag nagka-boyfriend o asawa ka na madami ka ng alam. Baka naman magulat siya sa iyo dahil alam na alam mo na. Magkunwari ka rin na wala pang alam. Baka mapagkamalan ka pang hindi na virgin niyan,” wika nito sa akin. Seminar na bai yon? Gusto ko ngang magtanong pa sana sa kanya kaya lang nakakahiya na masyado. Saka baka mamaya madulas ako at masabi ko sa kanya na hindi na ako virgin. Sa ilang linggo hindi ko pa rin makalimutan. Minsan natutukso akong manood kung paano talaga ginagawa kaya lang hindi pwede baka mahuli ako ni Inat at Itay ay malalagot talaga ako. Nakakahiya naman sa mga kapatid ko kung papadapain pa ako at sinturonin ni Itay. Ang sakit pa naman niyang mamalo. Naglalatay talaga sa aking puwetan. Sobrang higpit ng aking Itay. Kung gaano siya kabait, kabaligtaran naman ang higpit niya sa akin.
“Kayong dalawa, lagi ko ng napapansin na panay ang bulungan ninyo. May problema ba kayo dito sa kantina? Baka mamaya bigla na lang kayong magsilayas dito,” sita sa amin ni Madam.
“Naku, madam, malabong mangyari na aalis po kami rito. Wala na kaming mahahanap na kasing bait po ninyo. The best po kayo,” wika ko kay Madam na inayunan naman ni Lea. Totoo naman na the best si Madam pero hindi namin pwedeng i-share sa kanya ang mga pinagbubulungan namin ni Lea. Sexcapades nila iyon ni Darwin.
Magkaka-boyfriend pa kaya ako? O may magkakagusto pa ba sa akin? Paano kapag nalaman nilang hindi na ako virgin? Tapos hindi naman ako marunong. Ano ang ipapaliwanag ko sa partner ko?
Maya-maya ay bumulong akong muli kay Lea kahit napuna na kami ni Madam.
“May tanong pa pala ako sa iyo. Last na ito talaga.” Saad ko kay Lea.
“Sige, ano ba yang last question mo at lagot na tayo kay Madam. Tingnan natin kung masasagot ko,” tugon nito sa akin.
“Yung sinasabi mong hymen na siyang napupunit kapag first time nakipag-s*x ay pwede pa bang maibalik? Kung maibabalik paano? Ano ang kailangang gawin?” Inosente kong tanong dito. Sana ay hindi niya mahalata na ako iyon. Para sa akin iyon.
“Narinig ko lang, yung mga babaeng maluluwag na ang butas nagagawan ng paraan pa raw. Napapasikip sa pamamagitan ng operation. Kung yung sa hymen naman ang sinasabi mo, baka hindi na pwede kasi manipis lang na tisyu iyon. Kung maayos man, baka kapag nag-s*x sila ng partner niya hindi na siya dudugo. Hind ako sigurado kasi hindi ko naman ginawa iyon. Nakita ko sa hinigaan namin ni Darwin na may dugo. Pero may nabasa rin ako na may virgin pa pero hindi naman dinudugo. Meron din sobrang tindi naman kung duguin. Magkakaiba, hindi basehan ang dugo para masabing virgin ang isang babae. Alam ng lalaki iyon kapag pinasok na nila ang kweba ng isang babae.” Paliwanag sa akin ni Dok Lea. Expert na yata itong kaibigan ko pagdating sa s*x.
“Hindi ba pwedeng ipagamot iyon sa albularyo? O kaya may itatapal lang na halamang gamot o iinom ng nilagang gamot para manumbalik sa dati?” inosenteng tanong ko pa dito.
“Kung saan saan na nakakarating ang usapan natin. Kung may boyfriend ka, iisipin ko na hindi ka na virgin. Ganoon kasi ang mga klase ng tanong mo. Magtrabaho na tayo. Si Madam ang nagpapasahod sa akin at hindi ikaw na number one client ko.” Nagtatawanan kaming dalawa na naghiwalay. Masama na tingin sa amin ni Madam. Kung pwede lang na ito ang usisain ko sana, mas madami itong maisasagot sa akin dahil lagi silang sweet ni Sir. May mga moment silang dalawa na nagkukulong sa maliit na kwarto rito at paglabas mga pawis na pawis. Baka mawalan ako ng trabaho kapag ito ang tinanong ko.
Maalala pa kaya ni Ninong ang ginawa namin kapag nagkita kami? Ilang buwan na lang magpapasko na. Ano kayang ipapasko niya sa akin. Noong kumpil binigyan niya ako ng five thousand. Gusto pa kaya niya akong makita?
= = = = = = = = = = = = =
SHADOR’s POV
Sobrang busy ko sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit nagsusunod – sunod ang mga pinapagawa ni Daddy sa akin. Dapat kapag paborito, hindi pinapahirapan. Pero iba itong si Daddy, parang dito na ako pinapatira sa opisina.
Magkapareho ang mga mata namin ni Daddy. Ako lang ang nakakuha ng katulad ng kanyang mga mata. Kulay gray. Magkamukha kaming tatlo at sa mata ang isang pagkakaiba namin. Kay Shadie ay combination ng mata nina mommy at daddy. Kay Kuya Shadon kay Mommy niya nakuha ang mga kulay ng mata niya.
Mabuti na lang at busy rin si Samira. May agency na tumawag sa kanya at ngayon ay busy sa mga auditions. Good for her, and good for me. Natahimik ang mundo ko pero tambak naman ng trabaho.
Hindi pwedeng magreklamo dahil para sa akin din ito. Dalawang option ang pagpipilian ko, pagbutihan ko ang trabaho rito o sa ibang bansa ako magtatrabaho. May family business naman sina Mommy doon at kapag sumuko ako rito. Doon ako ipapadala ng parents ko. Hindi iyon biro, totoo iyon! Kapag si Daddy ang nagsalita at seryosong bagay ang usapan, totohanin talaga niya ang lahat.
Kaya kaysa mapatapon ako sa malayo, pagtitiyagaan ko na ito.
“Sir, may bisita po kayo,” sambit ng aking secretary sa intercom.
“Sige, papasukin mo,” hindi ko na naitanong kung sino ang bisita ko. Nasa isip ko ay ang head ng finance na pinatawag ko kanina. Wala palang binanggit ang secretary ko kung sino.
“Hello, babe! Mabuti naman at hindi mo ako pinagtaguan ngayon,” ani Samira. Ito nan ga ba ang sinasabi ko. Nawala sa isip kong magbilin sa aking secretary dahil ang buong akala ko ay busy pa rin ito.
“Hi! Who told you, na pinagtataguan kita? Can’t you see, tambak ang mga documents? Pati nga magpunta sa barber shop hindi ko na magawa dahil sa tambak na trabahong meron ako dito araw-araw.” Dito ko inilabas ang inis ko. Hindi pwede kay Daddy, baka doblehin pa ito lalo.
“Relax, take it easy baby. Hindi ako nagpunta rito para guluhin ka. Gusto ko lang na ibalita sa iyo ng personal ang good news. Natanggap ako bilang endorser ng isang kilalang brand ng alak. Trabaho lang naman, babe. Okay lang naman sa iyo, di ba?” kwento nito sa akin. Nag-umpisa na rin maglumikot ang mga kamay nito. Pababa sa aking dibdib. Na-miss ko ang ganitong mga pangyayari. Nagsisimula na rin mag-react ng aking alaga. Bumaba pa ang mga kamay nito at inabot ang aking mga ng kanyang mga labi. Malapit ng maglapat ang mga ito at ang kamay niya ay nagsisimula ng kalasin ang aking belt nang biglang kumalabog ang pintuan para maglayo kaming dalawa.
“Where’s the report you were supposed to send to my email?” dumadagundong na wika ni Daddy. Ni hindi nito pinansin si Samira na nasa may tabi ko.
“Sorry, Dad, I meant to send it, but I forgot to click send. I’ll resend it right away.” Wala naman akong ibang choice kung hindi ang humingi ng sorry kay Daddy. Kapabayaan ko ito. Bakit kasi biglang dumating itong girlfriend ko. Yung init na naramdaman ko kanina ay tila nabuhusan na ng malamig na tubig.
Isa pa, kaya siya naririto ay para humingi ng per ana pang allowance. Magbabayad pa ako para sa kanyang pad. Kaya talagang nandito siya para i-remind ako.
“I’ll deposit your allowance into your bank account. Pwede ka ng umalis. Madami pa akong gagawin,” sambit ko dito. Umiwas na rin ako sa kanyang goodbye kiss. “Sige na, umalis ka na. Baka bumalik pa si Daddy, madamay ka pa sa galit niya,” pananakot ko pa rito para tuluyan na siyang umalis.
Sana lang ay mamaya kapag nagkita kami ni Daddy sa meeting ay okay na siya. Mahirap na mainit pa rin ang kanyang ulo baka kung ano pa ang ipagawa niya sa akin doon at sabihin.
Parang gusto ko tuloy umuwi ng probinsiya kapag lumuwag na ang schedule ko at maubos ko itong sangkatutak na trabaho sa lamesa ko.